CHAPTER 58

1.1K 59 35
                                    

KLAY

"Hindi ako nagbibiro. This time... totoo na 'to. Hindi ako nagbibiro, Klay. Totoong gusto kita, gustong-gusto kita—no... mahal kita. Mahal kita, Klay."

My heart beat fast when I heard his words. Aaminin ko, parang kiniliti ang puso ko sa mga sinabi niya. But, should I have to believe him? Nagsasabi na ba talaga siya ng totoo o isa na namang biro 'to para paasahin ako?

"T-That's impossible," I muttered.

"I know it's hard for you to believe me at this moment. Pero hindi ko na kayang magpanggap na wala akong feelings sa 'yo. Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko sa 'yo."

"No. Itigil mo 'yan," I said.

"Klay, you don't have an idea kung gaano ako nahirapan no'ng mga times na hindi mo 'ko kinausap! You don't have an idea kung anong nararamdaman ko kapag nakikita kita pero hindi kita malapitan dahil alam kong iiwasan mo lang ako at hindi mo 'ko kakausapin! Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko kapag may kasama kang iba! Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan kapag nakikita kong masaya ka sa iba!"

"Eh, bakit galit ka?!" buwelta ko dahil sa biglang pagtaas ng boses niya.

"Dahil nagseselos ako! Nagseselos ako, Klay! Mahal kita kaya ako nagagalit! Mahal kita kaya ako nagseselos! Damn! Mahirap bang paniwalaan ang mga sinasabi ko?!"

"Fidel..."

"Klay, hindi mo ba talaga napansin?! Hindi mo ba talaga naramdaman o sadyang manhid ka lang?! Alam mo bang parang pinipiga ang puso ko kapag nakikita kitang kasama mo ang mga kaibigan ko lalo na at alam kong may feelings sila sa 'yo?! Pati na rin 'yong mga taga FU na 'yon! Alam mo ba, ha?! Alam mo bang gusto ko na silang sapakin dahil naiinis ako?!"

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Natameme na rin ako dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Totoo ba 'to? O panaginip lang? Talaga bang nasa harapan ko ngayon si Fidel, umaamin na mahal niya ako at nagseselos siya?

"Totoo ba 'to? O isang panaginip lang?" out of nowhere kong tanong na nagpakunot ng noo niya.

"Damn, Klay! This is not a dream, okay?! This is real! This is fucking real!"

"Ang hirap paniwalaan, e. Puwedeng pakurot?"

"What?! Seriously?!"

"Sige na. Gusto ko lang naman makasigurado kung totoo ka. Baka mamaya imagination lang kita o hindi naman kaya panaginip."

"Tsk! Ibang klase ka talaga!"

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at inangat ko ang kanang kamay ko para kurutin ang pisngi niya. Namilog ang mga mata ko nang mahawakan ko siya. Itinaas ko rin ang isa ko pang kamay para kurutin ang isa niya pang pisngi, kaya ngayon dalawang kamay ko na ang kumukurot sa kaniya.

"Aray! Stop this, Klay!" angal niya.

Whoa. Ibig sabihin, totoo nga?! Totoo 'to, dahil nasaktan siya, e! Ibig sabihin, hindi ako nananaginip?! Jusko! Talaga bang inlababo rin sa akin ang lalaking iniirog ko?!

"S-Sorry," hingi ko ng paumanhin sa kaniya kasabay ang pagtanggal ko ng mga kamay ko sa mga pisngi niya.

"Hayst. Talaga bang mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko?" tanong niya sa boses na hindi na gano'n kalakas ngunit may bahid ng inis.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now