CHAPTER 44

1K 45 18
                                    

KLAY

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang puting kisame. Ramdam kong nakahiga ako ngayon sa isang malambot na kama, at sigurado akong wala ako sa kuwarto ko dahil hindi naman ganito kalambot ang kama ko. Iginala ko ang mga mata ko at doon ko nakumpirma na nasa kuwarto pa rin ako ni Fidel.

Ngunit, bakit ako nakahiga rito? Bakit nandito pa ako? Bakit may bimpo sa noo ko? Ano bang nangyari?

Inalala ko ang nangyari at ang natatandaan ko lang ay inutusan ako ni Fidel para tawagin si Nanang Gloria, kaya lang nawalan ako ng malay.

Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at naupo. Nasaan kaya si Fidel? Tumingin ako sa wall clock at na-shock ako nang makita ko kung anong oras na.

"Alas dos na ng madaling araw?! Naku! Kailangan ko nang umuwi! Paniguradong nag-aalala na si Mama sa 'kin!"

Babangon na sana ako sa kama nang bigla namang bumukas ang pinto at pumasok si Fidel. Nang makita ko siya ay agad kong iniwas ang mga mata ko dahil may naalala ako bigla. Napanaginipan ko kasi siya, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa panaginip ko o ano, e. Kasi maski sa panaginip ko ay ninakawan niya ako ng halik. Parang totoo rin kasi 'yong panaginip ko... Nakakakilabot.

"Gising ka na pala. How are you feeling?" he asked as he sat down next to mine. Nailang tuloy ako.

"O-Okay naman na ako," simpleng sagot ko. Medyo nanghihina pa ako pero hindi na katulad kahapon.

"By the way, I already told your mother about what happened. 'Wag kang mag-alala kasi alam niyang nandito ka. Bukas na bukas din, ihahatid kita sa inyo."

"Puwede bang si Mang Dodong na lang ang maghatid sa akin bukas pauwi?" suhestiyon ko habang nakayuko pa rin.

"Uh... Sure. Kung 'yan ang gusto mo, walang problema. Anyway, may kailangan ka ba? Nagugutom ka ba? Water? Sabihin mo lang sa 'kin kung anong kailangan mo." Sa tono ng pananalita niya ngayon, aakalain mong mabait siya. Pero hindi ko pa rin nakakalimutan 'yong ginawa niya sa akin.

I shook my head. "Wala. Okay lang ako."

Nabalot kami ng katahimikan at walang sumubok na magsalita. Ilang minuto rin ang lumipas, hanggang sa siya na mismo ang bumasag sa katahimikan na bumalot sa amin.

"May ibibigay nga pala ako sa 'yo," wika niya kaya pasimple ko siyang tiningnan para sipatin kung ano ang ibibigay niya na siyang kinukuha niya mula sa bulsa ng pants niya. "Ito.."

Bahadyang namilog ang mga mata ko nang makita ko ang panyong hawak niya. Paano napunta sa kaniya ang panyo ko?

"I guess, sa 'yo 'to. Tama ba ako?" tanong niya pero hindi ako nakasagot at napakurap lamang. "Klay... Why did you lie to me?"

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Nandito na naman ako sa posisyon kung saan tinititigan ang mga malalamlam niyang mga mata na parang may gustong ipabatid. Pero ano raw? Lie? Anong sinasabi niya?

"I already know the truth, Klay. Alam kong nagpunta ka sa botanical garden. So, now tell me. Kung bakit nagsinungaling ka at sinabi mo sa 'kin na hindi ka pumunta?"

Natigilan ako sa mga sinabi niya. Paano? Paano niya nalaman ang totoo? Paano niya nalaman na nagpunta ako ro'n?

"Gusto kong malaman kung bakit hindi mo sinabi sa akin ang totoo, Klay. Galit ka ba sa akin? Well, I'm sorry..."

Napapalunok na lang ako habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya. Wala rin kasing salita ang nais kumawala mula sa bibig ko.

"To tell you the truth... Nagpunta rin ako ro'n, Klay. Hinintay kita, but something urgent came up. Kaya umalis ako sandali. Sinubukan din kitang tawagan pero hindi kita makontak kaya bumalik ako sa pinag-usapan nating lugar. Bumalik ako, Klay... Hinanap kita ro'n, kasi nagbabakasakali ako na baka nando'n ka pa. Hanggang sa nakita ko 'tong panyo na 'to sa bench..."

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon