Muli siyang napatingin sa kanyang kaibigan, Ito talaga ang kanyang malaking problema, tuwing umaga na lamang, nakakainip at masakit sa puson ang maging mabait na manliligaw pero wala naman siyang ibang choice. Gusto niyang iparating kay Candice na seryoso siya sa bawat malinis na paraan, nito nga lang ay nakipagkasundo na siya sa mga demands ng mga tao ng hawak nitong kaso. Hindi na rin naman sila talo dahil for future investment naman yun, makakabuti ang kanilang itatayong estblishment, hindi lamang sa lungsod maging sa buong probinsysa, maraming mabibigyan ng trabaho, suportado rin naman sila ng lokal na gobyerno kaya malinis na umuusad ang kontrsuksyon. Kapag wala siyang trabaho , pumupunta siya dito, kilala na niya sya halos ng mga tao doon, malalawak na ngiti ang mga binibigay nito sa kanya, pero hindi niya yun pansin, si Candice lang naman ang dahil kung bakit pabalik balik siya doon.

"Jogging?" Nakaupo lamang si Benjo doon sa kanyang living room, inirapan niya ito at nagtuloy tuloy na sa labas. Kailangan niya munang tumakbo para mahimasmasan. Mukhang kulang pa kasi ang ginugol niyang oras sa bathroom. Hindi pa naman sumisikat ang araw at meron na ring mga tumatakbo sa subdivison na iyon. Napapadalas ang routine niya na ganito, gaya ng napapadalas ang kanyang makamundong panaginip.

Makamundo talaga, baka mademanda siya ni attorney kapag nalaman nito ang kanyang mga imahinasyon.

"Hi," nagulat siya ng may babaeng tumabi sa kanya, naka suot ito ng maikling short at racer back, matangkad din ito, nakaponytail ang blonde na buhok.

Tinignan niya lamang ito saka nagpatuloy sa pagtakbo.

"Suplado?" sabi pa nito sa kanya habang tumatawa, binilisan niya ang takbo para maiwan ito, sa unang ikot niya ay nakita niya si Benjo na nakaupo sa harapan ng bahay nito, naka rubber shoes na rin ito kagay niya. Ngumiti agad ito at tumayo.

"Jogging din!" hinayaan niya na lamang ito, para naman lumiit ang malaki nitong tiyan. Hindi niya pa ito napapatawad sa ginawa nito sa kanya, malay niya ba kung saan nito galing ang feeding bottle na may gatas , akala niya talaga yung nalalasahan niya sa kanyang panaginip ay kay Candice na galing hindi pala. Nakakasira talaga ng kabaitan ang makulit na pilit na humahabol sa kanya.

"Pare, tumakbo tayo hanggang Jobee tapos bili ka ng burger kakain ako!" mukhang gatasan din ang labas niya kay Benjo.

"Ano pang silbi ng pagtakbo mo kung pagkain rin lang ang nasa isip mo?" inis niyang tanong dito.

"Hindi ba? Ikaw bakit ka tumatakbo, hindi ka ba nagugutom?"

"Tumatakbo ako para umayos ang takbo ng isip ko." Tukoy niya sa malulumot na kanyang naiisip kasama si attorney.

"Ganoon, dapat pala tatakbo ako lagi, hindi na ako lalakad tatakbo na lang!" natatawa na lamang si Ren, sige na lipas na ang galit niya sa makulit na kasama.

"So ganyan pala ang feel mo na kausap, retarded." Lumingon sila sa babaeng nasa kanyang gilid, nanunuya ang boses nito habang minamamat ang walang muwang na katabi.

"Miss." Huminto siya kaya huminto na rin ito, malapad pa ang ngiti nito sa kanya.

"Yes?"

"May nakapagsabi na ba sa iyo na mukha kang suso?"

"What?" nanlaki ang mata nito sa kanyang sinabi.

"Wala pa? Ngayon may nagsabi na, ang pangit mo, mukha kang suso kaya hindi kita pinapansin. I'd rather talk to this guy instead of you."

Iniwan niya na ito, sumunod naman si Benjo na sinesermonan pa siya.

"Hala bad yun!Ginalit mo siya!"

"Sinabihan ka niya ng re-, hindi ka ba nagalit?" Hindi alam ni Ren kung kailan siya nagumpisang mainis kapag may lumalait kay Benjo, basta na lang umiinit ang ulo niya kapag sinasabihan si Benjo ng ganoon, samantalang noong una , kabilang siya sa mga ganoong uri ng tao.

"Tama naman, retarded naman ako."

Nakaramdam siya ng awa.

"Saka gutom na ako, pakainin mo na ako!" kahit sa ganitong pagkakataon , gutom pa rin talaga ni Benjo ang mahalaga, ito marahil ang advantage ng mga taong katulad nito ang sitwasyon. Hindi nila dinidibdib ang mga kung ano.

...

Maagang nagluto si Candice ng breakfast, mayroon siyang sinangag saka tapa na binili nila ni Ren kahapon, lagi siya nitong sinusundo pauwi, katakot takot na tukso na nga ang nakukuha niya sa opisina, kinausap na rin siya ng kanyang ninong tungkol sa estado ng kanilang relasyon ni Ren. Wala pa naman. Sa oras na umakyat sa ibang level ang kanilang relasyon ay pormal niya itong ipapakilala sa kanyang itinuturing na pamilya, pero sa ngayon ito muna. Masaya naman sila na dinadahan dahan ang lahat, ineenjoy nya ang panliligaw nito at kung ano ano pang bagay na ginagawa nito sa kanya. Simula noong gabi na niyaya nito ang sarili na maghapon sa bahay niya ay mas naging malapit na sila. Sinusungitan niya pa rin ito pero si Ren pa rin naman iyon dahil sumasagot pa rin pabalik.

Lumabas siya para abangan ito, hindi naman siguro masama na siya ang magyaya dito ngayong umaga. Napapakamot siya sa kanyang batok. Tumakbo na naman ito. Kasama nito si Benjo. Tinawag si Benjo ng magulang nito, papasok na si Ren sa sariling bahay ng tawagin niya ito.

"Ren." Mabilis naman itong lumingon, pawis na pawis pero napakagwapo pa rin. Napalunok siya at sinisikap na wag tignan ang dibdib nito, hakab na hakab kasi ang dibdib sa sando nito dahil sa pawis.

"Yes?" malawak naman ang ngiti na sinulki nito sa kanya, pawis na pawis ang buhok, itinaas pa nito ang damit para punasan ang mukha. Nakita niya ang pinagmamayabang nito na abs, sige na, aminado na siya na meron nga ito. Bakit kasi walang dalang bimpo?

Nag-iwas siya ng tingin bago pa siya akusahan na pinagnanasaan niya ito.

"Dito ka na kumain ng breakfast, nagluto ako." Alok na dito, hindi naman ito sumagot kaya naman bumaling siya muli dito.

Nakangisi lang naman ito sa kanyang harapan, yung ngisi nito na parang nang –aasar, yung ngisi nito kapag may bagay na nakuha.

"Oo naman, luto ng mahal ko yan eh, hindi ko yan tatanggihan." She rolled her eyes at him, bolero talaga.

Umagang umaga, pinapakilig siya.

"Pumunta ka na rito, gutom lang yan."

"Tama ka, gutom talaga ito, gutom talaga."

Hindi niya na iyon pinansin, kunwari, kunwari hindi niya alam ang ibig nitong sabihin.

..



...

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon