CHAPTER 59

1K 40 11
                                    

JAINA

"Tita!" tawag ko kay Tita Demi habang pababa ako ng hagdan. Lumingon naman ito sa akin at ngumiti.

"Jaina, nandito ka na pala?"

Nang tuluyan akong makababa sa hagdan ay hinarap ko siya. "Tita, can I ask you something?"

"Sure! About what?"

"May kinalaman po ba kayo sa nangyaring aksidente noon sa mama ni Klay?" diretso at seryoso kong tanong. Napansin ko naman ang unti-unting paglaho ng mga ngiti niya.

"W-What?" nautal siya at tila nagulat sa itinanong ko. "W-What are you talking about, Jaina? W-Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Alam mo, ang mabuti pa, ipagluluto na lang kita. Anong gusto mo?"

"Tita, huwag n'yo pong ibahin ang usapan. Sagutin n'yo po ang tanong ko. Totoo bang may kinalaman kayo sa nangyari sa mama ni Klay noon?" ulit kong tanong.

Napalunok ito at umiwas ng tingin. "You know what, Jaina? I really don't know what you are saying. Anong tungkol sa mama ni Klay? Anong aksidente?"

I want to believe her. I want to believe that she has nothing to do with it. But her eyes say otherwise.

"Tita, alam na po ni Klay ang totoo. Alam niya na pong may kinalaman kayo sa nangyari. Ngayon, sabihin ninyo po sa akin. Does Klay's accusation was true?" My brows knitted when I noticed her hands started to tremble. Her eyes were roaming around as if she's nervous. "Tita? You look nervous. May tinatago po ba kayo sa amin? Ano po bang totoo? Tita, tell me."

"Jaina..." Tumingin siya sa akin pero hindi rin siya makatingin sa akin nang diretso at napatingin lamang siya sa baba. "Okay, t-tama ka. May kinalaman nga ako sa nangyari kay Bernice," nakayukong pag-amin niya.

Bahagya akong nagulat. Kahit kaunti ay in-expect ko that she would deny it. Umasa rin ako na sana hindi siya ang may gawa.

"Gosh, Tita! I can't believe this! Paano mo nagawa 'yon?! What if malaman ni Daddy 'to?!" I shouted.

"I'm begging you, Jaina. 'Wag mong sasabihin sa daddy mo 'to, okay? Please, Jaina. I'm begging you," she pleaded while holding my hands. "Ako na ang bahala, okay? Ako na ang bahala kay Bernice at sa anak niya. I'll fix this..."

"So, it was true?"

Sabay kaming napalingon ni Tita kay Hannah na kararating lang habang hindi makapaniwalang nakatingin sa mommy niya.

"H-Hannah, anak..."

"Ibig sabihin, talagang may kinalaman ka nga sa nangyari? Ikaw ang may gawa no'n? Really, Mom?" bakas ang pagkadismayang usal ni Hannah.

"Anak, let me explain." Halos mangiyak-ngiyak na si Tita nang lapitan niya si Hannah.

"All this time ang akala ko talagang nababaliw na si Klay dahil kung ano-ano na lang ang ibinibintang niya sa akin! 'Yon pala totoo pala lahat iyon! Pinagtanggol pa naman kita, Mom! Tapos ikaw pala talaga ang may gawa no'n?! Bakit, Mom?! Bakit?!" hiyaw ni Hannah na bakas sa boses ang galit.

"Hannah, listen to me. Ginawa ko 'yon para sa 'yo!" Tita Demi replied, yelling.

"What?! For me?! This is ridiculous, Mom! 'Wag mo 'kong idamay sa mga masasama ninyong ginawa!" sigaw ni Hannah kay Tita saka niya ito iniwan.

Sandali rin kaming nagkatitigan bago siya padabog na umakyat ng hagdan. I couldn't do anything but to stare at Tita Demi who's now sobbing.

I crossed my arms and walk towards her. "Tita... Hindi ako makapaniwala na nagawa n'yo iyon. Pero bakit ninyo 'yon ginawa? Anong dahilan?"

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now