"Sa tingin mo, papalibre pa ako sa mahirap na kagaya mo? Isip isip din pag may time." Muli na naman itong tumalikod.

Sarap pukpukin ng likod nito , oo o hindi lang naman ang sagot pero napakadami pang sinabi. Isipin na lamang niya na bayad sa pananakit ng panlilibre nito sa kanya.

Kaya naman humakbang na siya at  sumunod dito.

Wala siyang alam na ang paghakbang na iyon ang magdudulot sa kanya ng mas malalim na sakit.

Sakit ba mag-iiwan ng malaking sugat sa kanyang puso.

...

Buti naman at hindi ba nakipagtalo si Candice sa kanya, nakasunod ito hanggang sa pumasok sa isang restaurant.

"Mahal dito ah, sabagay mayaman naman" hindi na lamang niya pinansin ang komento nito. Inalalayan sila sa pandalawahang upuan. Gutom na rin kasi siya at sabi ng kanyang Honey, kapag may nakita daw siyang babaeng umiiyak, dapat daw bigyan bigyan niya ng masarap na pagkain, ice cream o kung anong matamis, para daw gumaan ang pakiramdam.

Inabot sa kanila ang menu, as expected nalula ang mata nito sa presyo, bigla na lamang sinarado ang menu at uminom ng tubig.

"Wala kang gusto?" Tanong niya dito, matapos ibigay sa waiter ang kanyang order.

" Hindi sa wala akong gusto, " sumenyas ito na lumapit sa kanya, sya naman na medyo naging uto uto na ay lumapit dito." Wala akong maintindihan," natawa siya bago bumaling sa waiter.

"Make it two." Utos nya dito na mabilis umalis matapos niyang sabihin ang lahat ng order.

Palinga linga si Candice, mukhang ninanamnam ang paligid.

"First time mo?" Lumabi ito dahil alam na man niya ang sagot, gusto niya lang itanong." First time mo nga."

"Patay." Usal nito matapos tumingin sa isang table sa di kalayuan. Napatingin siya doon, pamilyar ang grupo ng mga kababaihan nandoon.

"Why?"

"Schoolmate natin sila, hindi mo kilala? Ano na lang ang iisipin nila kapag nakita tayong magkasama? Nagdadate?" Napatawa siya sa sinabi nito, bakas kasi ang pag-aalala at takot. Bagay na hindi niya nakita sa mga babaeng nakakasama niya noon, maging kay Eunice.

"What willyou then? Papalapit sila oh?" Tumayo nga ang mga ito na may ngiti sa labi para sa kanya , pagkalito naman sa babaeng nasa kanyang harapan.

" hindi naman tayo nagdadate pero yun ang iisipin nila." Katwiran nito.

" Right, nanlilibre lang ako ng isang iyaking mahirap, hindi ito date." Hindi niya maintindihan kung bakit nawiwili siyang makita ang pagkabalisa sa mukha nito. Binuksan nito ang bag at kinuha ang salami  na may malaking frame, inalis din nito ang pagkakatali ng buhok at ginulo iyon para magmukhang bruha.

Pigil niya ang kanyang tawa. Hindi niya alam kung para saan.pero nakakatawa talaga ang babaeng kanyang kaharap.

"Hi Ren," bumaling siya sa mga babaeng lumapit , Hindi talaga siya palatandain ng pangalan pero ang babaeng tumawag ay may mataas na height at payat na pangangatawan, palito ng posporo ang naiisip niya. Maliit naman ang dalawang kasama nito, cute sana parehas kaya lamang mukhang tuta ng babaeng posporo.

Hay,tatanda na yata siyang dala ang masamang ugali na ito.

"Yes?"

Napahawak ito sa dibdib, na wala naman, mas flat pa kay Darnang Flat na itinatago ang mukha sa nakalugay na buhok.

"It's so sad that you don't recognize me, I'm Libya." Napatango na lamang siya.

"So?"

" Is she your new girl?" Maarteng sabi nito habang tinuturo si Candice, iba ang balak niya kanina, aasarin niya sana si Candice sa harap ng mga ito pero nagbago ang isip niya.

The Law of Love (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon