But the way he is looking at her now. He still love and care for her.

Just how a brother is to his sister.

...

"Hi, nice weather," napahawak siya sa kanyang puso sa gulat, Friday night, wala si Jose dahil nilalabnat daw, kaya alone ang kanyang drama.

Inirapan niya ito, Nagkakasalubong lang sila ni Ren minsan, ano kayang hangin at nag umpisa na naman itong kausapin siya.  She walk pass him.

"Huy, galit ka pa rin? Paninindigan mo pa rin na hindi mo ako kilala, "nakasunod ito sa kanya habang umaarko ang kanyang kilay.

Kung nandito lamang sana si Jose.

"Candice, Candice,candice," mabilis siyang pumihit para mapaharap dito, pero wrong move dahil nagkabungguan sila. Nasa likod na niya ito kaagad. Humakbang siya paatras.

"Ano bang kailangan mo?" Inis na tanong niya dito. Ngumiti naman ito ng nakakaloko, sarap lang hilahin sa magkabilang tainga.

"Kain tayo, di pa ko nag didinner,"yaya nito. She scoffed. Kung dati natutuwa siya sa imbitasyon nito na kakain sila. Ngayon nakakainsulto na. Mas gusto nya na lang magsolong kumain ng halagang 50 pesos sa fastfood o kaya cup noodles sa Mini Stop kaysa magpalibre dito sa mamahalin na reataurant na iiwan naman siya sa huli.

Nakakatrauma.

"Kumain ka mag isa mo!" muli siyang tumalikod para maglakad muli.

"Sungit mo naman," pumantay na ito sa kanya. They are walking side by side, diretso lang ang tingin niya sa harapan. Yung kinakalimutan niya ay minumulto na naman siya ngayon.

Tang inis talaga.

"Wala si payatot?" Usisa nito,ng marealize siguro na hindi siya sasagot ay muling nagsalita," boyfriend pala siya ng bestfriend mo no si Michelle, matagal na sila?kailan pa?"

"Kailan ka pa naging sobrang tsismoso?" Huminto siya para insultuhin ito. Ayaw siyang lubayan. Ngisi lang naman ang sinukli nito sa kanya.

" Nahawa lamang ako kay Josh," she rolled her eyes, nasa bus stop na siya pero nasa tabi niya pa rin ito. Napapansin ang kung ano ano, o masasabi niyang nagpapapansin.

"Humahaba na ulit yung buhok mo," bati nito, nagulat pa siya ng maramdaman ang kamay nito sa kanyang ulo.

"Ano ba!" Pinalis niya ang kamay nito at lumayo ng ilang hakbang. Tatawa tawa naman itong lumapit muli sa kanya.

"May kuto ka ba kaya ayaw mong hawakan ko ang buhok mo?" Nanunudyong wika nito.

"Wala akong kuto." Nauubos na ang kanyang pasensya niya nito. Why he can't leave her alone? Naiinip na nama ba ito sa buhay at kailangan ng mapaglilibangan? Bakit hindi na lang si Eunice at siya pa na unti unti ng nagiging okey. Nakakabwisit.

"Sa bagay, hindi naman ikaw yung tipo na kinukuto, o baka naman meron ka?"

Shit.

Napapikit siya  sa inis. Ramdam niyang namumula na rin ang kanyang pisngi, pero hindi dahilan ang pagkakaroon niya ng dalaw kaya siya inis dito. Inis talaga siya. Meron man o wala.

Tumawa pa ito.

"That explains it, si Ran kapag meron nagiging monster na monster , alam mo yung masama na ugali niya lalo pang masama. Ang alam ko lang na mabait kahit meron si Honey, then there's you," pinutol niya ang sasabihin nito.

"Pwede ba , wag nating i discuss ang , regla ko,"binulong niya ang huling dalwang salita. Pero mas tumawa pa ito.

"You really amaze me."

Ewan ko sa'yo.

Kaya naman sumakay na aiya agad sa humintong bus. Bad luck is on her way, sumakay din ito at nakasunod sa kanya. Maraming bakante pero sa tabi pa niya ito sumakay.

"Umalis ka nga!" Hindi na naman alam ang trip nito, may kotse ito pero nakabuntot sa kanya. Tumayo siya, lumipat sa ibang upuan. Sumunod pa rin ito, muli siyang tumayo at lumapit. Wala siyang pakealam kung pinagtitinginan sila basta makalayo lang siya dito. Para naman kasi itong timang na sunod ng sunod sa kanya. Napahinto lamang siya ng mauntog siya sa harapan ng nakasibangot na konduktor.

"Kayo, kung maglalaro kayo ng patintero doon kayo sa daan, hindi dito sa loob ng bus, nahihilo kami sa inyo." Napakagat labi si Candice habang umiikot ang mata sa mga kapqa pasahero na may ibat-ibang reaksyon sa kanilang ginawang eksena.

Doon lamang siya tinablan ng hiya, salamat sa walanghiyang lalaki na dahilan nito.

"Sorry po," naupo na lamang siya sa huling pwesto, sumiksik sa tabing bintana dahil tumabi na naman sa kanya ang ngingiti ngiting si Ren.

"You're trapped." Bulong nito sa kanya.

Sarap trampalin ang bibig.

Heto na naman.

Balik phase 1.

...

Tbc

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon