CHAPTER 22

1.4K 46 4
                                    

IVAN

After I passed the ball to Xander, I went straight to the bench and sat down. Diretso ang tingin sa kawalan habang hinihingal.

"What's wrong?" Zach asked as he walked towards me. I didn't bother to look at him. Basta ang alam ko lang ay nakaupo na siya sa tabi ko ngayon.

"Is there something bugging you?" tanong naman ni Xander na biglang ipinasa ang bola kay Fritz at bahadyang lumapit sa akin.

"I asked her out," I started.

"Her? Who's your pertaining to?" asked Ken while wiping the sweat off his face using his own towel.

I took a deep breath before I answered without hesitation, "I'm talkin' about Klay."

Lahat sila ay napalingon sa akin at napatigil sa mga ginagawa. Tila ba nagulat sila sa pangalan na binigkas ko.

"Si Klay? Klay Barbara Sanchez?" paninigurado pa ni Ken.

I nodded. "Siya nga."

"That Klay? Are you serious, man?" Xander mockingly asked, so we all threw a gaze at him.

"Yes, I'm serious," buwelta ko sa kaniya. "She's an amazing girl. Ngayon pa lang ako nakakita ng babaeng katulad niya. At first, I was confused kung paghanga lang ba talaga 'yong nararamdaman ko o—"

"Baka naman talagang hinahangaan mo lang siya. So, why asked her out all of a sudden?"

"To be honest, palagi kong sinasabi sa sarili ko na hinahangaan ko lang siya at hanggang doon lang 'yon. But everytime na nakikita ko siya ay masaya ako. One thing is for sure now... gusto ko na siya."

"What?!" sabay-sabay nilang apat na reaksiyon. Alam kong nakakabigla naman talaga ang mga sinasabi ko. Kahit ako nabibigla rin, eh. But this is what I truly feel.

"Why? Anong nakakagulat? Hindi naman siya mahirap magustuhan, 'di ba?"

"Ivan, sigurado ka ba talaga riyan? Hindi ka ba nalilito lang or something? Si Klay talaga?" Natawa na lang ako sa mga tanong ni Xander. Alam kong hindi sila okay ni Klay kaya malamang hindi pa niya nakikita ang mga bagay na nakikita ko kay Klay.

"Anyway, what's her reaction when you asked her out? Kelan ang date n'yo?" usisa naman ni Ken.

I gulped. "Well, sa umpisa hindi siya naniwala and obviously walang date na mangyayari," walang siglang tugon ko. How I wish na ang isasagot ko sa kanila ay 'pinaghahandaan ko pa ang date namin'.

Tila yata natahimik sila kaya tinapunan ko sila isa-isa ng tingin. Confusion is visible on their dampness faces. I smiled slightly and spoke, "Apparently, she rejected me," I said to enlighten their bewilderment.

"What?! For real?!" muli na namang sabay-sabay nilang reaksiyon kaya hindi ko maiwasan na mapaalik-ik.

"Kailangan ba talagang sabay-sabay at iisa lang ang reaksiyon ninyo?" natatawang tanong ko. Nagkatinginan naman silang apat. Mukhang sila ay nagulat din sa pareho nilang naging reaksiyon.

"Seriously? Ni-reject ka ni Klay? Paano?" hindi makapaniwalang tanong ni Ken. Alam kong hindi rin makapaniwala 'yong tatlo pero hindi na lang sila umimik.

"Anong paano? Nakakagulat bang ni-reject niya ako? Ano bang tingin n'yo kay Klay? Hindi ba, kakaiba talaga siyang babae? Malamang, kung ibang babae 'yon baka hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko um-oo na agad. But she's different..."

Napangiti ako nang muli ko siyang maalala kanina sa library. In-expect ko naman talaga na may possibility na baka i-reject niya ako. At dahil do'n mas lalo lang akong humanga sa kaniya.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now