CHAPTER 27

1.4K 41 5
                                    

KLAY

"Talaga?! Totoo ba 'yan?!" gulat na reaksiyon ni Kelly matapos kong i-kuwento sa kanila ang lahat ng nangyari.

"Oo nga. Totoo nga."

"Wait..." Bumaling ako kay Jaina na ngayon ay animo'y ina-absorb pa ang mga sinabi ko. "You mean... magdamag na nag-stay sina Xander sa inyo?"

"O-Oo."

"At sa bahay ni Xander nag-stay ang kapatid mo?"

"Gano'n na nga—"

"Pero bakit?! Bakit sa bahay pa nina Xander?!"

Kapwa kami ni Kelly nagulat sa biglaang pagtaas ng boses ni Jaina.

"Ahm... I-I'm sorry..." paghingi niya ng paumanhin matapos niyang ma-realize ang naging reaksiyon niya. "Gusto ko lang naman sabihin kung bakit kina Xander pa? Bakit hindi kina Zach?"

"Tsk. Tsk. Tsk. Jaina, alam ko kung bakit ka nagkakaganyan... Puwede ba, Jaina? I-set-aside mo muna 'yang pagiging team ZachLay mo? Seryoso ang kalagayan ngayon ng mama ni Klay, at kailangan may iba munang magbantay sa kapatid niya. Kaya anong masama kung sa bahay nina Xander nag-stay ang kapatid niya?"

"Kelly, you don't understand—"

"Jaina. I do understand na iniisip mong mas lumalayag ang team FiLay. Pero Jaina, hindi mo ba narinig ang sinabi ni Klay kanina? Ang kapatid niya ang nag-decide at gustong mag-stay kina Xander. Okay?"

"Kelly, you don't understand me, I swear."

"Of course, I do understand you!"

"No, you don't!"

"Yes, I do!"

Kumunot na lamang ang noo ko sa pagtatalo nilang dalawa kaya sumabat na ako. "Teka nga! Sandali! Tumigil nga kayong dalawa, puwede ba?"

Sumulyap silang dalawa sa akin at nanahimik. Naupo si Jaina sa couch na nakabusangot. Habang si Kelly naman ay nag-stay lang sa tabi ko sa gilid ng kama ni Mama.

"Wala akong pakialam sa pinag-uusapan ninyong team-team na 'yan. Pero sana respeto naman, oh? Kita n'yo naman malubha pa rin ang lagay ng nanay ko. Saka, 'yong tungkol do'n sa pag-stay ni Kalvin kay Fidel, kagustuhan niya 'yon, okay? Wala akong choice. Kung puwede nga lang, hindi ako papayag na doon siya kina Fidel mag-s-stay kaya lang hindi. Kasi siya 'yong pinapili namin at wala na akong magagawa," litanya ko na nasundan ng katahimikan.

Wala na akong pakialam sa kung ano man ang iniisip nila ngayon. Ayoko muna mag-isip ng kung ano-ano. Gusto ko lang mag-focus ngayon sa sitwasyon namin.

"Siya nga pala, salamat pala sa pagbabantay kay Mama. Puwede na kayong umuwi para makapagpahinga, ako na ang bahala rito."

"Sigurado ka ba, Klay? Ayos ka lang ba rito?" tanong ni Jaina.

"Oo naman. Sige na. Umuwi na kayo para makapagpahinga kayo."

"Okay. Basta kapag kailangan mo ng kahit na anong tulong, tawagan mo lang kami ni Kelly."

"Saka, dadalaw-dalaw rin kami ni Jaina rito. 'Wag kang mag-alala," nakangiting turan ni Kelly.

"Salamat." Niyakap ko silang dalawa bago sila umalis.

Muli akong umupo sa gilid ni Mama at hinawakan ko ang kamay niya. "Ma, kumusta na po kayo?" Umiiyak kong sambit. Kanina ko pa pilit na pinigilan ang mga luha ko kaya ngayon ay walang pahintulot itong bumagsak. "Ma, kailan n'yo po ba balak na gumising?... Anyway, 'wag po kayong mag-alala kay Kalvin. Ako na po muna ang bahala sa kapatid ko."

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now