CHAPTER 14

1.5K 43 2
                                    

KLAY

Nagpunta kami ng mall dahil niyaya kami ni Jaina. As usual ay libre niya ulit. Kumain lang kami pagkatapos ay nagtungo naman kami sa Gadgets Store.

"Bibili ka ng bagong cellphone? Pero may cellphone ka pa naman, 'di ba?" tanong ko kay Jaina nang magtungo kami sa phone section.

"Yeah. I'm gonna buy a new one, but not for me," sagot niya at kinausap ang saleslady.

Nakasunod lang kami ni Kelly sa kaniya habang nagtitingin-tingin siya ng mga cellphone. Nagtingin-tingin na rin ako at nakakapanghina ang mga presyo. Bigla ko tuloy naisip si Mama. Wala na nga pala siyang cellphone.

Mayamaya lang ay nakapili na rin siya ng cellphone, kami naman ni Kelly ay nag-decide na sa labas na lang namin siya hihintayin. Hindi naman nagtagal at lumabas na rin si Jaina dala ang maliit na paper bag kung saan nakalagay ang binili niyang bagong phone. Iba talaga kapag mayayaman, kahit gaano pa kamahal nabibili nila agad.

"Ilang minuto na lang pala at kailangan na naming pumasok ni Klay sa café," sabi ni Kelly.

"Oh, yeah. But before that, here." Biglang inabot ni Jaina ang maliit na paper bag kay Kelly.

"Huh?" Bakas naman sa reaksiyon ni Kelly na naguguluhan siya.

"I bought this for you. Please, take this, Kelly." Ilang beses na napakurap si Kelly gano'n din ako. Ibig sabihin, binili pala ni Jaina 'yong phone para kay Kelly.

"Ha? Para sa 'kin?" Itinuro ni Kelly ang sarili niya. Halatang hindi makapaniwala.

Jaina nods. "Yes, you surrendered your phone to those robs para hindi nila kayo saktan. But I guess, it's really important for you to have a phone."

"Ah, hindi na! Yes, importante nga na may phone ako. Pero kaya ko namang pag-ipunan para makabili ako. Kaya hindi mo na 'yan kailangang ibigay sa 'kin, salamat," tanggi ni Kelly.

"Nope. You'll take this." Kung kanina ay iniaabot niya lang ang paper bag kay Kelly, ngayon naman ay talagang ibinigay niya na ito nang sapilitan sa kamay nito.

Halatang nagulat si Kelly sa ginawa niya dahil hindi siya agad nakaimik. "S-Salamat," utal na usal niya makalipas ang ilang segundo.

Ngumiti lamang si Jaina sa kaniya at sinabing, "You're welcome."

Dumiretso na kami ni Kelly sa café at nagsimula nang magtrabaho. Wala ngayon si Ms. Riyah kaya siguro kunti lang ang costumers. Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa nagbihis na kami para umuwi.

Habang kinukuha ko ang bag ko ay napansin ko 'yong paper bag na may lamang phone na siyang binili ni Jaina para kay Kelly. "Ang bait talaga ni Jaina. Binilhan ka niya ng phone. At least, hindi ka na masyadong mamomroblema niyan dahil sa ninakaw rin ang phone mo," saad ko.

"Ang totoo nga niyan, ayaw ko naman talagang tanggapin, eh. Kaso mapilit si Jaina. Hindi ko naman kailangan ng phone na binili niya," aniya sa mababang boses.

"Ano ka ba! Suwerte mo nga, eh. At least, may bago kang phone, 'di ba? Saka, mukhang maganda kaya gamitin mo na lang. Sige ka, baka magtampo pa si Jaina niyan kapag hindi mo ginamit 'yan."

"Baka kasi isipin ni Jaina na inaabuso natin siya. Hayaan mo, kapag nakaipon na ulit ako, saka ko na lang siya babayaran."

Sabay kaming umalis ng café hanggang sa maghiwalay na kami ng daan. Habang naglalakad sa madilim na kalsada ay hindi ko maiwasan na hindi mag-isip. Ano kaya feeling maging mayaman? Masarap kaya? Siguro, kasi nakukuha nila ano man ang gustuhin nila. Hays, kung mayaman lang sana kami, e 'di hindi na sana kailangan pa ni Mama na magtrabaho.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now