"Mrs. Romualdez?" Napangiwi siya sa pag-address nito sa kanya. Pahamak talaga ang kanyang boyfriend.

Nakayuko siyang tumayo sa harapan nito. Magkasiklop ang kanyang kamay, ang tapang niya kanina, pero takot na takot siya sa harapan nito. Of all her prof, ito pinaka dapat niyang iimpress. She needs her help sa napili niyang Law School kung saan nagtuturo din ito.

"Sorry po sa inasal ni Ren, I will talk to him, hiyang hiya po ako kanina, sorry po mam," tumikhim ito, nag angat siya ng mata. Nakasandal na ito sa swivel chair habang nakamasid sa kanya.

"Do you still up for your dream?"

"Po?" Kumunot ang noo nito. She nearly forgot, ayaw nitong inuulit ang sarili." Opo, gusto ko pa rin pong mag Law, maging mas magaling sa daddy ko." Fortunately, kilala din nito ang kanyang daddy, isa sa mga naging estudyante noon, kaya naman nanghihinayang ito dahil namatay ng maaga ang kanyang ama. Hindi na rin lingid sa kanya na alam nito ang kanyang madilim na sikreto. Ang kagandahan, hindi ito nanghuhusga sa kanya.

"I can see na humaling na humaling sa'yo ang batang iyon, he's even excited to marry you, I guess , so I supposed you changed your plans and might not need this because he can provide you everything in a snap." Mabilis siyang umaling habang nakamasid sa sulat na inilapit nito sa kanya. Namilog ang kanyang mata dahil doon.

"Hindi po. This is my dream, hindi ko pa man siya kilala, and I won't give this up! I can survive without his help, yez he is my boyfriend pero hindi niya po ako obligasyon!" Buong paninindigan niyang sabi. Scholarship at trabaho sa mismong law school na papasukan niya, sure na siya sa kanyang pangarap. Mahirap, madugo, pero kaya naman. Kaya talaga!

"Okey then, advance congratulations, I'll be looking forward to that." Sunod sunod ang kanyang pasasalamat dito...hanggang sa mainis na ito at itaboy siya, nahalikan niya pa ang sulat na dala.

Ang ganda ng lunes.

Pagkasara nya ng pinto ay nabundol siya sa pigura ng taong naakupo sa gilid.

"Ay palaka!" Nag angat ito ng tingin, nakaawa ang hitsura nito, parang nalugi ng ilang milyon." Anong ginagawa mo diyan?" Tanong niya dito, nakaupo pa rin ito at nakatingala sa kanya.

"Hindi kasi ako marunong magbilang ng limang daan na dipa...kaya naman naupo na lang ako dito para abangan ka at magpaturo kung paano, paano ba mahal?Mahina yata ako sa Math ngayon, Lunes eh, alam mo na Monday Sickness."

Napailing na lamang siya sa mga palusot nito, inabot niya ang kamay para mapatayo ito.

"Di ka na galit?"

Sa nangyari sa loob, paano pa siya magagalit dito?

"Bahala ka kung ayaw mo." Ibaba niya na ang kamay ng bigla nitong hilahin, nahila siya paupo tapos hinila rin siya patayo. Baliw lang talaga.

Hindi na siya tumanggi ng umakbay na naman ito sa kanya, bahala na ang mga mapanuring mga mata. Sabi nga, mamatay sila sa inggit!

"Saan tayo?" Wala pa kasi siyang klase, marahil wala din ito dahil may oras na magliwaliw.

"Sa mga ugok kong kaibigan." So meet the friend pala ang drama niya ngayon, hindi talaga maiiwasan...kilala naman niya si Dexter at Josh, yun nga lang bilang napipikon na kaklase ng mga ito, hindi bilang girlfriend ni Ren.

"Hello!" Nakahawak sa balikat niya si Ren habang iginigiya siya sa upuan, paharap sa dalawa na mukhang nag-aasaran. Mali pala si Dexter ang naasar ni Josh.

"Oh, dito na pala ang lovers, ayieeeeeee! " tukso ni Josh na parang nababading lang, kung makapanukso akala mo babae.

"Shut up, nahihiya ang mahal ko." Sabi ni Ren sabay kurot sa kanyang pisngi. Lalo tuloy siyang nahihiya sa kinikilos nito.

"Congrats dude, binata ka na." Si Dexter yun, bagamat nakangiti ay parang may nagbago dito...parang hanggard.

"Salamat" nakangiting sabi ni Ren at humilig sa kanya, nandito sila sa tambayan ng grupo at may mga pagkain sa mesa, ininom niya yung Milktea na inabot sa kanya ni Ren",kaya lang bakit mo ako inunahan...kami muna dapat ni Candice ang mauuna na magkaanak!" Naubo siya sa kanyang narinig dito, wala pang dalawang araw na sinagot niya ito tapos sa anak na nakalipad ang utak nito?

Ano bang pag -iisip ang meron ang lalaking katabi.

"Dahan dahan naman kasi ang inom, di ka mauubusan diyan, bibilhan kita kung ilan gusto mo."

"Sana rin ,magdahan dahan ka sa sinasabi mo!Aatakihin ako sa puso sa mga naririnig ko sayo eh.!"

"Doon rin naman tayo papunta, sa bagay mabuti na rin yung practice muna, tutal practice makes perfect!" Sa inis ay sinampal niya na ang bibig nito, pulang pula na siya lalo na at tawang tawa pa ang dalawang kaibigan nito.

Talaga nga naman.

Akala niya nagbibiro lamang ito about kay Dexter, pero ng may pinakita itong ultrasound picture ng baby na 6 weeks old ay nakumbinsi na sila. Very proud naman ang histura ni Dexter kahit sila lamang ang nagkakaintindihan kung sino ang babae na tinutukoy na nabuntis nito. Ayaw niyang mangealam, wala din naman siyang nakikitang girlfriend ito.

"Nakilala mo na ba papa niya? Madaming baril yun, syempre head ng segurity namin, baka i shoot to kill ka." Banta ni Ren sa kaibigan, napapailing na lang siya ang galing magbigay ng moral support.

"Sabi nya In time, she's not yet ready...ako ready naman, anak namin yun eh." Hindi niya mapigil pumalakpak kay Dexter, yan ang lalaki may paninindigan! Hindi tatakbo sa responsibilidad.

"Ako, ipapakilala ko na ng formal ang mahal ko sa parents ko nextweek, uunahin ko muna yun bago namin lagyan ng laman yung tummy niya, conservative pa rin ako eh-"

Napawi ang ngiti niya sa narinig sa katabi.

Hindi niya alam kung ano ang nakakatakot, ang makilala ang parents nito o ang malagyan ng laman ang tyan niya.

Pero...parehas lang yata?

...

Tbc..

Keep safe,

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon