CHAPTER 101

1.8K 41 8
                                    

KLAY

"Nakakahiya talaga 'yong nangyari kanina. Huhu!" kanina pang atungal ni Kelly. "Klay, ano bang gagawin ko? Paano kung pag-usapan nila ako? Huhu! Hindi ko na yata kakayanin pang pumasok."

Hinagod ko ang likod niya at inabutan siya ng tubig. "Uminom ka muna ng tubig. Isa pa, 'wag mo nang masyadong isipin 'yon. Alalahanin mong buntis ka. Hindi ka dapat nai-stress," paalala ko sa kaniya.

Kinuha naman niya 'yong tubig at dahan-dahan na ininom. Umiiyak siya pero walang luha. Masyado lang kasi talaga siyang nagwo-worry about sa nangyari sa kaniya sa klase nila kanina. Paano ba naman kasi, hindi niya napigilan ang bunganga niya at bigla niyang nabanggit ang tungkol sa pagbubuntis niya. Ayon, hindi naman niya puwedeng itanggi kasi totoo naman. Kanina niya pa iniisip 'yong nangyari kaya niyaya ko siyang kumain. Hindi na nga rin siya pumasok sa next class niya dahil sa pag-aalala na baka pag-usapan niya.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Klay. Huhu!" muling atungal niya. Pinagmasdan ko lang siya at pilit na pinakalma. Nakakamangha rin ang pag-iyak niyang walang luha.

"Ano ba kasi ang ikinakatakot mo? Ano naman ngayon kung malaman ng lahat? Dapat nga proud ka pa kasi kuya ko ang nakabuntis sa 'yo. Sikat siya, 'di ba? Paniguradong maraming maiinggit sa 'yo," pagpapalakas ko sa loob niya.

She suddenly became quiet as she emotionlessly looked at me. Nailunok ko ang sariling laway dahil sa munting kabang naramdaman ko. May nasabi ba akong mali?

"Klay..." she blurted out in a serious tone, kaya nadagdagan ang kaba ko. "Tama ang lahat ng sinabi mo!" she exclaimed as if she won in a lottery. "Hindi dapat ako nagkakaganito, eh. Dapat nga ipagsigawan ko pa sa lahat na buntis ako, at si Cal ang ama!" Lumawak ang ngiti niya kung saan tanaw ko na ang mga gilagid niya.

"T-Tama... Tama," nag-aalangan kong sang-ayon. Ang akala ko pa naman ay may nasabi akong mali na muling magpapahagulgol sa kaniya. Ang hirap namang magbuntis ni Kelly. Hindi ko mahulaan kung ano ang sunod niyang magiging mood.

"Hehe." Nakangiti lang siya sa akin habang ngumunguya ng pagkain. Mabuti naman at kumain na rin siya. Baka magalit pa sa akin si Kuya dahil hinahayaan kong magutom si Kelly at of course ang baby nila. Minsan ay natatawa na lang din ako kay Kelly. Madalas kasi ay para siyang bata, lalo na kapag sinusumpong. Mabuti na lang talaga at kaibigan niya ako kaya kahit papaano ay hindi niya ako magawang sungitan.

"Huh? Si Xander, mukhang papunta sa atin," mayamaya ay usal niya habang nakatingin sa direksiyon kung nasaan ang entrance ng cafeteria. Sinundan ko ang tingin niya at nakita ko nga si Fidel.

"Wifey!"

Nanlaki ang mga mata ko at napatigil sa pagnguya.

*Cough* *Cough*

"Klay, okay ka lang?" tanong ni Kelly nang abutan niya ako ng tubig matapos kong mabulunan. Agad ko namang kinuha iyon mula sa kaniya at tinungga.

Wifey?! Tama ba ang narinig ko?!

Tinawag ako ni Fidel na wifey?!

My eyes widened when I turned my gaze to Fidel. He's smiling broadly while approaching us. At nagagawa niya pang ngumiti nang ganyan na parang walang nangyari?!

"Hi, wifey! I missed you!" iyan agad ang salubong niya paglapit niya sa amin! Napayuko naman ako at napapikit. Ano bang sinasabi niya? Nakakahiya!

Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Dahan-dahan ko namang inalis ang braso niya sa balikat ko at hinarap siya. "Nahihibang ka na ba?! Anong wifey pinagsasabi mo?!" pabulong kong asik sa kaniya.

"Wifey?" Agad na napunta kay Kelly ang atensiyon ko nang bigla siyang magsalita. Nakaupo na siya ngayon sa tapat namin habang may naguguluhang reaksiyon. Teka lang, kanina lang katabi ko siya, ah? Paano siya napunta sa tapat namin? "Tama ang narinig ko, 'di ba? Tinawag mong wifey si Klay?" tanong niya kay Fidel.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon