CHAPTER 05

2.2K 58 1
                                    

KLAY

Sabay na kami ni Kelly na nagpunta ng café. Agad kong hinanap si Ms. Riyah at nakita ko siya na kalalabas lang galing washroom.

"Ms. Riyah!" tawag ko sa kaniya.

Lumingon naman siya sa akin at ngumiti. "Oh, Klay. Bakit hindi ka pa naka-uniform?" tanong niya nang lumapit ako sa kaniya.

"'Yon nga po, Ms. Riyah. Ahm..." Napayuko ako at hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang pagpapaalam ko.

"May gusto ka bang sabihin? Tell me," aniya kaya naman nilakasan ko na lang ang loob ko.

"Ms. Riyah. Ano po kasi... Ahh... Magpapaalam po sana ako, e. Hindi po kasi ako makakapasok ng mga ilang araw po."

"Why? May importante ka bang gagawin?"

"'Yong mama ko po kasi, hindi pa po siya pinapayagang umuwi no'ng pinapasukan niya kasi wala pa pong nahahanap na kapalit. May kapatid po kasi ako. Hindi ko naman po kasi siya puwedeng hayaan na maiwan na mag-isa po sa bahay. Kaya kung okay lang po sana na baka hindi po ako makakapasok ng mga ilang araw hangga't hindi pa po nakakauwi si Mama."

Alam kong mabait si Ms. Riyah. Pero hindi ako sigurado kung papayag ba siya dahil baka maisipan niyang tanggalin na lang ako, lalo na't marami diyang gusto ring mag-apply rito. Lalo na ang mga lalaki. Eh, paanong hindi? Ang hitsura naman kasi ni Ms. Riyah ay mala-model; matangkad, maganda, maganda ang hubog ng katawan, makinis ang balat na hindi mo kakikitaan ng kahit na anong pores, plus mabait pa. Kaya hindi nawawalan ng costumers 'tong café, eh.

"Sure, no problem."

Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya nang sumagot siya. "Talaga po? Ayos lang po ba?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi n'yo po ako tatanggalin?"

Mahina siyang natawa. "Bakit naman kita tatanggalin? Besides, valid din naman ang reason mo kaya it's okay."

"Naku! Thank you po talaga, Ms. Riyah!" nagagalak kong hayag.

"Sige, you can go ahead." Ngumiti ito at tumalikod na kaya naman tumalikod na rin ako at nagsimulang humakbang. "By the way!" pahabol nitong sabi kaya naman muli akong humarap sa kaniya. "Don't worry about your pay, okay?"

"Po?" Parang nabingi yata ako sa sinabi niya at hindi ko narinig nang maayos.

"Although you're absent, you still can get your pay. Isipin mo na lang na parang pumasok ka pa rin para hindi ka na masyadong manghinayang."

"Ano po? Ta-Talaga po? Hindi po ba ako nagkakamali ng dinig, Ms. Riyah?!" Alam kong sobrang bait niya, pero parang sobra naman yata kung sasahuran niya pa rin ako kahit na hindi naman ako pumasok.

"Yes. And don't think that as unfair to others kasi kahit kanino ganyan din ang gagawin ko. Sige, mauna na ako. Take care!" Umalis siya na hindi man lang ako nakapagsalita. Para bang napako ako sa kinatatayuan ko at ang bibig ko naman ay nakaawang pero walang salita na gustong lumabas.

"Whoaaaaaa!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi mapatili dahil sa tuwa. Ngunit, agad ko ring tinakpan ang bibig ko gamit ang dalawa kong palad nang maalala kong nandito nga pala ako sa loob ng café. "Grabeee... Hulog talaga siya ng langit!" bulong ko sa sarili at mabilis na umalis.

Kailangan ko nang umuwi dahil paniguradong naghihintay na sa akin ang kapatid ko. Pag-uwi ko ay hindi ko siya nakita sa kuwarto niya. Wala ring sumasagot kaya nakaramdam ako ng kaba. Hinanap ko siya sa buong bahay pero wala siya.

This can't be! Nasaan ang kapatid ko?!

"Kalvin!" patuloy kong sigaw sa pangalan niya. Lumabas ako ng bahay at hinanap siya. "Kalvin! Kalvin, nasaan ka ba?!"

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now