CHAPTER 07

2K 51 1
                                    

KLAY

Napahikab ako nang ako ay magising dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa kama. Ipinikit ko ang mga mata ko dahil sa antok pero agad ko rin itong iminulat habang ito ay namilog.

Mabilis akong bumangon sa kama at tumakbo papunta sa kuwarto ni Kalvin. "Kalvin! Mag-ready ka na! Papasok ka pa, 'di ba?!" sigaw ko.

The moment na pumasok ako sa kuwarto niya ay hindi ko siya nakita. Una, naisip ko na baka umalis na siya pero nang makita ko sa kama ang bag niya ay nasiguro kong hindi pa nga ito umaalis. Lumabas ako ng kuwarto at isinara ang pinto. Nagpunta ako sa sala at naabutan ko siyang nanonood ng TV habang nakabihis pa ito ng pantulog.

"Kalvin, anong oras na oh?! Bakit hindi ka pa nagre-ready?! Baka dumating na ang service mo! Dalian mo na at magluluto na ako!" Tatakbo na sana ako patungong kusina nang mapansin kong hindi man lang ito kumilos bagkus ay tiningnan lang ako nito na may pagtataka.

"Ate? Nananaginip ka po ba?" takang tanong nito na siyang ikinakunot ng noo ko.

"Anong sinasabi mo riyan? Tumayo ka na riyan at mag-ready ka na!"

"Ate, nakalimutan mo na ba kung anong araw ngayon?" tanong nito kaya naman napaisip ako. "Ate, Sabado po ngayon kaya walang pasok."

"Ano?!" Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. "Sabado ngayon?"

Tumango-tango ito. "Opo."

Dali-dali naman akong bumalik ng kuwarto para kunin ang cellphone ko at chineck kung anong araw ngayon. Napasandal ako sa pader nang mapagtanto kong tama ang sinabi ng kapatid ko.

"Jusme! Ano bang nangyayari sa 'kin? Antok pa yata ako, e..." bulong ko sa sarili at ipinahandusay ang katawan sa kama. "Tama, antok lang 'to." Ipinikit ko ang mga mata ko nang biglang maalala ko ang nangyari kagabi. Dahil doon kaya hindi ako nakatulog agad.

"Ate, akala ko po ba magluluto ka? Nagugutom na ako, e." Narinig ko ang boses ni Kalvin at nakita ko siyang nakasilip sa pinto.

Mabilis akong bumangon at tumayo. "Oo nga pala." Nagpunta na ako sa kusina para magluto habang ang kapatid ko naman ay abala sa panonood ng TV.

Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na ito sa mesa. "Kalvin! Kakain na!" tawag ko sa kaniya at mabilis naman siyang naupo.

Bago ako maupo ay tiningnan ko muna ang cellphone ko kung may missed calls or text na mula kay Mama. Umaasa ako na kahit isang text lang ay may mabasa ako, ngunit bigo ako nang hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam.

Ibinaba ko ang cellphone ko sa mesa at nagsimula na ring kumain. Matapos naming kumain ay nagligpit ako at naghugas ng mga pinagkainan namin. Pagkatapos ay nagtungo ako sa sala para samahan ang kapatid ko na manood ng TV. Tumabi ako sa kaniya sa sofa at itinutok ang mga mata sa harapan. Cartoons ang pinapanood nito kaya naman hindi ko maiwasan na hindi antukin.

Isinandal ko ang likod ko sa sofa nang biglang bumigat ang mga talukap ko at hinayaan ko na lamang itong magsara.

"Your real strength is in your heart."

Mayamaya pa ay nakarinig ako ng pamilyar na boses. Akala ko may ibang tao sa loob ng bahay pero nang idilat ko ang mga mata ko ay napag-alaman kong nagmumula ang boses sa TV. Agad na nanlaki ang mga mata ko at bahagyang umawang ang bibig ko.

Totoo ba 'tong nakikita ko?! Si Fidel nasa TV? O baka naman panaginip lang 'to? Tama! Baka panaginip nga lang 'to! Pero bakit naman siya biglang sumulpot sa panaginip ko?

"Alam mo, Ate. Gusto kong maging katulad ni Kuya Xander kapag malaki na ako," biglang saad ni Kalvin na siyang nasa tabi ko.

Dahan-dahan kong iniharap sa kaniya ang mukha ko. "Kalvin, nagsalita ka ba?"

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now