"Sino yan Elen?" Malaking boses na nasa likod nito ang nakakuha ng kanilang atensyon. Nakakatakot iyon, papasang kontrabida ang kapal ng boses nito.

"Anak ni Ed,"

"Ha?Lumapit ito, taliwas sa ang boses nito, hindi ito matangkad, tinignan siya nito mula ulo hanggang pa, maging sa dalawang maleta na kanyang dala.

"Magandang gabi po, pasensya na sa abala..."

"Ikaw na ba iyan, pumasok ka na iha at kalimutan mo na ang paghingi ng pasensya...ang humihingi lamang ng pasensya sa bahay na ito ay kapag hindi naibigay ang gusto kong kape sa loob ng dalawang minuto."

"Po?"

"Adik siya sa kape, wag mo nang intindihin ang kanyang sinabi," pumasok nga siya bitbit ang gamit, mabait ang asawa nito...Si Atty Magpayo naman ay istrikto pero mabait , ang mga anak ng dalawa ay parehas ng mga pamilya at nasa ibang bansa, kasama lamang nila ang isang kasambahay.

Nilakasan niya na ang kanyang loob, trabaho ang hanap niya para makapag aral, hindi naman siya nahirapan, naipasok siya ng kanyang ninong sa Bataan Law School kung saan niya nakilala si Aimee, nagtatrabaho siya sa Capitol kung saan nag oopisina ang kanyang ninong  from Monday to Friday. Doon kasi ito sa Court of Justice.

Maswerte pa rin siya kahit paano...may kumupkop sa kanya na hindi hinuhusgahan ang kanyang pagkatao. Walang masasakit na salita, wala na rin naman siyang balita pa...ayos na sa kanya na nasa mabuti naman ang buhay ng mga taong iniwan niya, maging ang tao na nangiwan sa kanya.

Masaya na siya sa lugar kung nasaan siya...hindi na siya babalik pa, nandito na ang kanyang buhay.

"Hoy!Space out ka na naman!" Siniko siya ni Aimee dahil nalulong na naman siya sa malalim na pag iisip...sulit naman ang lahat, abogada na siya ngayon, dalawang taon na rin mula ng pumasa siya sa bar, kasabay si Aimee , Top 18, pero okey na rin...may nag ooffer ba private firms pero mas gusto niya sa Capitol, mas gusto niyang pagsilbihan yung mga walang wala,katulad ng kanyang daddy. Bayad na rin yun sa kanyang ninong na tumulong sa kanya.

"Wala, gutom ka na?Ako kasi gutom na naman,"

"Hello? Kakain mo lang... kaya di ka pumapayat Attorney Hernandez, pumuputok yung nga damit mo."

"Uy, grabe siya...mas gusto ko kaya ang katawan kong bouncy, diba Mahal?" Baling nito kay Jeiko na napapangiti lamang...hindi naman ito nagrereklamo bagkus iniispoil pa nga si Aimee, kung ano kasi ang lusog ni Aimee siya naman ang payat ng isa. IT naman ito sa Capitol kaya nakilala nila.

"Ano bang gusto mong kainin?" Tanong nito.

"Gusto ko shawarma, bilhan mo rin si C." Napasimangot siya, hindi naman siya kumakain noon, saka busog naman siya. Umalis na naman si Jeiko na parang masunuring tuta, buti na lamang ang nasa gilid lang sila, hindi nito kailangan makipagsiksikan para makalabas.

"Hindi ako kumakain noon diba?"

"Alam ko, akin lang yun lahat...kakainin ko yun mamaya." Maligayang sabi nito.

"Talagang di ka papayat niyan," komento niya dito.

"Sino ba nagsabi magpapayat ako? I love my sexy, hot and delicious body, ikaw? Nagpapayat ka para kay Gregorio bakit type niya ba na slim ka?" Pang asar nito.

"Aimee?" She warning her ...tumawa lamang ito. Abogado rin si Gregorio  Tayo at ahead sa kanila ng two years, nagtatrabaho ito sa firm na pag aari ng pamilya nito. Noon pa ito may gusto sa kanya, pero sabi niya na hindi niya balak pumasok sa relasyon...at ngayon nga na nagtatrabaho na siya ay nagpaparamdam na naman ito.

"Hindi no."

Natapos ang gabi sa fireworks na nag flash sa screen, nakakadisappoint dahil nageexpect sila ng live, bigo din ang mga manonood na umalis. Komento ni Aimee nagtitipid daw ang munisipyo dahil mageeleksyon na, hindi na siya nagsalita pa.

"Sa amin ka mag new year ,"yaya nito bago sila maghiwalay, pasakay na siya sa kotse na regalo sa kanya ng kanyang ninong.

"Salamat pero baka kina ninong ako."

"Okey, at least hindi mo pipiliin sa apartment mo na mag new year mag isa kapiling ang multo doon." Pang aasar nito.

"Pero diba dapat doon ako sa apartment para mawala ang mga multo? Don't you think? Pero di ko pwedeng tanggihan si Ninang Elen ,mis ko ang carbonara niya eh."

"C, kapag pinaalis mo yung mga lumang multo sa bahay, papalitan lang yun ng bago...at least sa luma sanay ka na, paano kung yung bagong multo ay manyak pala? Hinuhubaran ka ng damit habang natutulog ang nilalaro ang mga maseselang parte ng yung katawan hanggang sa-"

"Jeiks, iuwi mo na nga ang babae na'yan, nasobrahan na naman aa kanonood ng porn, grave!" Tatawa tawa naman ang dalawa habang pasakay sa kotse ni Jeiks, si Aimee talaga madalas walang preno ang bibig, hindi ko aakalain na abogado rin, pero kakaiba ito kapag trabaho, nakakadaya talaga ng impresyon ang hitsura.

Nagdrive na siya papunta sa bahay, malapit lang naman ang San Jose kung saan siya nakatira...noong gumraduate siya ay pinayagan na siya ng ninong niya na bumukod, sobra na rin kasi na nakakahiya, lalo na kapag bumibisita ang mga kamag anak nito...mababait naman ang mga iyon, kaya lamang talaga, hindi na maiialis sa kanya ang ganoong pakiramdam. Sanay na rin naman siyang mag isa.

Hindi na ma traffic dahil gabi na, wala nang ganoong tricycle sa daan.

"Hi Bon bon." Sinalubong agad agad siya ng kanyang aso, regalo ni Aimee para daw di siya mag isa, kumuha siya ng dog food at binigyan ito.

"Magandang gabi, Binibini!" Napangiti siya ng marinig ang parrot na binigay naman sa kanya ni Greg.

"Magandang gabi din" nilaro niya pa ito bago tumuloy sa kanyang kwarto. Gusto niya ng mahiga sana...may ilang araw ba bakasyon dahil sa holiday, nagyaya rin si Aimee sa kung saan, iniisip na mamalengke bukas, maghahanda siya sa table kahit paano.

...

"Good Morning Sinta!" Kalalabas niya pa lang nang bahay nang mamataan sa gate si Benjie ang kanyang "sinta". Napapatawa na lamang siya, labas kasi ang sira sirang ipin nito.

"Good morning Benjie!"

"Sinta, may dala akong halya at ube gawa ni mamang!" Excited nitong inabot sa kanya ang tupperware, sa katapat na bahay lamang ito...nakita niya ang mamang nito na nagwawalis na kumaway sa kanya. Si Benjie naman ay nag aabang sa kanyang reaksyon.

"Salamat, nag abala ka pa."

"Wala yun, ikaw pa.. hihihi!" Tawa nito, napapailing na lamang siya... hindi kasi normal si Benjie, 38 na ito pero sampung taon lamang kung mag isip...kakatwa na sinta ang tawag nito sa kanya, hindi kasi mabigkas ang kanyang pangalan... "saan ka punta?"

"Palengke lang."

"Ah, galing na ko doon...bili ako dyaryo, Abante at Bulgar " sabi nito. Iniwan niya ito, lumapit ito aa flowerbox, napansin niya na nagbubunot pala ito... nilagay niya muna sa loob ang binigay nito. Mapupuno din ang kanyang mesa kahit di maghanda, marami kasi ang nagbibigay, at natutuwa siya sa ganoong pakiramdam. Hindi niya kaano ano ang mga ito pero pinaparamdam sa kanya na matagal siyang kakilala.

Wala na siyang mahihiling...bukod sa nas marami siyang matulungan ngayong taon.

...

Tbc



 

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon