CHAPTER 81

757 27 15
                                    

KLAY

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko nang makarinig ako ng ingay. Una kong napansin na para bang nakahubad ako kaya naman nagtaka ako. Nang silipin ko ang katawan ko na natatakpan ng kumot, damit-panloob na lang ang suot ko.

Naramdaman kong may gumalaw sa tabi ko kaya napalingon ako at mabilis na napabangon paupo nang tumambad sa akin si Ivan na halata mong kagigising lang din dahil sa pumupungay nitong mga mata.

"Klay..."

Nakaramdam ako ng kaba sa loob ko nang marinig ko ang boses ni Kelly. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o talagang boses ni Kelly 'yon?

Lumingon si Ivan sa gawing pinto kaya dahan-dahan kong iginalaw ang ulo ko para tumingin din sa direksiyon na 'yon...

Umawang nang bahagya ang bibig ko. Nagsimula na ring kumabog nang mabilis ang puso ko dahil sa kaba nang makita ko sina Jaina at Kelly sa labas ng pintuan. Hindi lang sila dahil nandito rin sina Zach, Ken, Fritz, at Fidel.

"Fidel," gulat at kinakabahan kong usal habang nakatitig ako sa mukha niyang walang emosyon. Ilang segundo ang lumipas nang mapansin ko ang pagkuyom ng mga kamao niya. Nagtiim din ang bagang nito.

Gusto kong isipin na panaginip lang ito at hindi ito totoo. Hindi maaari na nandito sila habang nasa ganitong kalagayan kami ni Ivan.

Ilang sandali pa ay bigla na lamang umalis si Fidel na walang ano mang salita. Gano'n din sina Zach. Naiwan naman sina Kelly at Jaina habang may gulat pa ring reaksiyon.

"Hihintayin ka namin sa labas," ani Kelly bago siya umalis. Sumunod naman sa kaniya si Jaina.

Gusto ko na lamang maglaho ngayon dahil sa kaba at kahihiyan na nararamdaman ko. Paano nangyari 'to?

"Klay, I'm sorry." Napalingon ako kay Ivan nang bigla siyang magsalita.

"M-May nangyari ba sa 'tin?" kinakabahan kong tanong at umaasa ako na sana ang isasagot niya ay 'wala'.

"Oo."

Pakiramdam ko ay nalaglag ang puso ko nang marinig ko ang sagot niya at para rin akong maiiyak. Hindi maaari...

"Nasaan ang mga damit ko?" kalmado kong tanong. Pag-iiba ko sa usapan.

"Klay—"

"Nasaan ang mga damit ko?!" tanong kong muli sa bahagyang mataas na boses.

Tumayo naman ito at nagtungo sa kung saan. Iniwas ko ang mga mata ko sa kaniya sa kadahilanang boxer lang ang suot nito. Hindi naman nagtagal ay bumalik ito dala ang mga damit ko.

"Natapunan ka kasi ng alak—"

"Akin na!" Kinuha ko sa kaniya ang mga damit ko at nagsimulang magbihis. Hindi ko na naisip na nandiyan siya dahil napansin ko rin naman ang pag-iwas niya ng tingin habang isinusuot ko ang mga damit ko. Matapos kong magbihis ay nagtungo ako sa pintuan.

"Klay! I'm sorry... Pero hindi ko pinagsisisihan ang nangyari sa atin."

Napahinto ako sa sinabi niya. Subalit, hindi ko na lamang iyon pinansin at dagli akong lumabas para habulin sina Fidel. Muntikan pa akong matumba dahil sa pagkahilo pero nagawa ko pa ring makalabas.

Paglabas ko ay bumungad sa akin ang madilim na kalangitan. Isang kotse na lang din ang nakita ko at nasa labas no'n sina Jaina at Kelly.

Mukhang nakaalis na sina Fidel. Hindi ko man lang siya naabutan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mga luhang nagbabadya.

"Klay. Tara na. Ihahatid ka na lang namin pauwi," yaya sa akin ni Kelly.

"Klay!" Nilingon ko si Ivan na kalalabas lang. Hindi tulad kanina, ngayon ay may suot na itong damit. "Ang gamit mo."

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now