CHAPTER 84

762 28 17
                                    

JAINA

"I'm glad you came!" I was about to hug him when he suddenly pushed me away. "What was that?" I asked confusedly.

"Hindi ako nagpunta rito para makipag-date sa 'yo. Nandito ako para kausapin ka," he stated in a serious tone.

"What do you mean by that? Hindi ba nandito ka para sa date natin?"

He sighed. "Stop it, Jaina. Alam kong alam mo na hindi mangyayari 'yon. Hindi ako makikipag-date sa 'yo."

I snorted. "C'mon, Xander. Alam nating pareho na wala kang magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo... Kailangan mo pa rin akong i-date."

He stared at me in a lazy way. "Nandito ako para sabihin sa 'yong itigil mo na 'tong mga kahibangan mo."

"What? Kahibangan? Anong kahibangan ang sinasabi mo, Xander?!" hindi ko na naiwasan ang pagtaas ng boses ko. "Hindi ba't ikaw ang nahihibang sa ating dalawa?! Pang-ilan na ba 'to, ha?! Pang-ilan na ba 'tong hindi mo 'ko sinisipot sa bawat date natin?! Tapos ngayon... Ngayon ka nga lang nagpunta 'yan pa ang sasabihin mo sa 'kin?!"

"Jaina... Why can't you just accept the fact na hindi mangyayari ang gusto mo?" He remains to be calm.

I shook my head. "No way... Is this about her?" I asked. He didn't answer me and just looked down. "Seriously? Ano bang meron sa babaeng 'yon?! What's special about that damn girl?!"

"Jaina!" he yelled. "Can't you hear yourself?! Klay is your best friend. Bakit ganiyan ka kung makapagsalita sa kaniya?!"

Bahagya akong napaatras dahil sa biglang paglakas ng boses niya. The way he stares at me is like he's judging my whole as if I did a crime.

"Yes... She is my best friend, but not when she took you away from me. She's a slut!"

His jaw tightened as if he's controlling himself. "I can't believe you. You just proved to me that I shouldn't love you. I will never love you, Jaina... Remember that," he said in an almost whisper voice then he walked away.

Muntikan na akong mawalan ng balanse, mabuti at kaagad akong nakahawak sa mesa. Habol-habol ko ang hininga ko gawa ng pagsikip ng dibdib ko. Xander's words were like daggers thrown to my chest.

He never changed. He is always the Xander that cause my heart aches. I couldn't help but let my tears fall from my eyes. I clenched my fist as I closed my eyes to compose myself from anger.

No. This can't be. Hindi ako papayag. I did everything just to make them apart. And I will never be tired of doing the same thing just for him to be mine.

-

KLAY

Kanina pa ako buntong-hininga nang buntong-hininga. Nandito kasi ako sa labas ng men's comfort room habang hinihintay kong lumabas si Ivan. Napapayuko na lang ako everytime may mga lalaking lumalabas at pumapasok na napapatingin sa akin.

Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng mga nalaman ko. Halos hindi ako nakatulog kagabi kakaiisip tungkol do'n. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya 'yon sa akin. Ang hirap lang paniwalaan lalo pa at siya si Ivan.

-
{ FLASHBACK }

"Ano bang sinasabi mo? Hindi ko talaga maintindihan e," naguguluhang tanong ko.

"Ang sinasabi ko ay hindi ka na dapat pang mag-worry tungkol sa inyo ni Ivan. Kasi walang nangyari, okay? Walang nangyari sa inyong dalawa," tugon niya.

Nawindang naman ako dahil parang mas lalo lang gumulo ang utak ko. "Paano? Paano nangyari 'yon? Anong walang nangyari sa amin? Naguguluhan ako."

Umiwas siya ng tingin at humugot ng isang malalim na buntong-hininga. Samantala, ang mga mata ko ay nanatiling nakatuon sa kaniya dahil hinihintay ko ang sagot niya.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now