CHAPTER 62

988 50 19
                                    

KLAY

Napangiti ako habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ng lalaking kumakaway sa akin para kunin ang atensiyon ko.

"Kuya!" bati ko sa kaniya. Ang totoo niyan, hindi pa ako sanay na tawagin siyang Kuya, pero kailangan ko nang masanay.

"Mabuti naman at tinatawag mo na ako ngayon na Kuya," nakangiting turan niya. "Kaya naman pala ang gaan ng loob ko sa 'yo. 'Yon pala kapatid pala kita."

"Aish! Kuya, ano ba?!" Itinabig ko ang kamay niya nang guluhin niya ang buhok ko. Natawa lang siya na tila natutuwa pa sa naging reaksiyon ko.

Ilang araw na rin kasi ang lumipas at palaging 'Darwin' ang itinatawag ko sa kaniya. Pero unti-unti na rin naman akong nasasanay.

"Haist. Kanina pa ako naiilang sa mga tingin nila sa 'kin," dinig kong reklamo niya.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid at napansin ko nga na ilan sa mga babae ay nakatitig sa kaniya habang kinikilig.

"Dapat nga natutuwa ka, e. Kasi sikat ka at ayan hinahangaan ka ng mga babae!" natatawang anas ko sa kaniya.

"Ibig sabihin lang no'n, guwapo ang kuya mo. Ang hirap talagang maging guwapo," turan niya na kunwari'y problemadong-problemado.

Nailing na lamang ako habang natatawa. Ang hangin din pala ng isang 'to. Bigla ko tuloy naalala si Fidel.

Speaking of Fidel...

Napalunok ako nang matanaw ko siya sa hindi kalayuan habang masama ang tingin kay Kuya.

"Klay, mauna na muna ako. Pupuntahan ko lang 'yong teammates ko," paalam ni Kuya.

Oo nga pala. Ngayon na nga pala magaganap 'yong actual game nila. Kaya napakaraming tao dahil nandito rin 'yong mga taga-ibang universities para manood. May ilang reporters pa nga akong nakita. Ganoon siguro talaga kapag sikat iyong mga maglalaban.

"Sige."

"Anyway, sino nga pala ang susuportahan mo? Ngayon na alam mo nang kapatid mo 'ko... Meaning to say, sa amin ang suporta mo?"

"Kuya, hindi porke't kapatid kita. Kayo na ang susuportahan ko. Nakalimutan mo na bang kalaban ninyo ang university kung saan ako nag-aaral?"

"Hayst. Mukhang malulungkot nito si Jairo," pang-aasar niya at muling ginulo ang buhok ko. "Sige na, kita na lang tayo mamaya!"

Bago pa man ako makapagreklamo sa ginawa niya ay nakaalis na siya. Habang inaayos ko ang buhok ko ay muli akong napatingin sa direksiyon ni Fidel. Wala pa ring nagbabago sa reaksiyon ng mukha niya kaya naglakad ako palapit sa kaniya. Ngunit, bahagya akong nagulat nang umalis siya.

Anong nangyari ro'n?

Sinundan ko siya at tinawag. "Fidel!" Subalit, hindi man lang siya huminto na parang walang naririnig. "Oyy! Fidel! Ano bang problema?" tanong ko nang humarang ako sa harapan niya.

"Ano sa tingin mo?" suplado niyang tugon at nilagpasan ako.

"Huh?" Muli ko siyang sinundan at hinila siya sa tabi. "Anong bang problema? Bakit ba nagsu-suplado ka na naman?"

"At talagang nagtatanong ka pa, ha?"

"May nagawa ba ako? Sabihin mo, anong nagawa ko?" nakanguso kong tanong.

"Tss. 'Wag mo ngang gawin 'yan!"

"Ha? 'Wag gawin ang alin?" clueless kong tanong.

"'Wag kang ngumuso at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan kita, makikita mo!" banta niya habang sa ibang direksiyon nakatingin.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now