CHAPTER 06

2.2K 59 2
                                    

KLAY

Tulad nga ng paalam ko kay Ms. Riyah ay ilang araw akong absent sa café. Hindi ko alam kung kailan ba makakauwi si Mama, ayoko sanang patagalin dahil baka isipin ni Ms. Riyah na inaabuso ko ang kabaitan niya. Pero sa ngayon, wala akong choice kundi ang umuwi agad para masamahan ko ang kapatid ko. Babawi nalang siguro ako kay Ms. Riyah next time.

"Nasaan ba kasi si Jaina? Kanina pa natin siya hinahanap hindi naman natin siya makita," nababagot na atungal ni Kelly. Kanina pa kasi kami paikot-ikot dito sa loob ng university para hanapin ang kaibigan namin. Hindi rin naman kasi namin siya makontak.

"Hanapin na lang natin. Baka nasa library?" hindi siguradong suhestiyon ko.

"Eh, hindi naman mahilig sa library 'yon eh," mabilis na kontra ni Kelly. Mukhang pagod na siya kakalakad base na rin sa hitsura niya ngayon.

"Sige, pahinga na muna tayo. Mamaya na lang natin siya hanapin," saad ko at tumango naman siya. Naghanap kami ng bench na puwede naming maupuan at nang may makita kami ay naglakad kami papunta ro'n.

"Bagay 'yan sa 'yo!"

Nagkatinginan kami ni Kelly at sabay na napalingon kung saan banda namin narinig ang sigaw na iyon.

"Anong meron do'n? Mukhang may gulo, ah." Naningkit ang mga mata ni Kelly habang nakatingin sa direksiyon kung saan may mga estudyante na animo'y nanonood ng shooting.

"Mukhang may binubully na naman. Tss." Napailing-iling ako nang matanaw ko ang isang babaeng nakatalikod at mukhang may babae rin sa harapan niya na siyang binubully niya. Hindi man siya humarap alam kong si Hannah 'yon.

"Oh, teka! Saan ka naman pupunta?" tanong ni Kelly nang maglakad ako papunta roon.

"Sumunod ka na lang." Minsan nakakainis na rin talaga ang Hannah na 'yan. Palibhasa mayaman kaya sanay mang-bully. "Hoy! Tigilan mo nga 'yan!" Agad na napunta sa akin ang mga mata ng mga estudyanteng nandoon nang sumigaw ako. Sunod naman na lumingon sa akin ay si Hannah. "Bored ka ba sa buhay kaya ka nambu-bully ng iba, ha?!" sarkastiko kong asik sa kaniya.

Tumaas ang isang kilay nito at pinagkrus ang dalawang braso sa kanyang dibdib. "Who are you?" mataray nitong tanong.

"Hindi ba mayaman ka? Bakit kaya hindi ka magwaldas para naman sumaya ka? Hindi 'yong nambu-bully ka ng ibang tao." Nagtitigan kami ng mata sa mata at alam kong nasa amin ang atensiyon ng mga estudyanteng nakakakita sa amin.

"As far as I know, I don't know someone like..." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na tila ba nandidiri. "... You."

"Klay, ano ka ba? Umalis na lang tayo. 'Wag ka nang makialam," bulong sa akin ni Kelly habang hawak ang isa kong braso. Pero hindi ako katulad ng iba riyan na basta nalang susuko kaya hindi ko ginawa ang gusto niya.

"Oh! So, Klay pala ang name mo? Wait!... OMG!" Umasta itong parang gulat na gulat. Ang arte ha? "Ikaw 'yong babaeng natamaan ng bola sa gym, 'di ba?" natatawa nitong tanong na siyang sinabayan din ng pagtawa ng ilan sa mga nanonood sa amin.

Pakiramdam ko may biglang kumulo sa loob ko kaya naman sandali kong ipinikit ang mga mata ko at bumuntong-hininga. "Oo. Ako nga 'yon. At binato ko rin ng bola 'yong nakatama sa 'kin. Gusto mo bang ma-try?"

"Owss!" dinig kong reaksiyon ng ibang mga nakikichismis sa amin. Mga walang magawa. Tsk.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Kelly sa braso ko. Hindi ko iyon pinansin at buo kong ipinukol ang atensiyon ko sa babaeng kaharap ko ngayon na ang kaninang nang-aasar na hitsura ay napalitan ng gigil.

"I'm telling you this. You better not meddling with my business, not unless you also want to be part of it," mariin nitong sabi na may kasama pang pagngisi. Bigla tuloy akong may naalala sa sinabi niya. Pareho lang sila no'ng Fidel na 'yon, puro pagbabanta.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now