CHAPTER 13

1.5K 47 1
                                    

KLAY

Nakaramdam ako ng lungkot nang malaman ko kung ano ang nangyari sa bahay nina Kelly. Kaya pala hindi ko siya makontak dahil umuwi pala siya matapos niyang mabalitaan na nilooban daw ng mga magnanakaw ang bahay nila. Pagdating niya sa bahay nila ay nadatnan niya ang mga magnanakaw na nililimas ang mga gamit nila kahit ang cellphone niya ay hindi nakaligtas.

"Mabuti at ligtas kayo ng mama mo," saad ko sa tonong nakiki-simpatya. Nandito kami ngayon sa cafeteria at kinuha ko ang pagkakataon na ito para tanungin sila.

Tipid naman itong ngumiti. "Kaya nga, e. Ang iniisip ko lang talaga no'n ay ang kaligtasan namin ni Mama. Kaya hinayaan na namin silang kunin ang gusto nila para lang hindi nila kami saktan. At mukhang wala rin silang intensiyon na saktan kami at gusto lang talaga nilang magnakaw. Kaya lang..." Humugot ito ng isang malalim na buntong-hininga. "... Nakakalungkot lang dahil kailangan ulit naming magsimula ni Mama. Maski 'yong pera na inipon niya, kinuha rin nila," lumungkot ang tono ng boses nito at yumuko.

"Ano ka ba? Pera lang 'yon. What more important is ligtas kayo ng mama mo. Come on, you can still earn that money," Jaina commented. Para bang pinapagaan niya ang loob ng kaibigan namin.

"Tama si Jaina. Pera lang 'yon. Ang importante ay ligtas at maayos kayo ng mama mo," pagsang-ayon ko.

"Tama. Pero... mahihirapan na naman kami nito ni Mama na magsimula ulit." Bakas sa hitsura ni Kelly ngayon na talagang nalulungkot siya sa nangyari. Sino ba naman kasing hindi?

"Anyway, ikaw Jaina? Bakit hindi kita makontak kahapon?" baling ko kay Jaina. Ayoko lang na mas pag-usapan namin ang nangyari kina Kelly dahil paniguradong mas malulungkot lang siya.

"As usual, I'm deadbatt," mabilis na sagot niya nang sumipsip siya sa juice niya.

"Jaina, 'yong totoo? Hindi ba uso sa 'yo ang charger? Bakit palagi ka na lang yatang lowbat?" sarkastikong anas ko.

"Well, hindi naman kasi ako palaging gumagamit ng phone. So, minsan nakakalimutan kong lowbat na pala ako."

Lumingon naman ako kay Kelly na ngayon ay tahimik habang pinapaikot-ikot lang sa tinidor niya ang pasta.

"Pupunta ako ng library, gusto n'yo bang sumama?" alok ko sa kanila.

"Library is a boring place," Jaina said, and I take that as a no.

"Ikaw, Kelly?"

"Sige," sagot niya. Isinukbit niya ang bag niya sa balikat niya at tumayo. Tumayo na rin ako.

"Wait, iiwan niyo 'ko rito?" tanong ni Jaina.

"'Di ba, sabi mo library is a boring place?" panggagaya ko sa sinabi niya kanina lang. "Kaya dito ka na lang sa canteen."

"Okay, fine! I'll go with you." Tumayo na rin ito na siyang ikinatawa namin ni Kelly.

"O, akala ko ba library is a boring place?" muli kong ungkat sa sinabi niya kanina habang naglalakad kami papuntang library. Ginaya ko pa kung paano niya iyon sinabi.

"Mas lalo namang boring sa canteen kung maiiwan akong mag-isa ro'n, 'no!" Bakas sa mukha nito na napilitan lang siyang sumama sa amin.

"Baka naman natakot ka lang na makita ka ni Hannah do'n na nag-iisa," natatawang pang-aasar naman ni Kelly.

Ngayon mukhang bumalik na siya sa masayahing Kelly. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi makaramdam ng tuwa. Simula kasi kaninang umaga nang makita ko siya ay ang lungkot-lungkot talaga niya. Mabuti ngayon ay tumatawa na siya ulit.

"Crap that! Hindi ako takot sa Hannah na 'yon!" asik ni Jaina. Mukhang asar na asar na ito sa amin. Natawa lang kami ni Kelly at hindi na namin inasar pa si Jaina. Baka kasi mamaya tuluyan siyang mawala sa mood.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now