CHAPTER 21

1.5K 44 4
                                    

KLAY

"Xander!" Agad na nagtungo si Zach palapit kay Fidel kaya naman sumunod ako sa likuran niya. "How did you know na nandito kami?" tanong ni Zach sa kaniya na hindi man lamang niya sinagot.

Nang tingnan ko siya ay nakatitig siya sa akin. Hindi ko mabasa ang emosyon niya hangga't sa ako na ang kusang nag-iwas ng tingin. Nakarinig kami ng mga yabag ng paa na pawang mga tumatakto at biglang dumating sina Ivan, Ken, Fritz, at Kelly. Tulad ni Fidel ay hingal na hingal din ang mga ito.

"Mabuti at nahanap mo sila, Xander," ani Ken kay Fidel. Ngunit tulad kanina na hindi niya pagpansin kay Zach ay tila ba parang wala rin itong narinig ngayon.

"Klay! Ayos ka lang ba, ha? May masakit ba sa 'yo?" puno ng pag-aalala na tanong ni Kelly sa akin.

Umiling-iling naman ako. "Ayos lang ako, Kelly."

"Nag-alala talaga kami sa inyo. Mabuti na lang talaga at nahanap kayo agad ni Xander."

Lumingon ako kay Fidel pero bigla itong umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat sa kaniya.

"Mauna na kami," paalam ko sa limang lalaki at tumalikod.

"Wait!"

Huminto ako nang biglang pinigilan kami ni Fidel. Lumingon ako sa kaniya at nagtatanong na tinitigan.

"What are you two doing there inside?" walang emosyon niyang tanong. Kami ba ni Zach ang tinutukoy niya?

"Tinawagan ako ni Jaina. Ang sabi niya kailangan niya ng tulong ko at nandito siya sa storage room kaya naman pinuntahan ko siya agad," sagot ko.

"That's right. Tinawagan din ako ni Jaina at humingi sa akin ng tulong. Nagpunta agad ako rito without realizing na sinet-up niya pala kami ni Klay," dagdag ni Zach sa sinabi ko.

"Si Jaina? Bakit niya naman kayo sinet-up?" curious na tanong ni Ken.

"Ahh, kasi si Jaina talagang pinagpipilitan na bagay si Klay at si Zach. Kaya gumawa siya ng paraan para magkasama sila," si Kelly ang sumagot na bahagya kong ikinagulat. "Pero alam kong mali ang ginawa niya kaya nagpatulong ako sa inyo na hanapin sila."

Parang gusto kong maglaho ngayon din dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Ano ba talagang nasa isip ni Jaina? Hayst!

"Klay at Zach shipper pala ang kaibigan ninyo? No wonder kung bakit niya ginawa 'yon," natatawang sabat naman ni Ken. Kaso parang ang awkward ng dating ng tawa niyang iyon.

"A-hh, sige! Mauna na kami, ha? Salamat!" paalam ko sa kanila. Kay Fidel ko sana sasabihin ang huling salita pero nahihiya ako at hindi ko na sila kayang harapin pa.

Hinila ko na si Kelly at sabay kaming umalis sa lugar na iyon. Kailangan kong makita si Jaina. Kailangan ko siyang makausap at kailangan kong marinig ang paliwanag niya!

***

"Klay! Sorry na. Huhu," panunuyo sa akin ni Jaina matapos ko siyang pagsabihan sa ginawa niya sa amin ni Zach.

"Jaina, sana ma-realize mo na mali ang ginawa mo. Pinag-alala mo 'ko, pinag-alala mo kami at sinayang mo ang mga oras namin."

"Please, Klay. Naisip ko lang naman 'yon kasi ayokong magpatalo kay Kelly, eh. Pinagpipilitan niya kasi na mas bagay kayo ni Xander, siyempre hindi naman ako papayag," parang batang paliwanag nito.

Humugot naman ako ng isang malalim na buntong-hininga. Hindi ko akalain na may ganito na palang nangyayari. "Kahit na. Mali pa rin 'yong ginawa mo. Pinag-alala mo 'ko, Jaina."

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now