CHAPTER 85

800 27 5
                                    

KLAY

Ilang araw na ang nakalipas simula noong maging okay na ulit kami ni Fidel. Si Ivan naman, hindi ko na siya nakikitang sumasama sa kanila. Mukhang nagalit din sila sa nangyari at sa ginawa ng team captain nila. Minsan nakikita ko si Ivan at nakakasalubong pero nginingitian niya lang ako.

Medyo nanibago ako pero alam kong hindi ganon kadali ang sitwasyon. Hindi naman na ako galit sa kaniya. May part kasi sa akin na naiintindihan ko siya, but I'm not saying na tama 'yong ginawa niya.

Masaya naman ako. Kaya lang feeling ko may kulang pa rin. Hindi pa rin kasi nakikita sina Sasha, e. Hindi pa rin alam nina Papa kung nasaan sila kaya mas lalo akong nag-aalala.

Kaya heto ako... Sinusubukan silang hanapin na mag-isa. Hindi kasi ako mapakali kung nasa bahay lang ako. Hindi sila mawala sa isip ko kasi iniisip ko kung nasaan sila. Umaasa ako na sana lang maayos pa ang lagay nilang apat.

Nandito ako kung saan sila madalas na tumambay noon. Nagbabakasakali kasi ako na baka bumalik sila. Mamaya hinihintay lang pala nila ako.

Mga ilang minuto pa ako naghanap hanggang sa napadpad ako sa madilim na bahagi ng eskinita. Aaminin ko na natatakot ako, lalo pa at mag-isa lang ako. Pero isinantabi ko 'yon para maituloy ko ang paghahanap.

Mayamaya lang ay may narinig akong munting kaluskos kaya naman napahinto ako sa paglalakad. Pinakinggan ko nang mabuti ang paligid pero wala na akong narinig pa kaya nagpatuloy na ulit ako.

Kaya lang, muli akong nakarinig ng kaluskos dahilan upang bumagal ang bawat paghakbang na ginagawa ko.

"Sasha? Gio? Nandiyan ba kayo?" paggawa ko ng ingay upang alisin ang takot ko. How I wish na sana nga sina Sasha na lang ang may kagagawan ng mga kaluskos.

"Hi, Miss."

Nanayo ang mga balahibo sa katawan ko nang may boses akong narinig... Na sa tingin ko ay nasa tabi ko lang din.

"S-Sino ka?" kinakabahan kong tanong habang hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko.

Parang nangyari na 'to noon. 'Wag naman sanang holdaper 'to.

"Kung magiging masunurin ka at maayos mong ibibigay sa 'kin ang wallet at cellphone mo, hindi ka masasaktan."

Naku naman! Sinasabi ko na nga ba, eh. Bakit ba lapitin ako ng mga holdaper? Huhu!

"Ahm..." Nanginginig ang katawan ko habang maingat at dahan-dahan na kinukuha ang wallet ko sa loob ng bag. Mahirap na, baka may hawak siyang patalim naku baka mamatay ako ng 'di oras.

"Ano?! Ibibigay mo ba o hindi?!" inip nitong ingit dahilan upang mapapitlag ako.

"Ito na nga, e! Sandali!" kinakabahan at nanginginig kong sigaw pabalik.

Iaabot ko na sana sa kaniya ang wallet ko nang biglang may magsalita mula sa likuran namin.

"Hello? Police station?"

Mabilis na napalingon ang lalaking nasa tabi ko sa likuran namin para tingnan ang lalaking bigla ring sumulpot. Sino naman kaya 'yon? Kasama niya kaya? Pero imposible. Bakit naman tatawag ng police ang taong iyon kung kasama niya?

Teka... Tumawag siya ng police? Mabuti naman! Mabuti na lang at may anghel ang magliligtas sa akin!

"Sino ka?" malalim ang boses na tanong ng lalaking holdaper sa kaniya. Katakot naman ang boses nito!

"I'm talking to police officer right now. It's either tatakbo ka para makatakas o magpapahuli ka. Mamili ka sa dalawa."

Napakurap ako ng ilang beses nang marinig ko ang boses ng lalaking nasa likuran namin. Anong ginagawa niya rito?

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now