CHAPTER 96

728 26 4
                                    

KLAY

Nakaupo ako sa sofa habang nagbabasa ng magazine nang mapansin ko si Kuya na siyang kadarating lang. Tumayo ako at inilapag sa center table ang magazine na hawak ko.

"Oh, Kuya! Kumusta? Nagkausap na ba kayo ni Kelly?" bungad kong tanong sa kaniya. Imbes na sagutin ang tanong ko ay dumiretso lang siya para yakapin ako. "K-Kuya?" Nagtaka ako.

"Puwede bang sa susunod na kapag may nanakit sa 'yo, sabihin mo sa akin agad? At kapag nalagay ka sa kapahamakan, tawagan mo 'ko agad," seryoso niyang litanya.

"Teka nga, Kuya." Inilayo ko siya sa akin. "Ano bang problema? Ano ba 'yang mga sinasabi mo?"

Hindi niya ako sinagot at nanatili lang siyang nakatitig sa akin habang may pag-aalala sa mukha niya.

"Nagkausap na ba kayo ni Kelly?" pag-uulit ko sa tanong ko kanina.

"Anyway, yeah... We already talked," mayamaya ay sagot niya. "Sinabi na rin namin sa parents niya. Doon na sila nakatira sa bahay ng papa niya." Umupo siya sa sofa at ininom 'yong juice ko na nasa center table.

Umupo naman ako sa tabi niya at napangiti. "Hindi nasabi sa akin 'yan ni Kelly. Mabuti naman at magkasama na sila ng papa niya. Mabuti rin at nagkausap na kayo about sa pagbubuntis niya."

Kinuha ko 'yong magazine na siyang binabasa ko kanina at binuklat 'yon nang bigla akong matigilan...

Kung nakatira na sina Kelly sa bahay ng papa niya... Ibig sabihin, magkasama na sila ni Jaina sa iisang bahay?

Napalingon ako kay Kuya na ngayon ay parang may malalim na iniisip. Posible kaya na nagkita sila ni Jaina? Alam na kaya niya 'yong totoo? Kaya ba gano'n 'yong mga sinabi niya sa akin kanina?

"By the way, magpapahinga muna ako," biglang paalam niya na tinanguan ko lang. Sinundan ko siya ng tingin habang paakyat siya ng hagdan.

Bigla namang tumunog ang cellphone kong nakalapag sa center table kaya napunta roon ang atensiyon ko. I took it only to see Fidel's message.

Fidel:
Pupunta ako sa inyo.
Please, kausapin mo naman ako.

Napabuntong-hininga ako sa nabasa. Wala ba talaga siyang balak na tigilan ako? Tumayo ako at nagpunta sa kuwarto. Ayokong mag-stay pa sa sala dahil ayokong makita siya kung sakali mang pupunta siya.

Nanatili ako sa kama habang binabasa ang magazine na dinala ko mula sa living room na siya ring binabasa ko kanina. Binabantayan ko rin ang oras sa wall clock. Higit isang oras na ang lumipas pero wala pa ring kumakatok sa pinto. Kanina pa 'yong text niyang pupunta siya, wala pa ba siya?

Napatingin ako sa bintana. Tinatamad man ay kusang gumalaw ang mga paa ko para sumilip sa labas. Hindi ko nakita ang kotse niya. Ibig sabihin, wala pa siya.

Teka, bakit ko ba siya hinihintay? Tss.

Bumalik ako sa kama at sa ginagawa ko kanina. Fifteen minutes pa ang lumipas ay wala pa rin akong narinig na katok mula sa labas ng pinto. Malamang ay wala pa rin siya. Dahil kung kanina pa siya dumating, may maid nang paulit-ulit na kakatok sa pinto para kulitin ako na harapin siya. Sabagay, bakit pa nga ba siya mag-aaksaya ng oras na pumunta pa rito kung hindi ko rin naman siya haharapin? Dapat lang na huwag na siyang pumunta. Bakit pa niya sinabi na pupunta siya kung hindi naman pala? Sinungaling!

After five minutes ay nakaramdam ako ng gutom kaya naman lumabas ako ng kuwarto para magtungo sa kusina. Mas mabuti pang ikain ko na lang ito.

Habang papalapit ako sa kitchen ay may narinig akong nagtatawanan. Nagmumula iyon sa dining area kaya doon ako dumiretso.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now