CHAPTER 12

1.6K 44 2
                                    

KLAY

Habang nasa klase ay wala akong ibang inisip kundi ang pagpayag ko kanina sa paanyaya ni Ken. Gusto kong balikan ang nangyari kanina at dagling tumanggi, kung puwede lang. Kung bakit ba naman kasi nawala sa isip ko kanina na iniiwasan ko nga pala sila. Kainis.

Natapos ang buong klase na wala akong naintindihan. Nagpunta muna ako ng rooftop at doon nag-isip. Mayamaya lang ay practice na nila. Gusto kong 'wag nang pumunta kaso pumayag ako kay Ken. Nandoon din sina Fidel at Zach. Bukod do'n ay may mga students din na nandoon na malamang ay narinig 'yong pagpayag ko kaya kung sakali mang hindi ako sumipot ay tiyak na malalaman din ng iba. Eh 'di, mas lalo pa akong kinagalitan ng marami.

"Jusmeyo naman. Ano ba 'tong pinasok ko?" paghihimutok ko habang nakaupo ako ngayon sa sahig at nakatingin lang sa langit.

Paano kaya kung sina Jaina at Kelly na lang ang papuntahin ko? Wala man ako, ang importante may pumunta, 'di ba? Kaso...

"Issue pa rin 'yon, e. Huhu..." Gusto ko na lang maglaho ngayon din. Kung bakit ba naman kasi ako pumayag, e. Puwede naman sana akong tumanggi, kaso issue pa rin dahil alam kong sasabihin na naman no'ng mga tsismosang estudyante na ang arte ko at kung ano-ano pang mga masasakit na salita na hindi kaaya-aya sa pandinig.

Bahala na. Depende na lang kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Tutal, kahit saan naman do'n ang gawin ko, issue pa rin sa iba. Pag-uusapan pa rin nila.

Sinubukan kong tawagan sina Jaina at Kelly pero hindi ko sila ma-contact. Busy ba sila ngayon? Kung kailan naman kailangan ko sila, saka naman sila wala.

Matapos kong magmuni-muni sa rooftop ay bumaba na rin ako. Wala sa sariling naglalakad at hindi alam kung saan pupunta.

"That girl, talaga bang in-invite siya ni Ken?"

"Baliw na ba siya? Bakit parang wala lang yata sa kaniya?"

"Nakalimutan ba niya o sadyang gusto niya lang ng atensiyon?"

"Tch, attention seeker."

Dinedma ko na lang ang mga naririnig ko sa paligid. Ganyan naman sila palagi kapag nakikita nila ako. Tsk. Maski isang beses wala man lang akong narinig na magandang salita tungkol sa akin.

Naglakad lang ako na naglakad hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko sa gym. Ayoko sanang sumipot at manood, ngunit gusto yata ng mga trahidor kong paa. Muli kong kinontak sina Jaina at Kelly pero cannot be reach pa rin. Bahala sila, paniguradong pagsisihan nila 'to.

I took a deep sigh, bago ako naglakad papasok sa loob ng malaking court. Rinig na rinig ko na agad ang pagtalbog ng bola sa makinis at makintab na sahig. Iginala ko ang tingin ko. Nakita ko sina Ivan, Fritz, at Fidel na nakaupo sa bench. Si Zach naman ay nagwa-warm up habang si Ken ay hawak ang bola at nagdi-dribble. Mukhang hindi nila ako napansin kaya naupo na lang ako sa bench na nasa gilid.

"Klay!" Sa wakas ay napansin din ako. Lumapit sa akin si Ken habang hawak pa rin ang bola. "I thought hindi ka sisipot."

Iyan nga sana ang balak ko, eh. Kaso wala na naman akong choice. Ngumiti lang ako sa kaniya at hindi ako nagsalita. Nagsimula na ring lumapit sa akin ang iba pa maliban lang kay Fidel na prenteng nakaupo sa bench.

"Manonood ka ulit?" nakangiting tanong ni Ivan. Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot.

"Wala ka bang ibang kasama?" tanong naman ni Fritz. Umiling lang ako at hindi rin nagsalita. Obvious naman kasi na mag-isa lang ako kaya wala akong kasama.

"Okay lang naman kung hindi ka pumunta, if hindi mo gusto," sabi ni Zach nang umupo siya sa tabi ko.

"Uhh... N-Nakakahiya naman kasi kung hindi ako sisipot." Parang gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon dahil sa hiya. Bakit ba pagdating sa lalaking ito ay hindi yata nagiging normal ang pag-function ng sistema ko?

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now