CHAPTER 20

1.5K 48 3
                                    

KELLY

"Ang tagal mo naman. Kanina pa ako naghihintay rito," reklamo ko kay Jaina na kababalik lang galing sa labas ng cafeteria. "Saan ka ba nagpunta? Nakausap mo na ba si Klay?"

Umayos naman siya ng upo. "Well, tinawagan ko siya pero hindi ko siya makontak kaya hinanap ko siya."

"Ano, nahanap mo ba siya?"

"Unfortunately, hindi."

"Baka naman kasi nasa class na siya. Mamaya na lang natin siya kausapin," suhestiyon ko.

"Baka nga," nakangiti niyang tugon. Bahagya naman akong nahiwagaan sa kakaibang ngiti niyang iyon. "Wait lang, bibili lang ako ng food natin," paalam niya at tumayo.

Napabuntong-hininga naman ako. Hindi ko alam pero kakaiba kasi ang kutob ko, eh. Nagpaalam lang kasi siya kanina para tawagan si Klay tapos ang tagal niya bago bumalik. Ang rason naman niya ay hinanap niya si Klay na hindi niya rin naman nakita. Saka, 'yong ngiti niya... parang may ibig sabihin.

Iginala ko lang ang mga mata ko sa paligid nang dumako ang tingin ko sa cellphone niyang iniwan niyang nakapatong sa mesa. Tinitigan ko iyon at ewan ko ba, bigla kasi akong na-curious. Kinuha ko 'yon at binuksan. Mabuti na lang at alam ko ang password niya kaya naman na-unlock ko iyon agad. Sakto namang pagbukas ko ay napunta ako sa call logs.

Siya namang pagkunot ng noo ko dulot ng pagtataka nang mabasa ko ang pangalan ni Klay sa recent calls niya. Ang sabi niya hindi niya nakontak at nakausap si Klay. Kung ganoon, bakit nasa recent calls niya si Klay? Bakit naman siya nagsinungaling sa akin?

Ang akala ko ay sa bagay lang na iyon ako magtataka. Subalit, mas lalo pa akong nagtaka nang makita ko ang pangalan ni Zach sa recent calls niya na siyang nasa ibaba lamang ng pangalan ni Klay. Kinausap niya si Zach? Pero bakit?

Napuno ng pagtataka ang isip ko kaya naman pinatay ko ang phone niya at ibinalik iyon sa dati nitong puwesto. Mayamaya pa ay dumating na siya na may dalang tray ng pagkain na binili niya. Nahihiwagaan ko naman siyang tinitigan hanggang sa makaupo siya.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin sa 'kin? What's wrong?" tanong niya nang mapansin niya ang titig ko sa kaniya.

"Ang sabi mo sa akin kanina, hindi mo nakausap si Klay kasi hindi mo siya nakontak, tama ba?" paninigurado ko.

"Well, yeah. Bakit? May problema ba? Tingin mo ba nagsisinungaling ako sa 'yo?"

"Oo," mabilis kong tugon. Nabasa ko naman ang pagtataka sa reaksiyon niya. "Na-curious ako sa phone mo kaya tiningnan ko at nakita ko sa recent calls mo ang pangalan ni Klay. Ibig sabihin nakausap mo siya, bakit sinabi mo sa 'kin na hindi mo siya nakausap?"

"A-hh..." Umiwas ito ng tingin at hindi nakasagot.

"Nakita ko rin ang pangalan ni Zach. Bakit mo siya kinausap? Anong pinag-usapan n'yo?"

"Kelly. Yes, you're my friend. But it doesn't mean na puwede mo nang pakialaman ang gamit ko. That's invasion of privacy!" asik niya.

"Sabihin mo nga sa akin ang totoo. May ginawa ka ba?" diretsang tanong ko, pangde-dedma ko sa mga sinabi niya.

"W-What? What are you saying? Bakit kung makapagsalita ka parang may nagawa akong mali—"

"Jaina," madiin na putol ko sa kaniya.

Sandali kaming nabalot ng katahimikan hanggang sa napabuntong-hininga siya. "Okay, fine!... Nakausap ko nga si Klay at si Zach."

"Nasaan si Klay?"

"She's with Zach."

"Ano?!" gulat na reaksiyon ko.

"Lower you voice, Kelly," pabulong na saad niya sa akin habang pasimpleng tinapunan ng tingin ang paligid. "I locked them up together in a room."

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon