CHAPTER 64

2.2K 68 29
                                    

KLAY

"Ay butiki!" gulat kong sigaw at nanlaki ang dalawang pares na mga mata ko nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa harapan ko.

"Mukha ba akong butiki?" pamimilosopo niya.

"Ano ka ba, ha?! Bakit ka ba nanggugulat?!" asik ko sa kaniya.

"Wala naman akong ginawa, ah? Nakatayo lang naman ako sa harap mo," depensa niya nang maupo siya sa tabi ko. "So, why are you here? 'Di ba, dapat nasa library ka ngayon?" tanong niya kaya mabilis kong iniwas sa kaniya ang tingin ko.

"M-Marami kasing tao sa library, k-kaya dito na muna ako nagpunta," pagdadahilan ko.

"Really?" parang hindi kumbinsidong tanong niya. "Talaga bang pupunta ka ng library o gusto mo lang akong takasan?"

Tiningnan ko siya at nakangisi ang mokong. "Bakit naman kita tatakasan, aber?" pagsusungit ko.

"Nevermind," usal niya at siya naman ang nag-iwas ng tingin.

Hindi ko inaalis sa kaniya ang paningin ko kaya kitang-kita ko ang side profile niya. Nakakainis kasi ang guwapo ng lalaking 'to. Hindi ko tuloy makalimutan na inaway ako ng mga babae dahil sa team nila, most especially dahil sa kaniya.

"Alam ko namang guwapo ako, pero 'wag mo naman akong titigan ng ganiyan. Sige ka, baka matunaw ako at mawalan ka ng guwapong manliligaw," aniya habang diretso pa rin ang tingin sa kawalan.

"Ang kapal mo," I blurted out as I averted my gaze. Baka mamaya kung ano pang isipin ng lolo na 'to kapag patuloy ko pa siyang tinitigan.

"Sorry nga pala," mayamaya ay sabi niya.

Nagtataka ko naman siyang tiningnan. "Sorry? Sorry saan naman?"

He sighed. "Sorry kasi pinag-isipan ko kayo ni Cal kanina ng masama. I thought you're just playing with my feelings."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Sabi ko na nga ba, e. Tama pala ako kanina. Na nagseselos siya kaya nawala siya sa mood.

"Ibig sabihin, kaya pala gano'n ka kanina sa court kasi nagseselos ka sa amin ni Kuya?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Y-Yeah... Sorry, una kasi nakita ko kayong masaya. And then, napansin ko pa na pareho kayo ng bracelet. I thought you're wearing a couple bracelet..."

Sa totoo lang, hindi ko alam kung maiinis o matatawa ako sa kaniya. Pagkamalan ba naman kami ng kuya ko? Seloso talaga. Tsk.

"Talagang inisip mong couple bracelet kami, ha? Hindi mo ba alam na dahil dito sa suot kong bracelet ay nalaman ni Kuya Darwin na magkapatid kami sa ama?"

"H-Hindi mo naman kasi sinabi sa akin."

"Ngayon kasalanan ko pa? Recently nga lang namin nalaman ang totoo, e. Malay ko ba na ganiyan ka. Napakaseloso mo. Tsk."

"Masyado lang kitang mahal kaya gano'n," saad niya sa seryosong boses kaya natameme na ako. "Ayoko lang na mawala ka sa 'kin. Ang dami ba naman kasing nagkakagusto sa 'yo, eh."

Isa pa 'yan. Feeling ko nananaginip lang ako. Hindi pa rin magawang mag-sink-in sa utak ko na may gusto si Ivan, si Zach, at si Fidel sa akin. Isama na rin natin si Jairo? Kung totoo man. Paano ba kasi nangyari 'yon?

"Pero kahit na. Hindi naman puwedeng lahat na lang pagselosan mo. Hindi pa nga kita boyfriend. Kuya ko pa talaga 'yong pinagselosan mo?" sermon ko sa kaniya.

"Tsk. I'm so stupid. Bakit ba hindi ko naisip na same surname nga pala kayo at puwedeng related kayo sa isa't isa?" sisi niya sa sarili niya.

"Actually, tama ka. Hindi ko alam na Sanchez din pala ang surname ni Darwin. E 'di, sana noon palang nagkaroon na ako ng clue tungkol sa kaniya."

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now