CHAPTER 26

1.4K 45 4
                                    

KLAY

"Thank you sa inyo, ha? Thank you sa pagbabantay at pag-aalaga sa kapatid ko kahapon. Thank you kasi sinamahan n'yo kami. Kahit na hindi n'yo naman responsibility na gawin 'yon," sabi ko sa limang lalaki nang ihatid ko sila sa labas.

"Walang anuman. Saka, kaibigan ka namin kaya dapat lang namin gawin 'to para sa isang kaibigan," nakangiting tugon ni Ken.

Kaibigan? Hindi ko alam kung kailan pa nila ako naging kaibigan. Gayo'n pa man ay sobrang thankful ako sa kanila at sa mga ginawa nila. Ngumiti na lang ako at hindi na nagsalita pa.

"Anyway, Klay. Sure ka bang, ayos lang kayong dalawa rito ng kapatid mo?" tanong ni Ivan.

"Oo naman. Ayos lang kami."

"Pero... paano kapag pupunta ka ng ospital? Kapag papasok ka sa school at papasok ka sa trabaho mo? Sino ang magbabantay at mag-aalaga sa kapatid mo?"

Sandali akong natigilan sa mga sinabi niya. Bakit ba hindi ko naisip ang bagay na 'yon? Hindi ko naman puwedeng iwanan nang mag-isa ang kapatid ko sa bahay.

"Bakit kaya... hindi na lang muna kayo mag-stay sa amin?" suhestiyon niya na medyo ikinagulat ko.

"H-Hindi na! Nakakahiya..."

"Puwede rin sa bahay namin!" sabad naman ni Ken. "Mabait ang parents ko kaya for sure ayos lang sa kanila kung do'n muna kayo mag-s-stay."

"Sa amin din, walang problema kung doon muna kayo mananatili," ani naman ni Fritz.

"Okay lang din kung sa amin. For sure, matutuwa si Ate Riyah kapag nandoon ang kapatid mo," Zach said.

Napakunot na lamang ako ng noo hanggang sa dumapo ang tingin nila kay Fidel na hindi man lang nagsasalita. Tumingin siya sa amin habang nagtatanong ang mga mata.

"Well, bakit hindi na lang natin tanungin ang kapatid niya kung kanino niya gustong mag-stay? What do you think?" mungkahi niya.

"That's a great idea! Mas maganda nga kung si Kalvin mismo ang magde-decide kung kaninong bahay niya gustong mag-stay," pagsang-ayon ni Ivan.

Hindi ako nakapagsalita. Napabuntong-hininga na lamang ako. Wala na akong nagawa kundi ang papasukin ulit sila sa loob ng bahay namin. Tinawag ko naman si Kalvin na nasa kuwarto at ngayon ay kaharap niyang muli ang mga iniidolo niya.

"Kalvin, ano kasi... 'Di ba, matatagalan bago makauwi si Mama?" Tumango naman siya. "Wala kasing magbabantay at mag-aalaga sa 'yo kapag nasa trabaho ako. Kaya sa iba ka na muna mag-i-stay, ha?"

"Saan naman po, Ate?"

"'Yon na nga, ahm... Kailangan mo kasing pumili sa kanila kung kanino mo gustong mag-stay." Sinulyapan ko ang limang lalaki at nakangiti ito ngayon sa kapatid ko maliban lang kay Fidel na uso na siguro sa kaniya ang mag-poker-face. "Puwede kay Kuya Ivan mo, masarap magluto ang mga magulang niya kaya siguradong marami kang makakain na masasarap na pagkain doon. Puwede rin naman kay Kuya Ken mo, ayos lang sa kanila pati na kay Kuya Fritz at kuya Zach mo. Walang problema kung kanino mo gustong mag-stay muna. Puwede rin kina Fi—"

"Kay Kuya Xander!"

"H-Ha?"

"Kay Kuya Xander ko gustong mag-stay, Ate!" natutuwang sambit niya.

Kay Fidel? Hindi maaari!

"Kalvin... S-Sigurado ka ba riyan? Puwede naman kina Kuya Ivan mo, kay Kuya Ken mo, kay Kuya Zach, at kay Kuya Fritz mo," pangungumbinsi ko.

Ayos lang sa akin kahit na kanino sa apat pero kay Fidel? Hindi puwede. Hindi ako papayag! No way!

"Ate, gusto ko po kina Kuya Xander," nakanguso niyang saad.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now