EPILOGUE

1.5K 27 10
                                    

KLAY

I hope this is true and neither a dream nor imagination. I missed him so badly. I want to hug him. I want to kiss him. I want to feel his embrace to ease the cold of this lonely night.

"Fidel?"

"Ako nga, Ms. Klay," mabilis niyang sagot habang may matamis na ngiti sa mga labi niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumayo at niyakap siya nang mahigpit. "Totoo nga... Nandito ka na nga... Fidel." Muli akong napaiyak nang dahil sa tuwa. "Miss na miss na kita. Alam mo ba 'yon?"

He chuckled. "Yes, I know. I miss you too."

Hinarap ko siya at sinalubong ang mga mata niyang ilang taon ko ring hindi nasilayan. "Bakit ngayon ka lang? Ang tagal kitang hinintay."

"Shh. Don't cry." Gamit ang panyo niya ang pinunasan niya ang mga luha sa magkabilang pisngi ko. "Sorry kung... ngayon lang ulit ako nakabalik. Mabuti at nahintay mo pa ako. Ang akala ko, kasal ka na, eh."

"Sira!" asik ko. "Paano ako magpapakasal kung nakakulong ka pa rin sa puso ko? Alam mo bang ang daming nanligaw sa 'kin? Pero lahat sila binasted ko. At dahil 'yon sa 'yo!"

"Dapat lang, 'no. Hindi ka puwedeng magpaligaw sa iba dahil ako pa rin ang boyfriend mo. Hindi pa tayo nagbe-break, remember?"

"E 'di, ngayon... puwede na tayong mag-break?"

"Bakit? Kaya mo ba?" hirit niya.

"Nakakainis ka!" Hinampas ko siya nang mahina sa dibdib niya. "Pasalamat ka at nahintay pa kita ng ilang taon."

"Thank you," seryoso niyang saad. "Thank you for waiting... Thank you kasi hindi ka nagmahal ng iba. Thank you kasi ako pa rin ang laman ng puso mo."

I sniffed. "Eh, ikaw ba? Ako pa rin ba ang laman ng puso mo? O may iba ka nang mahal?" nag-aalangan kong tanong.

"What do you think?" sa tugon niyang iyon ay bumagsak ang balikat ko. Ibig sabihin, may posibilidad na baka nga may iba na siyang minamahal. "Siyempre, wala. Ikaw pa rin ang laman nito. Hindi nagbago iyon."

Bumalik ang sigla ko sa narinig. Ngumiti kami sa isa't isa nang mapatingin ako sa mga labi niya. Nailunok ko ang sariling laway dahil isa iyon sa mga namimiss ko sa kaniya. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at inabot ang mga labi niya na siyang mabilis niyang tinugunan.

"Miss mo nga talaga ako," natatawa niyang wika nang putulin niya ang paghahalikan namin. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" pag-iiba niya sa usapan.

"Wala naman. Sadyang namiss ko lang talaga ang lugar na 'to," sagot ko. "Pero, teka... Paano mo nalaman na nandito ako?" nagtataka kong tanong.

"Your mother told me."

"Nagpunta ka sa bahay?"

"Yeah. At sabi niya, kaaalis mo lang daw kaya naman sinundan kita. Mabuti na lang at naabutan ko pa 'yong taxi na sinakyan mo. Hindi ko alam na dito ka pala pupunta."

Napatungo ako. Kanina lang pinag-uusapan namin siya tapos bigla na lang siyang nagpakita. "Ano nga pala ang dahilan at bigla ka na lang sumulpot?"

"Well... Pinilit ako ni Mommy na doon sa U.S. tapusin ang pag-aaral ko at nangako siya sa akin na babalik din kami rito. Next month pa sana kami uuwi kaso biglang nagbago ang isip niya nang makita niya 'to." Ipinakita niya sa akin ang pulsuhan niya kung saan suot niya ang bracelet ko.

"Iyan 'yong bracelet ko!"

"Right. Kaya nagtataka ako kung bakit bigla na lang nagyaya si Mommy na umuwi at kaagad kaming dumiretso sa inyo."

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now