CHAPTER 72

904 33 12
                                    

KLAY

Bumuga ako ng buntong-hininga bago ako tuluyang pumasok sa loob ng campus. Bumungad sa akin ang tingin ng mga estudyante, which is inaasahan ko na mangyayari. Feeling ko ngayon isa na rin akong celebrity sa campus na ito na nakakakuha ng atensiyon ng marami. Pasimple kong silang sinulyapan at bakas sa reaksiyon nila ang pagkamangha at gulat.

Kinakabahan man at naiilang ay dire-diretso lang ang lakad ko na kunwari ay wala lang sa akin ang atensiyon na nakukuha ko ngayon. Nag-focus ako sa paglalakad ko dahil baka bigla akong matapilok, e 'di pinagtawanan ako.

Habang patuloy na naglalakad ay automatic na bumilis ang tibok ng puso ko nang matanaw ko si Fidel na nakatitig sa akin at animo'y hinihintay ako. Dumiretso lang ako hanggang sa huminto ako sa harapan niya.

"Hi," nakangiting bati ko sa kaniya. Subalit, kumunot ang noo ko nang hindi man lang niya ako binati pabalik bagkus ay nakatitig lang siya sa akin habang medyo nakaawang pa ang bibig.

Anong nangyari sa kaniya? Masyado bang alluring 'yong naging transformation ko para matulala siya sa akin ng ganiyan?

"Klay? I-Ikaw ba 'yan?"

"Huh? Tinatanong mo kung ako 'to? Siyempre, ako 'to. Ako si Klay. Teka, ano bang nangyari sa 'yo? Nagka-amnesia ka ba para hindi mo 'ko makilala?" natatawa kong biro. "Hoy, Fidel!" I snap my fingers in front of his face.

"Ha?" Kumurap naman siya ng ilang beses at pinilig-pilig ang ulo na tila ba natauhan na siya. "S-Sorry. I just can't believe that..." Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko mula ulo hanggang paa. "You look different."

Natawa naman ako. "Grabe ka naman. Ako pa rin naman 'to. Nagbago lang naman ako ng ayos."

"Y-Yeah. B-But still... Arrgh! Ano bang nangyayari sa akin?" Tumingin siya sa baba at sinabunutan ang sariling buhok.

"Umayos ka nga, Fidel. Ang daming tao, oh. Ayos ka lang ba talaga?" Gusto kong tumawa pero pinigilan ko ang sarili ko.

Tinapunan naman niya ng tingin ang paligid. "Damn," bulong niya. "Teka nga, Klay. Bakit ba ganiyan ang ayos mo?" dismayadong tanong niya.

Napangiwi ako. "Sa tono mo... parang hindi mo nagustuhan ang ayos ko. May mali ba? Ayaw mo ba nito? Gusto mo ba 'yong Klay na dugyutin at sobrang simple?"

"N-No. It's not like that."

"Bakit, Fidel? Hindi ba bagay sa akin ang ganito? Hindi ba bagay sa isang katulad ko ang mag-ayos man lang para magmukha naman akong presentable sa iba? Bakit? Dahil lumaki akong mahirap? Dahil unprivileged ako? Gano'n ba, Fidel?"

Hayst. Nakakainis siya. Ang akala ko pa naman matutuwa siya kapag nakita niya akong ganito. Tapos ganiyan lang pala ang magiging reaksiyon niya.

"No. Of course not! I'm just upset."

"Upset?" I asked in disbelief. "Upset ka kasi ganito ang ayos ko? What the eff, Fidel. Wala ba talaga akong karapatan maging ganito? Wala ba talaga akong karapatan na maranasan ang maging ganito kahit minsan lang sa buhay ko?" Gusto kong maiyak sa sama ng loob ngayon pero pinigilan ko iyon at hindi ipinahalata sa boses ko.

"Klay. I'm upset kasi binabaliw mo 'ko! Okay?" Bahagya akong nabigla sa pagtaas ng boses niya. "Fuck. Nakikita mo ba ngayon kung paano ka titigan ng mga lalaki, Klay? Halos lumuwa na ang mga mata nila. That's why, I'm upset. Kasi the mere fact na gumanda ka mas maraming lalaki ang magkakagusto sa 'yo, mas maraming lalaki ang lalapit sa 'yo. What do you think would I feel about it, Klay?"

Ilang beses akong napalunok sa mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na iyan pala ang nasa isip niya. Para siyang boyfriend ko kung sermunan niya ako. Ibang klase talaga siya.

My Red Flag Enemyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن