CHAPTER 11

3.9K 80 1
                                    

KLAY

"Ken?!"

Isang lalaki ang nakatayo ngayon sa gilid ko habang ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng kaniyang pants.

"Ako nga," nakangiti nitong tugon. Mula sa pagkakatayo ay umupo ito sa tabi ko. Hinanda ko naman ang mga paa ko para tumakbo.

Hindi ko magawang alisin sa kaniya ang gulat kong mga mata dahil para bang na-estatwa na ako sa posisyon ko ngayon.

"If you're planning to run off from me, I advise you not to. You looked exhausted, though," aniya dahilan upang mas mapako ako sa kinauupuan ko.

Sa wakas ay nagawa ko na ring ibaling sa iba ang tingin ko. Gustuhin ko man na tumakbo ay tama ang sinabi niya, pagod na nga ako dahil sa pagtakbo ko kanina.

Humugot ako ng isang malalim na buntong-hininga. Hindi ko akalain na sa kabila nang pag-iwas ko sa kanila ay mauuwi rin pala sa ganitong sitwasyon. Kung saan katabi ko ang isa sa kanila.

"So, would you mind telling me why you are fleeing from us?" tanong nito. "Just like what you said, you seem like a criminal fugitating from police men. Meaning to say, we are the police?" natatawa pa nitong dagdag.

Napalunok ako bago nagsalita. "H-Hindi kita ma-gets," utal na tugon ko. Alam ko ang sinasabi niya kaya lang hindi ko alam kung paano ba ako magre-response sa kaniya. Knowing na alam niya palang sila ang tinatakasan ko. Pakiramdam ko tuloy, nag-umapaw ang kahihiyan sa buong katawan ko.

"I saw you kanina sa bench, hiding with a book. I thought, iba ang iniiwasan mo. Pero no'ng nakita kita sa library, nakita ko kung paano mo iniwasan si Ivan, kaya naman sinundan kita."

Nandoon din siya kanina sa library?

"At no'ng makita mo 'ko, doon ko na-confirm na kami nga ang iniiwasan mo. Puwede mo bang sabihin sa akin kung bakit?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Para akong naubusan ng mga salita kaya walang kahit na anong lumalabas mula sa bibig ko.

"Uhm..." Nag-isip ako ng puwede kong gawing dahilan, ngunit kahit anong gawin ko ay wala naman akong maisip kaya wala na akong choice. "... Kasi gusto kong umiwas sa gulo," pagsasabi ko ng totoo.

"Gulo? What do you mean?"

Tiningnan ko siya. "Alam n'yo bang marami na ang galit sa amin ng mga kaibigan ko dahil do'n sa panonood namin ng private practice niyo? Ang dami ring issues na kung ano-ano na naririnig ko. At dahil 'yon sa inyo."

Umawang ang bibig niya pero walang lumabas na salita, tila ba natigilan ito. "Well, gano'n naman kasi talaga. Not to brag pero sikat kami, kilala kami. Kaya hindi talaga maiiwasan—"

"'Yon na nga, eh. Sikat kayo kaya maraming nakakakilala sa inyo, at kami? Mga ordinaryong estudyante lang naman kami tapos ngayon dahil sa inyo, kami 'tong napapasama," putol ko sa kaniya.

"Okay, okay. Just relax. I understand your point, Klay." Sumilay ang isang ngiti sa mga labi niya. Ngayong nakaharap ang mukha ko sa kaniya ay hindi ko maiwasan na hindi siya titigan. Ang guwapo nga niya. Ang amo ng mukha niya.

Agad kong iniwas ang mukha ko nang ma-realize ko kung ano ang mga naisip ko. Jusme naman, Klay!

"Pero... kailangan ba talagang iwasan mo kami? We did nothing wrong, right?"

Kayo, wala. Pero ang isa sa inyo, meron.

"Or... Is it because of Xander?" tanong niya at hindi ko nagawang sumagot. "Am I right? Galit ka sa kaniya dahil sa hindi naging maganda ang pagkakakilala ninyo sa isa't isa. But was it unfair that you will also avoid the rest of us, wasn't it?"

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon