"Sakit noon ah,"pinupuko ng kanang kamao nito ang baba.

"Anong gawa mo?"

"Para di ako mabobo.Di mo alam? Paano na lang kung maging bobo ang 12 anak namin ni Michelle.

"Huh, 12? Ano si Mich inahing baboy? Sa payat noon, hihirit ka ng 12?"  Ngumisinpa ito.

"Binabaan ko na nga, 18 talaga plano ko," sa kulit nito, binatukan niya muli, pero hinawakan naman nito ang kanyang magkabilang pisngi.

"Alam mo okey ka na, ugaling terorista ka na naman eh!" Asar nito hawak pa rin ang kanyang mukha.

Masakit sa totoo lang.

...

"Kuha mo na lahat?" Tanong ni Ren kay Eunice, nagpasundo ito sa kanya, nasira kasi ang kotse nito, nasa pa. Gabi na kaya siya na lang ang nagkusa.

Nagkusa nga ba? Kanina pa kasi di mapakali ang kanyang mata.

"Oo, let's go," sumakay na agad si Eunice sa kanyang kotse. Nagseat belt sila at pinihit niya na ang kotse, ihahatid niya naman na ito, may gimmick silang barkada pero mas gusto niya ng umuwi. Malikot pa rin ang kanyang mata habang tinatahak ang daan palabas, pero sana hindi na lang. Napapreno siya bigla sa kanyang nakita, nakaupo sa hagdanan si Candice at yung kasama nitong payatot na lalaki. Nakahawak sa pisngi ni Candice ang lalaki, nag aasaran ang dalawa.

Nagtagis ang kanyang bagang at napapahigpit ang hawak aa manibela.

Night class?Sinong niloko mo? Nakikipaglandiaan ka lang.

" Ren , can you slow down?"

"Ha?" Nakahawa si Eunice sa kanyang braso, wala siyang malay na ang bilis niya pala magmaneho. "Sorry,"

"May lakad ka ba?" Tanong nito.

"Hindi, nagtext si Ran may ipapagawa," napakagat labi siya. Hindi niya alam kung bakit lumabas ang kasinungalingan na yun.

"Ganoon ba, sorry sa abala. Baka mahalaga yung ipapagawa niya sa'yo, magalit siya mainip, sorry,"

"Its okey, i told you medyo mabait na siya ngayon," he assured her, sa dami kasi excuse, pangalan pa ng kambal niya ang ginamit niya na kinatatakutan nito.

Maayos naman niya itong naihatid, umuwi na siya pagkatapos. Mas nawalan siya ng gana, paulit ulit niyang nakikita ang tagpo kanina.

Si Candice saka ang payatot na yun, naglalandiaan.

Napasabunot siya ng buhok.

"Lubayan mo ako,"

"Sinong kausap mo kuya?" Nagulat siya dahil nasa harapan niya si Rojan, 9:OO na pero gising pa ito.

"Wala akong kausap."

"You must be insane then, may gamot yung pet ko kapag nagiging insane sila...gusto mong bigyan kita? It takes lang fruits sabi ng vet," pinanlakihan niya ito ng mata.

"Ano ako hayop?" Nagkibit  ito ng balikat.

"Im just tryin to help," palalampasin niya na lang yun.

"Bakit gising ka pa?" Usisa niya dito.

"Yung milk ko, kailangan kong tumangkad para hindi sabihan ng pandak ni cat girl," umalis na ito sa kanyang harapan at nagpunta sa kusina. Minsan taglaga, hindi niya magets si Rojan.

"And he was dumped by this extraordinary girl," agad siyang lumingon kay Ron.

"I was not dumped," lumingon din ito sa kanya.

"Who said it was you?" Minuwestra nito ang libro na hawak,"defensive much are we?"

He cross his arms, gising pa rin ito?

" Bababa ka rin, kukuha ka ng gatas para tumangkad ka rin at magustuhan ka ni Phineas?" Tukso niya dito.

He scoffed, parang Ran lang ang dating.

"No need, she still likes me anyway," at tumalikod ito.

"Yabang, bakit ba ganito ang mga kapatid ko?"

"Bakit anong problema sa mga kapatid mo?"

Napasapo siya sa kanyang puso dahil sa biglang pagsulpot ni Ran sa kanyang likod.

"Pwede ba, magkakasakit ako sa puso sa'yo!" Singhal nya dito, sumandal lang naman ito sa hamba ng pinto ng silid nito.

"Bakit wala pa ba? Hindi pa ba masakit?" Napatigil siya sa sinabi nito. Tumaas naman ang kilay niya. "It seems like I hit the spot, partida, wala pa akong alam niyan." Pumasok na ito sa kwarto at sinaraduhan siya. Naiwan siyang walang imik.

...

"Mukha niyan?" Narinig niyang bulong ng kanilang barkada. Nakakainis lamang dahil, maaga pa pero natatanaw niya na sa dulong study center si Candice at payatot, may mga libro sa harapan ng dalawa, pero naglalandiaan lang naman ang mga yun. Kanina pang matalim ang tingin niya sa mga ito.

"Ang sweet ng mag syotang yun," panunukso pa ni Josh, naagaw tuloy yung atensyon ng iba. Napatingin din.

"Hindi naman mag syota yan," sabi noong girlfriend ng kanilang kaibigan. That caught his attention. Napatanong siyang bigla.

"What do you mean, hindi sila?" Nagulat naman ito sa kanyang tanong, hindi inaasahan. Hindi kasi siya yung tipo na nakikipagkwentuhan sa girlfriend ng mga barkada.

"Babe sagutin mo na lang, iinit ulo niyan," rinig niyang bulong ng girlfriend nito.

"Oo, si Jose Bautista IV yan at Candice, ang girlfriend ni Jose si Michelle yung bestfriend ni Candice, close lang din talaga sila"

"How sure are you?" Paniniguro ni Ren.

"Nakakasabay ko minsan yang tatlo, saka para talaga silang magkapatid pag nag asaran, pisikalan, batukan ganoon, may pagka tomboy kasi si Candice diba, kawawa nga si Jose laging may batok, tapos tatakutin niyang pag hihiwalayin ang dalawa kapag hindi sumunod si Jose sa kanya."

"Bakit ngumingiti ka Dexter?"si Josh na kahit si Dext ang kausap ay nakakalokong tumingin sa kanya.

"Ha?"

Napayuko tuloy siya at napatakip ng bibig habang bumubulong ng, kay laking tanga.

...

Tbc.... goodnight

The Law of Love (completed)Where stories live. Discover now