Nakakagulat.Usually sasabihan pa siya nito ng maniac at kailangan niya pang mamilit. Pero ngayon, nagkusa ito. May dinaramdam nga ito.

"Gusto mo na bang umuwi at magpahinga?" Tanong niya kahit gusto niya pa itong makasama sana.

"Bakit? May pupuntahan ba tayo?" He bit his lips.

"Sana, nagyaya kasi ng dinner si Dexter kasama yung girl niya, kaya lang kung hindi mo kaya, ihahatid na kita pauwi," sandali itong nag-isip bago pumayag na rin.

"Sige punta tayo."

"Are you sure?" Tumango ito sa kanya kaya naman nahila niya ito at niyakap.

"Bait mo talaga."

"Inaabuso mo naman?" Natawa siya dahil may katotohanan yun.

"On the second thought, siguro sasama ka dahil gutom na mga alaga mo?" Nainis naman ito at hinampas ang kanyang abs. Napatawa siya dahil ito ang kanyang Candice.

"Napaka mo!"

"Ouch, sabi ng 6 pack abs ko." Mayabang niyang sabi dito, meron naman talaga siyang ipagmamalaki, hindi siya nagbibiro, at sa tamang panahon, tuturuan niya ang mga kamay nito na paglandasin ang kamay sa kanyang ipinagmamalaking 6 pack abs.

Tama na muna sa pag-iisip ng kung ano ano, baka may kung ano din na magising.

They congratulated Dexter, lima lamang pala sila, sila na mga couple at si Josh na forever alone. Alam niyang may gusto si Ali kay Dexter, pero nakakagulat pa rin talaga na mag kakaanak na ang mga ito.

"Seriously? Kailan pa kayo?" Si Josh ang nagtanong noon. Buti na lamang, hindi pa naman halata ang tiyan ni Ali, buti at pagraduate na rin sila.

"Ano, hindi rin namin in eexpect, bigla na lang nangyari." Si Dexter na nahihiya pa rin, namumula kasi ito. Akala naman niya matagal ito makaka move on sa kanyang kakambal, pero buti na rin , sana lamang talaga hindi nito pabayaan si Ali at ang magiging anak ng dalawa.

"Nasabi nyo ba sa mga parents nyo?" Nagkatinginan ang dalawa, napahawak naman siya sa kamay ni Candice, ayaw niyang ma out of place ito.

"Oo, sinabi na namin sa papa niya, pinahalik na nga sa akin yung armalite." Sabi ni Dexter na kinatawa nila ni Josh, si Ali naman ay naiiling.

"Sa parents mo, alam na ba sa inyo?"

"Hindi pa Ren, sa Friday pa dating ni daddy, we will set a meeting on Saturday together with Ali's parents. " tatango tango na lamang sila. Nakakagulat na sila lang ang maingay, nag uusap si Candice at Ali pero panaka naka lang. Halata naman ang kasiyahan sa mukha ni Ali sa kabila ng maagang pagbubuntis nito. Sila kaya ni Candice? Alam naman niyang gusto nitong maging abogado, matagal na panahon yun kung tutuusin. Baka pwede naman silang magkapamilya habang nag-aaral ito. Kayang kaya naman niya itong suportahan, kayang kaya niyang ibigay ang lahat para dito, di na nito kailangang magtrabaho. Siya na ang gagawa noon, iisipin na lamang nito ang pamilyang bubuuin nila at ang pag aaral nito.

Hindi naman sigurong masama na sabihin niya dito ang kanyang plano, baka makumbinsi niya ito, tutal hindi rin naman hadlang ang kanyang pamilya. Mukha lamang hadlang ang kanyang daddy pero ito ang pinaka makikinabang kapag nagkaroon siya ng pamilya. Hindi na siya makiki agaw sa atensyon ng kanyang honey.

Dumako ang kanyang mata sa pagkain nito, pinapaikot lamang nito ang nasa plato. Hindi kumakain ng marami gaya ng dati. May problema nga ito. Kaya bago maghiwalay noong gabing iyon nakumbinsi niya itong magtapat.

...

"May taong nagalit sa akin kanina sa coffee shop...pakiramdam ko napakalalim ng galit niya sa akin." Hindi na rin kasi siya makatiis sa pangungulit nito. Kailangan niya na rin siguro ng may mapagsasabihan na iba pa, hindi na naman iba si Ren dahil nakapasok na ito sa kanyang puso. Sadya talagang bumabagabag sa kanya ang pangyayari kanina.

"Kilala mo?"

Umiling siya."Pero parang pamilyar ang kanyang mukha, maghapon ko na siyang iniisip. Mababaliw na ako!"napasabunot sya sa kanyang ulo. Kinabig naman siya nito at hinalikan sa ulo.

"Wag ka nang mabaliw doon, mas paghandaan mo na lang ang pagkabaliw sa pagmamahal ko."malambing nitong sabi sa kanya. Corny but it brings smile to her. Babawi din siya sa susunod kapag hindi na siya ganoon kaabala.

"Salamat."

"Kiss lang bayad ka na." Sagot nito na naka tulis ang nguso.

"Kamanyakan na yan." Pero hinalikan na niya pa rin ito, aalis na siya pero kinabig siya nito at diniian ang halik. Kung hindi pa siya kapusin ng hininga ay hindi pa siya nito bibitawan.

Napapailing na lamang siya.

"Next time momol naman!" Habol nito habang sinasara ang pinto ng kotse.

"Tse!"

...

TBC

The Law of Love (completed)Where stories live. Discover now