"Anong first quarter ang sinasabi mo?Basketball lang ang peg?"

"Exactly!" Napalakpak pa si Ren, dahil nakuha ang sinabi niya."Nasa first quarter pa lang tayl, di pa nga tapos, may second , third at fourth pa...pero minsan kapag malakas ang resistensya aabot ng overtime, pero kapag naman ayaw natin magpatalo sa isat-isa, aabot pa yun sa double o triple overtime. Shoot lang ng shoot!" Umakto pa si Ren na parang nag shoshoot ng bola, napapailing na lamang si Candice sa kamanyakan nito.

"Malala ka na, gutom lang yan," binalingan na nito ang niluto. Nag umpisa na itong maghanda , naupo naman si Ren dahil kahit gustk niyang tumuling ay sinaway siya nito. Pakiramdam niya tuloy mag asawa na sila at asikasong asikaso siya nito. Napakagat labi siya sa iniisip habang pinapanood si Candice na abala sa ginagawa. He can propose to her sa araw mismo ng graduation nito, he want to have kids with her, he is sure that his parents won't mind. Mahal ni honey nila ang mga bata, she is too young to be lola kaya siguro tuturuan niya ang anak na tawagin na, mama or honey din ang kanyang mommy. Sounds fun.

"What are you thinking?" Tanong ni Candice sa kanya, nakaupo na rin ito sa kanyang tapat.

"Bakit?"

"Nakangising aso ka, nakakatakot."

"Ah, yun ba?I am thinking of having kids with you after graduation-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil nabugahan siya ng kape sa mukha.

Buti na lamang si Candice ito, dahil kung iba baka nakasapak na siya.

"Anong bang pinagsasabi mo?"

"May utang ka." Sabi ni Ren habang pinupunasana ang mukha at alam niya na kung ano ang kanyang hihinging kabayaran.

...

"Tapos?"

"Iyon, hindi ako umalis nagtago ako sa banyo ," kinuwento niya kay Michelle ang nangyari sa condo ni Ren kahapon, katulad niya galit na galit din ito kay Eunice.

"Ang landi pala talaga no? Nagawa niya yun?Oh my God talaga! " nasapo pa nito ang noo." I admire your guts, buti at nanitili ka doon, hindi ka tumulad sa mga tanga na tumakbo tapos iiyak na lamang , tapos bandang huli magsisisi, tapos manghihinayang ,tapos magsorry lamang si lalaki magkukumahog na babalik ulit." Sermon nito.

"Wag ka naman ganyan sa iba, ang totoo naiisip ko rin na tumakbo dahik sobrang sakit, iniisip ko kasi na bibigay siya na iyon na yung babaeng mahal niya bago ako, masakit yun no kung siya yung pinili, pero sa sobrang sakit din hindi ko nagawang ikilos ang paa ko. Gusto ko rin siyang sabunutan at saktan pero takot din ako na hindi ako ang kampihan ni Ren...Pero naisip ko, kung masasaktan ako, sana minsanan na lamang...ayokong maloko ng matagal, kung akin ba siya o hindi, kung ako ba o hindi..." napangiti siya sa naiisip. Siya ang pinili ni Ren, buti talaga hindi siya tumakbo, kung umalis siya malamang sa hiwalay na sila ngayon, mahirap kasing paniwalaan na walang nangyari kapag nakakita ka ng ganoong tagpo, lalo na at babae ang nagbigay ng motibo. Itinuturing kasi na mahina ang lalaki pagdating sa tukso.

"At ang haba ng buhok mo dahil ikaw ang pinili, sa haba natatapakan ko na." Natawa na lamang siya dito ," kapag nakita ko si Eunice masasabunutan ko siya!" Banta pa nito, pinag iisipan niya rin na kausapin si Eunice, hindi siya nakita nito pero gusto niya itong makausap tungkol kay Ren. Ngayon na may pinanghahawakan na siya sa puso ni Ren, hindi na siya papayag na muling gawin ni Eunice iyon. She wanted to end her illusions.

"Sasabin mo ba ito kay Jose?"

"Ano ako bale? Baka kapag nakikita ni Jose si Bruhang Eunice, naiimagine niya na bold ito? Yuck!" Buti na lamang ipapaki usap niya sana na ilihim nila ito, dahil babae rin siya. Mali na ikwento niya yun kay Michelle o sa iba pero kailangan niyang ilabas ang kanyang saloobin, mapagkakatiwalaan naman ito.

Nagdesisyon siya na puntahan si Eunice sa college nito, wala naman si Ren dahil nasa company ng pamilya nito. Nakaabang siya sa parking lot sa kotse ni Eunice. Pinag iisipan niya na ang sasabihin kay Eunice ayaw niya na itong patagalin pa.

Nakatayo siya sa lilim ng puno habang nag aabang, namataan niya ang isang babae na matangkad, habang lumalapit ito ay nagiging pamilyar ito sa kanya. Naka sunglass pa ito at mabilis ang lakad patungo sa tabi ng kotse ni Eunice, patingin tingin ito da paligid, bago pa man dumako ang mata nito sa kanya ay nakapagtago siya sa puno. Hindi niya alam kung para saan iyon pero bigla na lamang gusto niyang mawala sa paningin nito.

"Bakit ka po nandito?" Sumilip siya ng marinig ang boses ni Eunice, humahangos ito na lumapit sa babae.

Nagulat siya sa sumunod na nangyari, dumapo ang kamay nito sa pisngi ni Eunice.

"Huwag mo akong pinagtataguan!" yun ang huli niyang narinig sa usapan ng dalawa. Hindi lumaban si Eunice, sumakay ito sa kotse kasama ang babae...

Nawala na rin ito sa kanyang paningin, yung galit niya kanina napalitan ng awa. Sino ang babaeng mataray na iyon at ano ang kaugnayan nito kay Eunice?

Siguro masasagot ni Ren ang tanong niya...

...

Tbc





The Law of Love (completed)Where stories live. Discover now