CHAPTER 51

993 39 8
                                    

KELLY

"Nasaan ba si Klay? Hindi ba siya sasabay sa ating mag-almusal?" tanong ko kay Jaina pagkaupo namin sa isang mesa.

"I'm not sure. But, I'll text her." Kinuha niya ang cellphone niya mula sa shoulder bag niya at nag-type ng message. "Maiwan muna kita, Kelly. Bibili lang ako ng pagkain natin," paalam niya na tinanguan ko lang.

Naghintay lang ako sa kaniya at nag-scroll lang sa phone ko. Mayamaya pa ay biglang tumunog ang cellphone niya at tingin ko ay nag-reply na si Klay. Kinuha ko naman iyon at binasa. Walang password ang phone niya kaya mabilis ko iyon na nabuksan. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang mga pictures naming tatlo. Napangiti ako habang isa-isang tinitingnan ang mga pictures namin sa gallery niya.

Subalit, nawala ang ngiti sa mga labi ko at napalitan iyon ng pagtataka nang makita ko ang isang pamilyar na picture. Sina Klay at Zach iyon na magkayakap. At sa tingin ko, ito rin 'yong time na umamin si Zach kay Klay. Hindi ko na natanong pa si Klay tungkol do'n dahil nawala iyon sa isip ko.

Out of curiosity, tiningnan ko ang details no'ng picture at mas lubos akong nagtaka. Iyong petsa at oras ay hindi tugma sa oras at araw no'ng ipinost 'yong picture.

Bakit gano'n? Bakit may picture si Jaina nito bago pa man ito ma-post at kumalat?

Napansin kong papalapit na si Jaina kaya naman agad kong ibinalik sa pagkakalapag sa mesa ang phone niya. Nakalimutan ko rin ang orihinal kong pakay na sana ay basahin ang text.

"Here! Let's eat!" Inilapag niya ang mga pagkain at excited kaming tinikman iyon.

Ilang sandali pa ay kinuha niya ang cellphone niya at nagkalikot doon. Kinabahan din ako ng slight dahil baka mahalata niyang pinakialaman ko ang phone niya. Pero wala naman siyang sinabi kaya nakahinga ako nang maluwag.

Matapos naming kumain ay naghiwalay na rin kami dahil kailangan ko pang magtungo sa library. Hindi naman mawala sa isip ko 'yong nakita ko sa phone ni Jaina kanina. Ayokong mag-isip ng kung ano, kaya lang nakapagtataka kasi, e.

"Ouch!" ingit ko nang biglang may bumangga sa akin dahilan upang malaglag ang mga librong hawak ko.

"I'm sorry! Nagmamadali kasi ako, e. Sorry talaga!" turan ng isang babae na bigla na lang tumakbo palayo. Hindi man lang ako tinulungan. Tsk.

Iiling-iling naman akong napayuko para damputin ang mga libro nang biglang may isang kamay ang sumabay sa akin sa pagdampot no'ng libro.

"Tulungan na kita," alok nito at nagsimula nang damputin ang iba ko pang libro na nagkalat at ibinigay iyon sa akin pagtayo namin.

"Sala—" Natigilan ako nang makita ko ang mukha niya. Biglang bumilis sa pagtibok ang puso ko habang hindi ko magawang alisin sa kaniya ang titig ko. "C-Cal?" usal ko sa pangalan niya na kinakabahan pa.

"Sige, mauna na ako," nakangiting paalam niya. "Mag-iingat ka!" pahabol nitong sigaw bago tuluyang tumakbo paalis.

Sa kaniya lang nakatuon ang mga mata ko hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Totoo ba 'to? Si Cal ba talaga 'yon?

Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko dahil sa mabilis pa rin na pagkabog nito. Pero naibalik ko rin ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa mga libro nang muntikan na akong mawalan ng balanse.

-

KLAY

Patungo ako sa locker area nang makarinig ako ng mga bulungan. Noong una ay akala ko ako na naman ang pinag-uusapan nila pero na-confirm ko rin na hindi ako no'ng magbanggit sila ng mga pangalan.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now