CHAPTER 02

3.5K 76 6
                                    

KLAY

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nagawa mo 'yon," ani Kelly na hindi mo mawari kung ang boses ay namamangha ba o natatakot.

"Dapat lang 'yon sa kaniya. Masyado siyang mayabang!" asik ko.

Hanggang ngayon, kapag naiisip ko ang nangyari kanina ay naiinis talaga ako. Matapos no'ng ginawa ko ay nagpunta kaming tatlo sa isang malapit na café. At nakakainis dahil para akong naging instant celebrity na pinagtitinginan ng mga tao kanina. Malamang, ay dahil na naman sa kapansin-pansin na bukol at namumula sa noo ko. Hindi ko tuloy maiwasan na mas lalong mainis sa lalaking 'yon!

"Oh, bakit yata tahimik ka riyan?" tanong ni Kelly kay Jaina kaya ibinaling ko sa kaniya ang tingin ko.

"Oo nga. Anyari? Bigla ka yatang natahimik?" tanong ko rin. Napansin ko rin kasi na bigla siyang nanahimik sa hindi malamang dahilan.

"Nag-aalala lang ako," nakayukong sagot nito at nilaro ng tinidor ang cake niyang nasa platito na hindi man lang niya ginalaw.

"Nag-aalala saan?" usisa ko.

"Naisip ko lang. Paano kung... gantihan ka niya?" Inangat niya ang tingin sa akin.

Kumunot ang noo ko. "Gantihan?" Sandali akong nag-isip. "Iyong Xander ba ang tinutukoy mo?"

"Yes... Of course, he is Xander. He's popular and you know... hindi niya basta na lang palalagpasin 'yong ginawa mo," nag-aalalang turan niya habang direktang nakatingin sa mga mata ko.

Ngumiti ako at natawa. "Ano ka ba, Jaina? Bakit ka ba nag-aalala? E 'di, gantihan niya ako kung gusto niya."

"Klay, I'm serious. You don't know him. You don't know them," seryoso niyang saad kaya nagseryoso na rin ako. Totoo ang sinabi niya. Hindi ko nga kilala ang mokong na 'yon.

"Tama ka. Hindi ko nga sila kilala. Nakakatawa lang isipin na popular sila kagaya ng sinabi mo, pero ni isa wala akong kilala sa kanila," natatawa kong tugon. Ngunit, tila ba hindi matinag ang pagiging seryoso ng mga mukha nila. So, I faked a cough. "Puwede n'yo bang sabihin sa akin kung sino sila?" tanong ko.

"Wait! Ako na!" biglang volunteer ni Kelly. "Ako na ang magpapakilala sa 'yo kung sino ba ang basketball varsity players ng university natin," excited nitong usal at nagsimulang mag-pipindot sa cellphone niya.

Parang kanina lang ang seryoso niya, ah. Isa pa, wala naman akong balak na kilalanin ang mga 'yon. But, mas okay na rin na magkaroon ako ng kahit kaunting information about them.

"Ito!" Itinapat niya sa akin ang screen ng cellphone niya na may picture ng isang lalaki. "Siya si Fritz Alcala. Siya ang magaling na point guard ng team. Kilala siya hindi lang dahil sa magaling siya sa paglalaro. Kilala rin siya dahil sa taglay niyang cuteness." Tinitigan ko nang mabuti ang picture at tama nga si Kelly. Cute nga 'tong si Fritz. Hindi ko lang siya masyadong matandaan. Hindi ko naman kasi sila pinagtuunan ng pansin kanina.

Inalis ni Kelly ang cellphone niya sa harap ko at muling pumindot saka ito muling itinapat sa akin. "Ito naman si Kenzo Mir Javier, a.k.a Ken. Siya naman ang power forward ng team. Magaling din siyang maglaro at mapapansin mo agad ang taglay niyang charisma."

Tulad kanina ay sinipat ko rin nang mabuti ang nasa picture. Mukha siyang mabait. Agad na nawala sa harap ko ang phone na siyang muling ipinakita sa akin ni Kelly para ipakilala ang isa pang miyembro.

"Siya naman si—"

"Teka!" pinigilan ko siya nang mapansin kong pamilyar sa akin ang nasa picture. "Siya ba 'yong lalaking lumapit sa akin kanina no'ng natumba ako?" hindi siguradong tanong ko.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now