CHAPTER 54

890 37 1
                                    

KLAY

Habang nagse-serve sa mga customers ay nagawi ang mga mata ko sa mga babaeng kakapasok lang. Tatlong babae iyon na halos kinulang sa tela ang mga suot at nakilala ko ang isa sa kanila. Si Hannah! Kaya dagli kong iniwas ang tingin.

Bumalik ako sa counter at bahagya ko pang ibinaba ang suot kong cap para hindi nila ako makita o makilala.

"Sa dami ng café, dito pa talaga nagpunta ang bruhang 'yan? Saka, sino 'yang mga kasama niya? Bagong alipores?" dinig kong anas ni Kelly na tumabi sa akin habang nakatingin kina Hannah na ngayon ay nagtatawanan.

Hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Kelly at nag-serve na lang ulit sa iba pang costumers na sakto namang malapit lang sa table kung saan nakaupo sina Hannah.

"Enjoy your drinks and food, ma'am," nakangiting wika ko ro'n sa customer at tumalikod na para sana bumalik sa counter nang biglang may tumawag sa akin.

"Klay?" Napalunok ako nang marinig ko ang boses ni Hannah. Mukhang nakilala niya yata ako. "Is that you?" tanong niya pero nanatili akong nakatalikod lang at nakatayo. "Hey! Excuse me?"

Bumuntong-hininga muna ako bago ako dahan-dahan na humarap sa kanila at lumapit sa table nila.

"Yes?" nakangiti kong tanong sa kaniya.

Bakas naman sa mukha niya ang gulat. "Ikaw nga. So, kinareer mo na talaga ang paglandi kay Zach at dito ka nag-work? Sa café mismo ng ate niya?" panunuyang sabi niya.

"Excuse me, matagal na akong nagta-trabaho rito bago ko pa malaman na kapatid ni Zach ang may-ari nito," sagot ko.

Tumaas ang isang kilay niya. "Really?"

"Wait, kilala mo ba siya?" biglang tanong no'ng isang babaeng kasama niya na maiksi ang buhok.

"Yeah. She's one of the los—"

"Klay!"

Hindi naituloy ang sasabihin sana ni Hannah na pang-iinsulto sa akin nang tawagin ako ni Kelly.

"Tawag ka ni Ms. Riyah. Ako na ang bahala rito," nakangiting saad niya sa akin. Naintindihan ko ang sinabi niya kaya tumango lang ako.

Bago ako umalis ay napansin ko ang gulat sa mukha ni Hannah nang makita niya rin si Kelly. Alam ko naman na hindi talaga ako pinapatawag ni Ms. Riyah. Gusto lang talaga akong isalba ni Kelly mula ro'n kay Hannah. Okay na rin siguro. Kapag nakikita ko kasi si Hannah, naaalala ko si Fidel at 'yong mga lampungan nila.

Nagtungo ako sa washroom para pakalmahin ang sarili. Hindi naman ako natatakot kay Hannah, sadyang gusto ko lang talagang umiwas sa gulo. Isa pa, marami na siyang atraso sa akin.

Hindi nagtagal ay lumabas na rin ako ng washroom at pinuntahan si Kelly. Nakita ko naman siyang nasa table nina Hannah. Pero napansin kong iyong dalawang babae na lang ang kausap niya at wala na si Hannah. Lalapitan ko na sana sila kaso bigla na lang tumakbo si Kelly palabas ng café na siyang pinagtakhan ko.

Anong nangyayari?

Nilapitan ko 'yong dalawang babae at nagtanong, "Anong nangyayari dito?"

"Ang Hannah na 'yon! Napaka-plastic niya! Ang sabi niya siya ang magbabayad ng lahat ng 'to tapos bigla niya na lang kaming iniwan!" mangiyak-ngiyak na bulalas ng isang babaeng maiksi ang buhok.

"Ang akala ko pa naman napatawad na niya tayo. Paano na 'yan? Wala pa naman tayong pera huhu," nakayukong usal naman no'ng isa pa.

Napasulyap ako sa labas ng café at nagmadaling lumabas para sundan si Kelly. Nakita ko naman siyang hinahabol ang isang kotse na kadadaan lang sa harapan ko.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon