SPECIAL CHAPTER 3

853 18 1
                                    

KLAY

Pagpasok namin sa loob ng kuwarto ay agad niyang niyakap nang mahigpit ang bewang ko at nagsimulang magpunla ng mga halik sa leeg ko.

"Hubby, 'yong pinto," sabi ko sa kaniya. Nakabukas kasi ito. Hindi ko naman kayang maglambingan kami habang nakabukas ito, mahirap na lalo pa at nandiyan ang mga kaibigan niya. Sobrang kahihiyan na ang naramdaman ko kanina sa sala. Hindi ko na kakayanin kung madadagdagan pa.

Bumitaw siya sa akin at mabilis na isinara ang pinto. Pagkatapos ay lumapit siya sa akin at marahan akong hinalikan sa mga labi.

"Mag-shower ka na, wifey. Paniguradong parating na sina Nanang Gloria at Mang Dodong. Mas maigi kung makakasama natin sila sa dinner," aniya.

Sandali ko pa siyang tinitigan sa mga mata bago ako ngumiti at tumango. Mabilis kong tinapos ang pagsa-shower ko at siya naman ang naligo.

Nakaupo ako sa isang upuan habang nakaharap sa salamin at sinusuklay ang buhok ko. After niyang maligo ay lumabas siya ng bathroom na naka-topless. Animo'y tinutukso ako lalo na sa paraan ng pangngisi niya. Tumutulo pa ang tubig sa katawan niya na nagmumula sa basa niyang buhok.

"You seem drooling over my body. Wanna taste me?"

Napaigtad ako nang bigla siyang magsalita.

"Tumigil ka nga riyan!" anas ko at muling humarap sa salamin. Ipinagpatuloy ko ang pagsusuklay sa buhok ko. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

Hindi ko inaalis ang titig ko sa salamin kung saan kitang-kita ang pamumula ng mukha ko. Nakakainis. Kanina binitin niya ako tapos ngayon bigla niya akong tutuksuhin ng gano'n? Ano ba talagang nasa isip niya? Tsk.

Matapos niyang magbihis ay magkahawak-kamay kaming bumaba ng hagdan kung saan nadatnan namin ang apat niyang mga kaibigan na nasa sala habang tutok sa malaking TV screen at nanonood ng basketball, maliban lang kay Zach na busy sa phone niya.

"Oh? Ang bilis n’yo naman yatang natapos?" Ken commented when he noticed us, causing the three guys to turn their attention to us.

"Shut up!" singhal lang sa kaniya ni Fidel. Nagtungo siya sa isang bakanteng single sofa at naupo. Balak ko na sanang bumitaw sa kamay niya nang bigla niya akong hilahin paupo sa kandungan niya at niyakap ang bewang ko.

"Fidel! Ano ba?!" Hinampas ko siya sa dibdib at nagpumilit na makatayo, subalit masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin kaya wala na rin akong nagawa.

Ivan suddenly cackled. "Masyado mo naman yatang pinapamukha sa amin na asawa mo si Klay?"

"Of course, why not?" Ngumisi si Fidel sa kanila. Ako naman ay nanatiling nakayuko dahil nahihiya ako. "Gusto kong ipangalandakan sa buong mundo na asawa ko si Klay, lalo na sa inyong mga naging karibal ko."

"Tss. Nakuha mo si Klay dahil madumi kang maglaro. Magkunwari ka ba namang kailangan mo ng PA para mapalapit siya sa 'yo. What a nice move, huh?" Ken spat out in a sarcastic way.

"That's right!" mabilis na sang-ayon naman ni Fritz. "Wala pang kayo noon, binabakuran mo na siya."

"Kung maka-react ka naman diyan, parang isa ka sa nagkagusto kay Klay," anas ni Fidel.

Sandali namang natahimik ang paligid at napansin ko ang biglang pagsingkit ng mga mata ni Fidel.

"Teka… Don't tell me, talagang nagkagusto ka kay Klay noon?" makahulugan na tanong ni Fidel sa kaniya kaya pasimple kong nilingon si Fritz. Doon ko lang din napagtanto na nakatingin na rin sa kaniya ang tatlo.

Si Fritz? Nagkagusto rin sa akin? Parang imposible naman yata 'yon.

"Oh? Kung makatingin naman kayo sa akin parang nakagawa ako ng krimen? Baguhin n'yo na nga lang 'yong topic! Hayst!" reklamo nito sabay ayos ng upo sa sofa at tumutok sa pinapanood nila habang ngumunguya ng chips.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now