CHAPTER 69

924 39 4
                                    

BERNICE

-
{ FLASHBACK }

Habang naglilinis ay kinapa ko ang cellphone sa bulsa ng uniform ko pero wala akong nakapa. Kaya sinubukan ko iyong hanapin sa mga lugar dito sa mansyon na napuntahan ko kanina. Pero hindi ko pa rin iyon nakikita.

Nadidismaya ako sa sarili ko ngayon. Baka mamaya ay naiwala ko na ang cellphone na iyon. Hindi maaari dahil regalo iyon sa akin ni Klay. Noong aksidenteng nailaglag at nasira ni Ma'am Demi ang cellphone ko ay sinubukan ko nang ingatan ang cellphone na ibinigay sa akin ni Klay. Tapos ngayon, mawawala naman?

Muli akong naghanap sa iba't ibang area ng mansyon. Nagtanong-tanong na rin ako sa iba ko pang mga kasama ngunit wala rin silang napansin.

"Is this what you are looking for?"

Nakarinig ako ng isang pamilyar na boses mula sa likuran ko kaya naman hinarap ko iyon. Napangiti ako nang makita kong hawak niya ang cellphone ko.

"Oo ito nga 'yon." Natutuwang kinuha ko mula sa kaniya ang cellphone ko. "Salam—" Natigilan ako at medyo nanlaki ang mga mata nang makita na ang babaeng kaharap ko ngayon ay ang kaibigan ng anak ko. "T-Teka, kaibigan ka ni Klay, 'di ba? Ikaw si Jaina? Tama ba ako?" tanong ko sa kaniya.

Tumango-tango siya. "Tama po kayo. Ako nga po," nakangiti niyang sagot.

"A-Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko sa kaniya. Nakakagulat kasi na bigla ko siyang nakita dito.

"Hays. Kung noon ko pa lang po nalaman na dito po pala kayo nagta-trabaho, eh 'di sana mas nakakausap ko po kayo ng madalas. Sorry po ngayon ko lang po nalaman."

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong sa kaniya dahil sa mga sinabi niya. Hindi siya sumagot kundi ngumiti lamang kaya muling namilog ang mga mata ko nang may mapagtanto. "T-Teka, ikaw ba 'yong anak ni Mr. Angeles?"

Tumango naman siya. "Opo. Ako po si Jaina Angeles," nakangiti niyang sagot.

Si Mr. Angeles ay ang amo kong lalaki na siyang kinakasama ni Ma'am Demi. Bihira ko lang siyang makita lalo na at puro trabaho ang inaatupag. Si Ma'am Demi lang ang madalas kong makita at makasalamuha, pati ang anak niyang si Hannah ngunit mabibilang lang sa daliri kung ilang beses ko pa lang siyang nakikita. Subalit, ni minsan ay hindi ko pa nakita ang anak ni Mr. Angeles na babae. Siguro ay dahil malaki itong mansyon, puwede rin na minsan ay umaalis siya ng maaga at uuwi naman siya kapag nakauwi na ako sa bahay.

Kaya hindi ako makapaniwala na ang kaibigan ng anak kong si Klay ang siyang anak pala ni Mr. Angeles.

"Hindi pa rin ako makapaniwala na ikaw pala 'yong anak ni Mr. Angeles. Hindi pa naman kasi kita nakikita e," turan ko nang yayain niya akong maupo sa mesa.

"Pasensiya na po kayo. Sa dami po ng katulong dito, hindi ko na rin po kayo nakilala," aniya. "Kumusta naman po kayo rito? Hindi naman po ba kayo pinapahirapan ni Tita Demi?"

"Hindi naman gaano. Isa pa, kung nahihirapan man ako ay parte lang iyon ng trabaho ko," sagot ko sa kaniya.

"Kapag pinahirapan po kayo ni Tita Demi at ng anak niyang spoiled brat, sabihin n'yo lang po sa akin. Isusumbong ko po sila kay Daddy."

"Naku, hindi naman na kailangan. Maayos lang naman ako sa trabaho ko. Salamat, Jaina."

"You're welcome po. Anyway, may gusto po sana akong sabihin sa inyo. About po sana kay Klay."

"Kay Klay? Anong tungkol sa kaniya?"

"Ahm... Hindi ko alam kung may karapatan po ba akong sabihin sa inyo. Kaya lang po, naisip kong dapat ninyo pong malaman. Isa pa po, I'm really worried about her."

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon