CHAPTER 31

1.3K 40 5
                                    

KLAY

Kinabukasan ay tinotoo nga ni Fidel ang sinabi niya na 'my house, my rules' dahil hindi talaga ako nakapasok sa school kasi pinabantayan ako kay Nanang Gloria!

Ano bang akala niya sa akin? Isang batang paslit? Batang ka-edad lang ni Kalvin para pabantayan? Naiilang tuloy ako kasi kahit saan ako magpunta rito sa loob ng bahay ay sinusundan ako ni Nanang Gloria. Utos daw sa kaniya ni Fidel na bantayan ako dahil baka bigla raw akong tumakas. Like, seriously?

"Nanang Gloria, wala po ba kayong ibang gagawin? Talaga po bang babantayan n’yo lang po ako?" tanong ko kay Nanang Gloria na katabi ko ngayon sa sofa.

Ngumiti naman ito sa akin. "Pasensiya ka na, hija. Utos ni Xander na bantayan kita. Puwede mo namang gawin ang gusto mo, Miss Klay. Isipin mo na lang na wala ako."

"Eeehh, Nanang Gloria naman. Hindi naman na po ako bata, e. Saka, wala naman po rito si Fidel kaya hindi niya po kayo makikita."

"Miss Klay, nag-aalala lang naman siya sa 'yo. Injured ang braso mo, baka mamaya mapaano ka pa."

"Nanang Gloria, hindi naman po ako tatakas. Isa pa, ayos lang naman po ako. Ayos lang po 'tong braso ko malayo sa bituka."

Kanina pa ako bored na bored dito sa malaking bahay na 'to. Sana pala pumasok na lang ako. Hindi kasi ako mapakali kasi kung itrato ako ni Nanang Gloria ay para akong prinsesa. Haist...

"Klay!"

Napalingon kami sa biglang dumating. "Kelly!" Agad akong tumayo at sinalubong siya ng yakap. "Anong ginagawa mo rito?" natutuwang tanong ko.

"Nag-alala kasi ako sa 'yo dahil hindi ka pumasok. Hindi mo rin sinasagot 'yong mga text at tawag ko," nakasimangot niyang sagot.

"Pasensiya na. Nasa taas kasi 'yong cellphone ko. At saka, malay ko bang ite-text mo 'ko at tatawagan."

"Natural, 'no! Mabuti na lang at sinabi sa akin ni Fritz lahat, kaya nagpasama ako sa kaniya rito para dalawin ka."

Sinulyapan ko ang lalaking nasa likod niya na hindi ko man lang napansin na may kasama pala siya.

"Hi, Klay! Kumusta ka?" nakangiting bati niya sa 'kin.

Err... Cute.

"Kumusta ang braso mo?" tanong naman ni Kelly na ngayon ay nag-aalalang nakatingin sa braso kong may cast. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na injured pala ang braso mo? Kaya naman pala kahapon parang may iniinda kang sakit."

"Ayoko lang kasi na mag-alala ka. Maayos na rin naman ako. Ayos lang 'yong braso ko. Hindi naman malala," tugon ko.

"Kahit na! Sana sinabi mo pa rin sa 'kin ang tungkol diyan sa braso mo. At sana sinabi mo rin sa akin 'yong ginawa no'ng bruhang Hannah na 'yon!" sermon niya sa akin sa galit na reaksiyon. Bigla ko tuloy naalala 'yong panenermon din sa akin ni Fidel kagabi.

"Kumalma ka nga, Kelly. Mabuti at nagpunta ka rito. Kung alam mo lang, kanina pa ako bored na bored dito. Nasaan nga pala si Jaina?" usisa ko nang mapansin kong wala siya.

"Ayon, nag-aalala rin siya sa 'yo, pero hindi naman siya sumama para puntahan ka kaya hindi ko na siya pinilit."

"Gano'n ba?"

"Anyway, Klay. About your injury, you now have nothing to worry about dahil napanagot na namin ang gumawa niyan sa 'yo," Fritz said.

"Ha? Napanagot? Anong ibig mong sabihin?" curious kong tanong. Sa pagkakaalam ko kasi ay wala naman akong nabanggit sa kanila about sa nangyari kahapon.

"Hannah and her friends got sanctioned. They will do community service tasks as their punishment for breaking the school rules instead of getting suspended. They were also threatened with expulsion if they continued doing the same thing to you. Kaya 'wag kang mag-alala, Klay. Hindi ka na nila masasaktan pa."

My Red Flag EnemyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt