CHAPTER 82

778 30 12
                                    

ZACH

I stopped my car in front of a huge gate – Xander's house. I went out and pressed the doorbell. I looked up to the dark sky when the gate on the side opened.

"Zach, hijo."

"Good evening po, Nanang Gloria," I greeted politely.

"Pasok ka," she said and let me enter. "Mabuti at nandito ka. Mukhang kailangan kasi ni Xander ng kasama," aniya.

As I expected, though.

"Hey, Zach!"

Pagpasok namin sa loob ay sinalubong ako ni Tita Alexa. Ang mommy ni Xander.

"Good evening po, Tita."

"Thank God, you're here!" she exclaimed and walked towards me. "My son is drowning himself through the liquor. I don't know what's going on. I can't even talk to him," she stated in a frustrated tone.

"That's why, I'm here, Tita."

"Well, whatever it is. I think, ikaw lang ang puwedeng makausap ng anak ko. Kagabi, umuwi siya ng lasing. Tapos ngayon, nagpapakalasing." She took a sigh and shook her head unbelievably.

"Don't worry po. Ako na pong kakausap sa kaniya. Nasaan po ba siya?"

"He's on the veranda. Ikaw na ang bahala sa anak ko, Zach. Maiwan na kita."

I nod at her before she left. Sinundan ko siya ng tingin bago ko tinungo ang veranda. Tulad nga ng sinabi ni Tita Alexa. Nakaupo roon si Xander habang umiinom ng beer. Mga higit limang bote rin ang nasa mesa.

"Ang daya mo naman. Hindi ka nagyayaya," ani ko nang umupo ako sa tapat niya. Kumuha ako ng isang beer at tinungga iyon.

"What are you doing here?" he asked in a cold tone and took a gulp from his beer.

"Just wanna check on you."

"Tss. Really? O baka gusto mo lang makasigurado na talagang hindi kami okay ni Klay?"

Natawa naman ako sa hinala niya. "Kung 'yan nga ang dahilan. E 'di, sana si Klay ang pinuntahan ko at hindi ikaw."

"Why don't you just admit it? Gusto mo siya, 'di ba?" he spat out.

"Yeah. I like her, that's why I'm here. Kasi alam kong hindi kayo okay ngayon. At paniguradong nasasaktan siya dahil sa trato mo sa kaniya. What do you think would I feel about it?"

"Tsk." Muli lang siyang tumungga sa beer niya na parang balewala lang ang sinabi ko.

"C'mon, Xander. Come to think about it. Kailangan ba talagang umabot sa puntong maging ganito ulit kayo? Masaya na kayo, 'di ba? Pero dahil lang do'n... ganito na ulit ang trato mo sa kaniya?"

"Dahil lang do'n? Seriously, Zach? Do you even know what I feel right now? I'm deeply in pain! Sige nga, ikaw. What if malaman mo na 'yong babaeng mahal mo ay nakipag-date sa iba and worse... may nangyari pa sa kanila? Sa kaibigan mo pa mismo," aniya habang nakatitig sa akin ang mga mata niyang walang emosyon.

I took a deep breath. "Do you really think na may nangyari sa kanila? Naniniwala ka ba talaga ro'n? Ha, Xander?" mapanghusga kong tanong. Hindi naman ito nakasagot at tumungga lang ulit sa alak niya. "Do you think, gano'ng klaseng babae si Klay? At si Ivan, tingin mo ba kaya niyang gumalaw ng isang babaeng hindi naman niya pag-aari? We've been knew him for a long time. At alam nating pareho na hindi niya magagawa 'yon," I added.

"Oh! C'mon, Zach! 'Wag mo na nga silang pagtakpan. Obvious naman, 'di ba? Nandoon ka rin! Nakita nating pareho na magkatabi sila sa kama at—Damn!" Inubos niya 'yong beer na kasalukuyan niyang iniinom at nagbukas ulit ng panibago saka ito tinungga.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon