CHAPTER 34

1.1K 45 9
                                    

KLAY

After ng class ay inilagay ko ang mga gamit ko sa loob ng bag ko at lumabas ng classroom. Habang naglalakad sa hallway ay naisip kong sa library muna siguro ako magtutungo.

"Miss, sandali!"

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad nang biglang may lalaking humarang sa harap ko. "Ikaw ba si Klay?" Hinihingal na tanong niya.

Tinitigan ko siya at pilit inalala kung kilala ko ba siya, ngunit hindi talaga siya pamilyar sa akin. "Oo. Ako nga si Klay. Bakit?"

"Here." May ibinigay siyang isang maliit na note sa akin. "May nagpapabigay sa 'yo. Sige, mauna na ako."

Tiningnan ko ang note na binigay niya at binasa.

At 4 p.m. in the gym storage room.

"Huh? Kanino naman gali—" Tatanungin ko sana ang lalaki pero wala na ito sa harapan ko. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid, ngunit hindi ko na talaga siya nakita.

Nagtataka namang binasa ko ulit ang note. Ano naman kaya ang ibig sabihin nito? Para kaya talaga sa akin 'to? Baka naman nagkamali lang 'yong lalaki kanina?

Inipit ko na lang ang maliit na note sa librong hawak ko at nagpatuloy na sa library. Naghanap ako ng libro sa bookshelves at naupo.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagbabasa nang maalala ko 'yong note na binigay sa akin no'ng lalaki kanina. Binuklat ko ang libro na pinag-ipitan ko kanina at kinuha iyong note.

"At 4 p.m. in the gym storage room..."

Talaga nga kayang para sa akin 'to? Pero hindi naman siguro sa akin ibibigay ito no'ng lalaki kung hindi talaga sa akin ipinabibigay. Saka binanggit naman niya ang pangalan ko. Kaya lang, paano kung kapangalan ko lang pala 'yong talagang pagbibigyan nito?

"Sino naman kaya ang nagpapabigay sa akin nito?" Tinitigan ko nang maayos iyong note at nagbakasakali na baka may makita ako para masiguro kung para sa akin nga talaga ito. Until tingnan ko ang likuran no'n at may initial na nakasulat doon.

K.B.S.

"KBS? KBS... Ano naman ang ibig sabihin nito? Hays, ang misteryoso naman nito. Bakit hindi man lang nilagyan ng pangalan para masiguro—"

Teka...

KBS? Puwede kayang...

Klay
Barbara
Sanchez

"Para sa akin nga 'to. Pero kanino naman galing? Saka, ano namang meron sa gym storage room?"

Sinilip ko ang wrist watch ko at 3:05 p.m. pa lang. I still have fifty-five minutes before 4 p.m. Wala na rin akong klase. At wala naman sigurong masama kung pupunta ako ro'n.

Inilaan ko ang natitirang oras ko sa pagbabasa at minsan ay sinisilip-silip ko ang relos ko para i-check ang oras. Hanggang sa malapit nang mag-4 p.m. kaya naman umalis na ako ng library at nagtungo sa gym.

Noong nasa tapat na ako ng pinto ng storage room ay nag-isip muna ako kung dapat ba akong pumasok. Naalala ko kasi dati no'ng ni-lock kami ni Zach dito ni Jaina. Ano naman kaya ngayon?

Muli kong binasa 'yong note na siyang hawak ko ngayon. Wala naman sigurong masama kung aalamin ko kung anong meron. Isa pa, curious din ako.

Hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahan iyon na binuksan. Pumasok ako sa loob at isinara ang pinto. Hindi tulad noon, ngayon ay nakabukas ang ilaw rito. Dahan-dahan akong humakbang habang iginagala ang mga mata ko sa paligid nang napansin ko ang isang lalaking nakahiga sa isang mahabang upuan.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now