CHAPTER 49

1K 41 15
                                    

KLAY

HHWW (Holding Hands While Walking ) ang peg namin ngayon ni Fidel dito sa botanical garden. Kaming dalawa sa napakagandang lugar. Wala na akong ibang mahihiling pa. Napakasaya ng puso ko ngayon at para bang tumatalon ito sa tuwa.

"I'm happy that I'm with you," he uttered while smiling sweetly at me. Napangiti naman ako nang bigla niyang halikan ang kamay ko na siyang hawak niya pa rin.

Huminto kami sa paglalakad at humarap siya sa akin. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at inilapat iyon sa kaliwang dibdib niya. "Ikaw lang ang laman nito," turan niya habang dinadama ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

"Fidel," emosyonal sa sambit ko sa pangalan niya nang bigla na lamang tumulo ang mga luha ko.

"Shhh, don't cry." He cupped my face and wiped the tears on my cheeks. "Klay, ipangako mo sa akin na akin ka lang. Ipangako mo sa akin na hinding-hindi mo 'ko iiwan kasi hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa 'kin," mangiyak-ngiyak na saad niya na mas lalong nagpa-iyak sa akin.

"P-Pangako," nakangiting tugon ko. Sobrang saya sa pakiramdam na kasama ko ngayon ang taong mahal ko. Sobrang sarap sa pakiramdam na mahal na mahal ako ng taong mahal ko.

Dahan-dahan niyang inilalapit sa akin ang mukha niya at napansin ko ang pagpatak ng mga luha sa mga mata niya. Nagdikit ang mga noo naming dalawa habang parehong tumatakas ang mga luha mula sa aming mga mata. Mukhang tulad ko ay gano'n din ang nararamdaman niya.

"Mahal na mahal kita, Klay," wika niya sa paos na boses. Nag-uumapaw sa emosyon ang puso ko ngayon dahil sa mga sinasabi niya. Napatingin kami sa labi ng isa't isa. Alam ko na ang sunod na mangyayari kaya ipinikit ko ang mga mata ko upang madama ang pag-ibig niya.

RING! RING! RING!

Agad akong napadilat ng mga mata nang marinig ko ang ingay ng alarm kaya dali-dali ko iyong pinatay. Inangat ko ang ulo ko at doon ko lang napagtanto na nakatulog pala ako sa study table.

"Aray!" ingit ko nang makaramdam ako ng sakit sa leeg kaya napahawak ako sa kanang leeg ko. "Mukhang nagka-stiff neck pa yata ako."

Pero teka... Panaginip lang 'yon?! Talaga bang napanaginipan ko si Fidel?! Nakakaloka, akala ko pa naman totoo na. Panaginip lang pala.

Teka, bakit parang nanghihinayang yata ako na panaginip lang 'yon? Kaya lang sayang, muntik na kaming mag-kiss, eh. Epal naman 'yong alarm, hays. Jusko, Klay! Erase! Erase!

BZZZZZZZZZZZTT!

Agad kong kinuha ang cellphone ko nang makitang tumatawag si Kelly na siyang sinagot ko rin naman agad.

Me: Hello, Ke
Kelly: Klay! Nasaan ka na ba?!

Inilayo ko mula sa tapat ng tainga ko ang cellphone ko dahil sa nakakabinging bunganga ni Kelly.

Me: Nandito sa bahay. Teka, bakit ba?
Kelly: Anong bakit ba?! Alam mo ba kung anong oras na, ha?! Male-late ka na sa unang class mo!

Nanlaki ang mga mata ko nang mapasulyap ako sa wall clock.

Me: Naku! Oo nga pala! Sige, Kelly! Magre-ready na ako! Babu!

Pinatayan ko siya ng tawag at mabilis na ginawa ang morning routine ko. Kung bakit ba naman kasi mali pa 'yong pag-alarm ko e, hayst!

***

Nandito kami ngayong tatlo sa outdoor seating dahil vacant time namin. May mga sandwiches din kaming binili para habang nag-aaral kami ay kumakain din kami.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now