CHAPTER 39

1.1K 51 12
                                    

KLAY

Sunod na pinuntahan namin ay sa shoe store. Hindi na ako nagtanong kung bakit kami nagpunta rito dahil halata namang may bibilhin siya rito.

Sinalubong kami ng isang saleslady at nakasunod na lang ako sa kanila habang nag-uusap sila. Grabe talaga ang mga mayayaman, hilig magwaldas ng pera.

"Ito po, sir. Tingin ko, bagay po 'to sa kaniya," sabi no'ng saleslady habang ipinapakita sa amin 'yong mga iba't ibang high heels.

Bibili niyan si Fidel? Para kanino? Wala naman siyang girlfriend na pagbibigyan, ah?

"Okay. Let her try that on."

Gumuhit ang pagtataka sa mukha ko nang tumingin sa mga paa ko si Fidel. Sana lang mali ang iniisip ko...

"Ito po, sir." Ibinigay sa kaniya ang dalawang pares na color black na high heels.

Bigla niya akong hinawakan sa kamay at kinaladkad paupo sa isang upuan na siyang ikinagulat ko. Iniluhod niya ang isang tuhod sa sahig sa tapat ko.

"Te-Teka! Ano 'to?" takang tanong ko. "'Wag mo sabihin sa akin na... ipapasuot mo sa 'kin 'yan?" tanong ko na ang tinutukoy ko ay 'yong high heels na pinili niya. "Hindi puwede!" agad kong tanggi.

"Can't you see yourself? You're wearing a dress along with those rubber shoes?" untag ni Fidel.

Napatingin naman ako sa suot kong rubber shoes. Alam kong hindi bagay sa dress ang rubber shoes pero ayoko mag-suot ng heels. Hindi ako sanay.

Napaigtad ako nang sinimulan niyang tanggalin 'yong sintas ng sapatos ko. Aangal pa sana ako pero sinamaan niya ako ng tingin kaya wala na akong nagawa.

Kinuha niya ang isang pares no'ng heels at isinukat iyon sa akin. Hindi ko maipaliwanag pero para akong nakukuryente sa bawat paghawak niya sa paa ko. Hindi lang siguro ako sanay na may lalaking magsu-suot sa akin ng sapatos, at si Fidel pa talaga.

Sunod niyang tinanggal ang sintas no'ng isa ko pang sapatos. "A-Ako na!" prisinta ko.

"Just stay still, will you?" masungit nitong turan kaya hinayaan ko na lang siya hanggang sa matanggal niya ang isang sapatos ko. Isinuot niya sa akin 'yong isa pang pares ng heels.

"Ang sweet n'yo naman po sa girlfriend ninyo, sir," biglang wika no'ng saleslady na nanonood lang sa amin.

"Ah, hindi niya po ako—"

"Puwede mo bang ipasukat sa kaniya 'yong iba pang pares?" tanong ni Fidel do'n sa saleslady nang tumayo siya. Hindi man lang siya nag-react do'n sa sinabi no'ng saleslady kanina.

"Okay po, sir."

Pinatayo ako ni Fidel at sinubukang palakarin para tingnan kung bagay ba sa akin 'yong isinuot niya sa akin na heels. Medyo kinabahan pa ako kasi hindi naman ako sanay na magsuot ng mga takong. Sinubukan kong ihakbang ang mga paa ko. Siyempre, dahan-dahan lang dahil baka mamaya bigla akong matapilok o matumba.

Sinulyapan ko si Fidel at nakatingin lang ito sa akin habang nakahawak sa chin niya. Mukhang in-e-examine niya ako at 'yong heels na suot ko.

Dumating ang saleslady na dala 'yong iba pang pares ng high heels. Si Fidel ulit sana ang magsusuot sa akin, ngunit hindi na ako pumayag at ako na mismo ang sumukat no'ng mga heels. Naiilang lang kasi talaga ako sa kaniya, especially kapag hinahawakan niya ako.

Ending ay binili ni Fidel ang limang pares ng heels, habang suot-suot ko ngayon 'yong itim na unang pinasukat niya sa akin. Umalma pa ako no'ng una na 'wag niya nang bilhin lahat no'ng mga sinukat ko, pero dahil PA niya lang ako, siya pa rin ang nasunod.

My Red Flag Enemyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن