Boyfriend...

May boyfriend na nga pala talaga siya. Hay, kanina lang ang lakas ng tanggi niya, kesyo ligawan pa siya nito at balak pa niyang pahirapan yun,pero ng marinig niya ang pangalan ni Eunice bigla na lang nasabi iyon ng kanyang bibig.

Tumigil na rin sa pang iinis si Ren ng mapansin nito na hindi na siya natutuwa, naduduling na nga siya sa kaiirap. Hindi na rin siya nagreklamo ng dalhin siya nito sa isang mamahalin na restaurant. Paglabas nila sa kinainan ay nandoon na ang kotse sa labas, hinatid siya nito pauwi. Bumalik na naman ang pagiging pilyo nito habang nasa biyahe. Bahagya na lamang talaga siya, pati ang kanyang puso na hindi rin mapigil na kiligin sa mga kalokohan nito.

"Hindi mo talaga ako ipapakilala sa pamilya mo?" Pangungulit nito, pass 7pm na at pinahinto niya ito ilang bagay bago ang kanila, hindi pa siya handa na makaharap ito ng kanyang ate. Hindi pa siya handa sa magiging reaksyon nito lalo na sa sasabihin nito. Hindi rin siya handa na malaman ni Ren ang pang telenovela niyang buhay. Okey ba muna ang ganito, aminin niya man o hindi, nakakalimutan niya ang bigat sa kanyang puso kapag kasama ito. Abala kasi ang kanyang isip sa pakikipagtagisan sa kakululitan nito.

"Next time but give me my goodbye kiss."

"Sa pisngi lang."

"Ok." Sagot nito habang nilalapit ang pisngi.

Nahihiya man ay nilapit ni Candice ang labi sa pisngi nito, hindi naman kasi siya makakaalis kung hindi niya pagbibigyan ang kahilingan nito. Nang lumapat ang labi niya sa pisngi nito ay lumingon ito kaya naman nagtama ang kanilang mga labi, at hindi niya maialis ang labi dahil sa kamay nito na nasa kanyang batok. Kung hindi niya pa kinagat ang labi nito ay hindi pa ito titigil.

"Diba pisngi lang?Mag kaiba ang pisngi sa labi!" Saway niya sa pananamantala nito. Nangingiti lamang ito habang hinihimas ang labi.

"Of course I know the difference, your lips taste like ah.....siguro mga ilang matagal ba kiss pa malalaman ko na kung ano yung lasa, kaya nga lagi kitang hinahalikan eh, ikaw lang lagi kang nagmamadali kaya yan tuloy di ko maisip kung ano ang lasa....pero talaga kung mas matagal, tara ulitin natin?" Inamba ba niya ang kanyang kamao sa labi nito na inalalapit sa kanya.

"Sapak you like? Nag ok ka kaya na sa pisngi lang? Ang baliw mo!"

"I said Ok, but I remember I did not promise na sa pisngi lang." She rolled her eyes, talo na siya sa kakulitan nito. Binuksan niya na ang pinto para makalabas.

"Goodnight girlfriend," malambing na ang boses  nito habang nakahawak pa rin sa kanyang kamay."don't be mad...ganito lang ako mag express ng saya sa taong mahalaga sa akin."  Inilapit nito ang kanyang kamay sa labi nito at hinalikan ang likod ng kanyang kamay.

Maginoo...

"Goodnight din,"ngumiti na siya saka lumabas.

Maginoo na medyo bastos..

...

Maaga siyang umalis ng bahay pagsapit ng Lunes, baon niya pa rin ang nakakabaliw na ala ala nang nangyari sa kanilang date ni Ren. Nakatanggap siya ng medyo mahabang sermon sa kanyang ate, imbes daw na maglinis siya ay gumala lamang sya. Gaya ng nakagawian , nakatungo lamang at humihingi ng pasensya dito. Totoo naman kasi ang narinig, pero hindi na iba si Ren. Sa mga sitwasyon na ganito, doon niya nararamdaman ang kagustuhan na magkaroon ng isang tao na magmamahal, mag-aalala at magpaparamdam sa kanya ba mahalaga siya. Yung pag-ibig na para kanyang lang, hindi dahil sa nakikiamot o nanghihingi siya. Nakakapagod manghingi ng pagmamahal.

"Nakalipstic ka?" Nagulat siya ng lumitaw sa kanyang harapan ang nagtatakang mukha ni Jose.

"Hindi ah!" Inilayo niya ang mukha dito, itinakip niya rin ang kanyang buhok para maiwas sa mapanuri nitong mata.

"Palusot...nakalipstic ka nga eh, tapos mukha kang blooming...Ano, kwento naman." Inirapan niya ito at kunwari inabala ang sarili sa libto, malulunesan siya ng asar kapag nagkwento siya dito.

"Kapag wala kang ojt, wala kang lipstic...saka ang pagbabasa ng libro hindi pabaliktad." Kinuha nito ang libro at inayos..."ano na?" Kagat ang kanyang labi at matigas ang kanyang pag iling.

She will never tell.

...

Ang babaeng yun! Tumakas talaga para hindi sila magsabay sa school. Papunta siya sa bahay nito nang makatanggap ng mensahe na nakaalis na raw ito. Napapailing na lang siya, nahihiya pa rin ito samantalang siya gusto isigaw sa mundo ang kanilang relasyon.

Tumawag ang kanyang daddy at pinapapunta siya sa office, mukhang humupa na ang selos ng daddy niya at gusto na siyang makita, sayang huhuntingin niya pa naman sana sa school ang kanyang Candice. Binigyan siya ng assignment nito agad niya naman yung tinapos kaya tuloy na ang kanyang pagbisita.

Napadaan siya sa isang flowershop...sobrang pamilyar iyon kaya naman natatawa siyang bumaba.

"Isang boquet po " sabi niya sa tindera, nakangiti ito, ito pa rin yung dati na nakagaanan niya na ng loob. May asawa na at anak ito ngayon.

"Ano sinagot ka na ba?" Usisa nito sa kanya.

"Opo ate," nakangiti niyang sagot dito habang hinahanda ang kanyang order.

"Ay napakaswerteng babae, sa gwapo mo at mabait na yan, tanga na lang siya kapag pinakamawalan ka pa!" Nakangiti na lamang siya sa habang kakamot kamot ng ulo. Gwapo walang duda, mabait? Hindi yata bagay sa kanya iyon. Kinuha niya ang bulaklak ng matapos, ayaw ni Candice ng bulaklak. Natatawa na naman siya sa pumapasok sa kanyang isip.

...

Nagvibrate ang phone sa kanyang bulsa, nasa kalagitnaan siya ng klase sa kanyang babaeng propesora. Strikto ito kaya naman kahit natutukso na silipin ang mensahe ay hindi niya nagawa. Makakapag antay naman iyon.

"Excuse me po." Natigil ang pagtuturo ng kanilang guro at ang lahat ng mata ng mga estudyante ay dumako sa pinto.

O my God.

Usal niya habang nakatingin sa lalaki sa pinto na hinahanap siya, napatakip siya sa mukha ng makita na may dala itong bulaklak.

Sabi ng ayaw ko ng bulaklak...Nakakahiya.

"Mr. Romualdez, can't you see I'm in the middle of my discussion." Mataray na sabi ng kanilang professor habang nakahalukipkip.

"Sorry ma'am," nakangiti ito at walang pakundangan na pumasok. Ang mga babaeng kaklase ni Candice ay di mapigil na mapahanga dito.

"So what makes you visit my class and with a flowers?"  Iritable ang boses nito, napipigil lamang ng katotohanan ng kontribusyon ng pamilya nito sa school.

"Actually I'm looking for my girlfriend. "Nakangisi itong bumaling sa crowed. Sana lunukin na siya ng lupa, kaya nga ayaw niyang makasabay ito dahil ayaw niya itong mangyari. Pero heto....hinabol siya ng kanyang iniiwasan.

May girlfriend siya?
Nasaan?

Nagkakagulo na ang mga babae kung sino ang tinutukoy.

"There she is ..." lumapit pa sa kanyang harapan si Ren, nakangisi ito habang dala ang bulaklak. Hiyang hiya naman si Candice pero nilingon niya na rin ito, sana maramdaman nito na hindi siya komportable.

Yumuko ito para mapalapit sa kanya...."Ok na ang lunes ko nakita na kita...I know you don't like flowers, pinapakita ko lang," kumindat pa ito sa kanya para bang sinasabi ng kindat na iyon na hindi ka makakatakas.

"Nanliligaw ka Mr.Romualdez sa loob ng klase ko?Aren't you-" umayos ng tayo si Ren at lumapit dito.

"I'm sorry ma'am, but these flowers is really for you," inaabot nito ang bulaklak sa naguguluhang propesora.

"For me?"

"Yes ma'am, please take good care of my future wife," tinuro pa siya nito. Sobrang nakakahiya.

Sa wakas umalis na din ito...pero hindi pa pala tapos ang kanyang kalbaryo...mag -uumpisa pa lang.

"I love the flowers ---" binitin pa ng professor ang sasabihin habang nakatingin sa kanya."but Mrs. Romualdez I want to see you in my office after this class."

Napadukdok na lamang siya sa kanyang desk. May masasabunutan siya at ma uupper cut mamaya.

...

Tbc










The Law of Love (completed)Where stories live. Discover now