CHAPTER 29

3K 71 6
                                    

KLAY

"You mean, kina Xander ka na rin nag-s-stay ngayon?!" natutuwang bulalas ni Kelly matapos kong ipaliwanag sa kanila ang pag-stay ko rin kina Fidel.

"Shh! Manahimik ka nga! Mamaya may makarinig sa 'yo, gawan pa ng issue, eh. Mahirap na," sita ko sa kaniya.

"I-I'm sorry. Natutuwa lang ako, Klay! OMG! My ship is sailing! Whoaaa!"

"Hoy, Kelly! Ano ba?! Anong ship is sailing ka riyan? Walang gano'n, ano ka ba! At saka, hinaan mo nga 'yang boses mo, hayst!" inis na anas ko at inayos ang mga gamit ko na nasa mesa. Napapatingin na rin kasi sa amin ang ibang mga estudyante.

"Sorry, hehe. Hindi ko lang kasi mapigilan ang sarili ko. You know, natuwa lang akong malaman na—"

"Jaina, ayos ka lang ba?" baling ko kay Jaina upang matigil na ang usapan namin ni Kelly. Napansin ko rin kasi na kanina pa siya tahimik. "May problema ba? Kanina ka pa tahimik, ah?"

"O-Okay lang ako. May iniisip lang ako," sagot niya na parang wala sa sarili. Hindi rin ako kumbinsido na ayos lang siya dahil base sa hitsura niya ngayon, parang malalim nga ang iniisip niya. "Anyway, magtatagal ka ba kina Xander?"

"Hindi. Once na maging maayos na si Mama, aalis din kami agad ni Kalvin sa bahay nila."

"Is it really need na kina Xander kayo mag-stay? Puwede naman sa bahay namin. You can stay there, Klay. Kayong dalawa ng kapatid mo," alok niya.

Ngumiti naman ako sa kaniya. "Thank you, Jaina. Kaya lang kasi ang kapatid ko, ang kapatid ko ang gustong mag-stay kina Fidel. Ako naman, napilitan lang ako. But thank you sa alok mo, Jaina. Isa pa, ayos lang naman kami sa bahay nila. Mababait naman sila, lalo na sa kapatid ko."

"I understand. Iniisip ko lang kasi 'yong issue. You know? Alam mo naman ang mga tao ngayon and I know how much you hate Xander," sabi niya na hindi ko na sinagot pa at nginitian ko na lamang.

Naiintindihan ko ang punto niya, pero wala akong magagawa. Sa sitwasyon na ito, kailangan ko munang samabay sa agos para sa kapatid ko. Hanggang sa maging maayos na si Mama.

"Klay, napansin ko lang. Kakaiba ang aura mo ngayon, ha? Para bang blooming ka. Anong meron, ha?" ma-intregang tanong ni Kelly.

"Anong pinagsasabi mo riyan? Anong blooming? Mukha ba akong blooming?" Itinuro ko ang mukha ko at inilapit sa kaniya.

"Nakakapanibago kasi ang suot mo ngayon. Parang ito yata ang first time na hindi kita nakita na naka-pantalon."

Dahan-dahan akong napatingin sa suot kong blouse at mini skirt. "Ito naman, porke't ganito ang suot ko, blooming agad? Saka, napilitan lang naman akong suotin 'to dahil wala akong choice."

"Walang choice? Ibig sabihin, may pumilit sa 'yong mag-suot nang ganyan? Sino? Si Xander ba?" mapanukso nitong tanong kaya pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Kelly, puwede ba? Tigil-tigilan mo nga 'yang kaka-Xander mo. First of all, wala akong nadalang damit kaya wala akong choice kundi suotin ang mga ganitong klaseng damit na pinili ni—" Natahimik ako nang muntikan ko nang mabanggit ang pangalan ni Fidel.

"Pinili nino?"

"N-Ni Nanang Gloria. Sino pa ba?" pagsisinungaling ko. Hindi ko puwedeng sabihin sa kaniya na si Fidel ang pumili ng mga damit ko, dahil paniguradong gagawan na naman niya ng issue.

Matapos naming mag-chikahan ay nagtungo na kami sa kaniya-kaniya naming klase, hanggang sa mabakante na naman ang schedule ko kaya nagpunta muna ako ng cafeteria.

Naghanap ako ng bakante at magandang puwesto. Nakita ko naman na walang nakaupo sa bandang dulo kaya napagpasiyahan kong doon na lang umupo. Ngunit hindi pa man ako nakakarami ng hakbang ay nagulat ako nang bigla akong may naramdamang kakaibang malamig na likido sa bandang leeg ko.

My Red Flag EnemyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum