CHAPTER 32

1.3K 42 8
                                    

KLAY

Lumipas ang mga araw na naging payapa ang buhay ko dahil walang Hannah o Sia na nanggulo at nang-away sa akin. Kailangan nilang bunuin ang dalawang linggong paglilinis sa campus bilang parusa nila. Hindi na rin nila ako mabu-bully dahil maaari na silang ma-expel.

Tungkol naman kay Mama. Umaayos na rin ang lagay niya. Nakatanggap din ako ng tawag mula sa nurse na nagbabantay kay Mama na nagising na raw siya. Kaya ngayon ay nakasakay ako sa taxi papunta sa ospital. Excited na akong makita si Mama dahil miss na miss ko na siya.

Pagbaba ko ng taxi ay napansin ko ang isang babae na naglalakad sa gilid ng kalsada. Kaya lang mukhang wala ito sa kaniyang sarili. Tingin ko ay kasing-edad lang siya ni Mama at hindi maikakaila na maganda siya.

Papasok na sana ako sa loob ng ospital nang bigla itong tumawid sa kalsada. Tulad kanina ay tila ba wala pa rin ito sa kaniyang sarili. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang truck na papalapit. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba kaya hindi na ako nagdalawang-isip na tumakbo palapit do'n sa babae.

"Ale, sandali!" malakas kong sigaw at nahawakan ko siya sa braso. Ngunit, parang huminto sa pagtibok ang puso ko nang makita ko ang truck na malapit na sa direksiyon namin. Para bang nanigas ako sa kinatatayuan ko at wala na akong nagawa kundi ang pumikit na lang.

HOOOOOOONNNNKKKK!

Isang malakas na pagbagsak... Isang malakas na pagbagsak ng katawan ko sa simento ang naramdaman ko. Sa pagkakataon na ito ay hindi ko magawang idilat ang mga mata ko. Hindi ko kayang buksan ang mga mata ko, sapagkat hindi ko kayang makita ang katawan kong duguan.

Napansin ko lang na namanhid yata ang katawan ko. Dulot siguro ito ng malakas na impact. O puwede ring...

This can't be! Am I already dead?!

"Miss? Miss?"

Naramdaman kong may dumampi sa pisngi ko at nakarinig ng isang boses. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang guwapong mukha.

Wait, nasa langit na ba ako?

Bakit may guwapo?

"Miss, ayos ka lang?" Muli niyang tinapik ang pisngi ko kaya naman na-realize ko na nakahiga ang ulo ko sa braso niya. Agad akong tumayo at kinapa-kapa ang katawan ko.

"Buhay pa ba ako?"

Wala akong nakitang dugo, sugat, o maski galos sa katawan ko. Saka ko lang napagtanto na nasa gilid na kami ng kalsada. Ibig sabihin, may nagligtas sa amin. Iniligtas kami ng isang lalaki na ngayon ay dahan-dahan na tumatayo mula sa simento. Mukhang ipinansalag niya rin ang braso niya para hindi mabagok ang ulo ko.

Hinanap ko kung nasaan 'yong babae kanina at nakita ko siya malapit lang sa amin na tumatayo na rin kaya naman nilapitan ko siya.

"Kumusta po kayo? Ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ko at chineck ko ang katawan niya. Nakahinga ako nang maluwag nang wala akong makitang kahit anong sugat.

"A-Ayos lang ako. Maraming salamat," maluha-luhang saad niya. "Salamat at niligtas mo 'ko. Thank you sa inyo." Tumingin din siya sa lalaking nagligtas sa amin nang mag-thank you siya.

"Wala po 'yon. Ang mahalaga, ligtas po kayo," nakangiting turan ko.

"S-Sige, aalis na ako. Maraming salamat ulit... Anong pangalan mo?"

"Klay. Ako po si Klay."

"Maraming salamat, Klay. Aalis na ako," nagmamadaling paalam niya. Nginitian niya muna ako bago siya umalis.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now