CHAPTER 61

1K 42 14
                                    

KLAY

Inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin at nang masiguro kong satisfied na ako ay lumabas na ako ng bahay. Sa school na lang siguro ako magbe-breakfast.

"Lalalalalalala~" Ewan ko pero masaya talaga ako ngayon. Ganito siguro talaga ang feeling kapag in love. Kagabi kasi tinadtad ako ng text at tawag ni Fidel. Hindi ko siya ni-reply-an at tinawagan pabalik dahil alam kong magkikita rin naman kami mamaya sa campus.

"Lalalalalalalala~ Lalalalala—Ay palaka!"

Halos atakihin ako sa puso paglabas ko ng gate nang makita ko ang isang lalaking nakasandal sa kotse niya.

"Magandang umaga, Binibini!" nakangiting bati niya sa akin.

"A-Anong ginagawa mo rito?"

Ngumiti naman ito sa akin at naglakad palapit. "Hindi ba obvious? Sinusundo ko ang nag-iisang binibini ko," bulong niya sa tainga ko.

Bahagya naman akong yumuko dahil pakiramdam ko ay namumula na naman ang mga pisngi ko. Nakakaloka naman 'tong lalaking 'to! Ang aga-agang magpakilig!

"H-Hindi ka naman n-nagsabi na pupunta ka," nauutal kong sabi sa kaniya habang nakayuko pa rin.

"I just wanted to surprise you. Let's go?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan na pumasok.

"Pasensiya na, nagulat yata kita," natatawang usal niya pagpasok niya sa driver's seat. "Pero masanay ka na. Sabi ko naman sa 'yo na liligawan kita, 'di ba?" Bigla siyang kumindat sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

Nakakapanibago. Hindi ako sanay na ganito siya. Nasanay kasi ako na suplado siya at palagi niya akong sinusungitan. Subalit, may sweet side pala ang mokong. At aaminin ko, gusto ko 'to. Kinikilig ang puso ko...

"Namumula ka na naman. Ang bilis mo namang kiligin," natatawang pang-aasar niya habang nagda-drive.

Siyempre, dahil ayokong aminin sa kaniya na kinikilig ako. Kailangan kong itanggi. "Hindi, 'no! Sino namang nagsabi na kinikilig ako?"

"Klay, 'wag ka nang mahiya. Puwede mo naman sabihin sa akin kung gusto mo na rin ako. Inamin mo na nga kagabi na nagseselos ka, 'di ba? Isa pa, mahal naman kita. Puwede ka namang umamin sa akin anytime," wika niya habang may nakakalokong ngiti ang mga labi niya.

Nakakainis! Nakakainis kasi ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko! Grabe naman kasi 'yong mga sinasabi niya. Hindi ba siya nag-aalala sa akin? Sa puso ko?

"Ang kapal mo," tanging nasabi ko na lang sa kaniya na ikinatawa naman niya. Inihilig ko na lang ang ulo ko sa may bintana at pinakawalan ang isang ngiti.

Pagdating sa campus ay tinanong niya ako kung nag-breakfast na ba raw ako. Siyempre, ang sagot ko ay hindi kasi iyon naman ang totoo. Kaya ito, kinaladkad ako ng mokong sa canteen.

Hindi ako mapakali habang kumakain kasi bukod sa mga titig sa amin ng ibang mga nandito sa canteen ay mas lalo akong naiilang sa mga titig sa akin ni Fidel!

"Kailan ko kaya ulit matitikman 'yan?" bigla niyang tanong.

"Alin? Itong sandwich?" tanong ko habang ngumunguya. Hindi siya umimik at doon ko lang napansin na sa mga labi ko siya nakatingin!

"Adik ka ba?!" asik ko sa kaniya.

Tumango siya. "Uhm. Adik sa 'yo."

Muntikan na akong mabulunan sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now