CHAPTER 30

2.9K 72 8
                                    

KLAY

"E 'di, natahimik ka ngayon. Klay, kung ako sa 'yo, hindi na ako magtatapang-tapangan. Especially, katulong lang namin ang nanay mo! At huwag na huwag mo 'kong yayabangan dahil pera namin ang bumubuhay sa inyo!"

Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko at hinayaan ko na itong pumatak. 'Yong bigat na nararamdaman ko parang lalong mas bumigat pa. Ayokong maniwala. Hindi ako makapaniwala. Sobra akong nanliliit sa sarili ko ngayon. Bakit sa dami ng puwedeng pagsilbihan ni Mama. Bakit sina Hannah pa? Talaga bang nananadya ang universe?

"Oww, don't cry." Gamit ang daliri niya ay pinahiran niya ang luha sa pisngi ko na mabilis ko ring itinabig. "Klay... Ngayong alam mo na ang totoo. Hindi mo dapat ako kinakalaban," bulong nito sa tainga ko.

I'm so helpless right now. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Masyado akong minamaliit ng babaeng nasa harap ko ngayon at wala man lang akong magawa.

"At ang kapal ng mukha mo para gamitin ang kapatid mo at ang nanay mo para malandi si Xander!"

Naikuyom ko ang kamay ko dahil sa galit na nararamdaman ko. "Hindi ako malandi!"

"Wala kang kuwenta! You're a slut!"

"Sinabing hindi ako malandi!" Itinaas ko ang palad ko para sampalin siya pero nahuli niya ang pulsuhan ko.

"Don't you dare lay your filthy hand on me!" Madiin niyang hinawakan ang pulsuhan ko at malakas akong itinulak.

"Ahh!" Bumagsak ako sa sahig at napangiwi ako nang makaramdam ako ng sakit dahil tumama ang braso ko sa sahig.

"Look at you! You look really cheap as ever!" Nag-bend siya nang kaunti para maging magkapantay kami at napadaing ako nang hilain niya ang buhok ko. "'Wag na 'wag mo 'kong susubukan, Klay. You don't have an idea on what I'm capable of doing!" Binitawan niya na ang buhok ko at nagsimula na naman silang maghalakhakan hanggang sa umalis silang lima.

Naiwan akong umiiyak at walang magawa. Pinagtitinginan din ako ng ibang mga estudyante. Ang iba sa kanila ay mukhang nandidiri pa sa 'kin. Parang gusto ko na lang lamunin ako ng lupa ngayon at mawala na sa lugar na 'to. Ang malayo sa mga taong katulad nila.

Kahit na masakit ang braso ko ay pinilit kong makatayo. Kinuha ko ang mga gamit ko at tumakbo paalis. Habang tumatakbo ay patuloy pa rin akong umiiyak. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako. Wala na rin akong pakialam kung may nakakabangga ako. Medyo nanlalabo na rin ang mga mata ko dulot ng pag-iyak. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makaalis sa lugar na 'to...

Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng ospital kung saan naka-confine si Mama. Gamit ang mga palad ko ay pinunasan ko muna ang basang-basang pisngi ko bago ako pumasok at nagtungo sa kuwarto kung nasaan si Mama.

Pagkaupong-pagkaupo ko sa upuan na nasa gilid na Mama ay nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko.

"M-Ma... *sniff* M-Ma... g-gumising ka na, please... *sniff* Kailangan kita ngayon, Ma... Gumising ka na *sniff*... Ang dami kong tanong sa 'yo, Ma... Sabihin mo sa 'kin na hindi totoong kina Hannah ka nagta-trabaho, Ma. *sniff*. Ma, please..."

***

Umuwi ako na wala sa sarili. May klase pa ako pero hindi na ako pumasok. Gusto ko lang ngayon ay pahinga dahil nakaramdam na rin ako ng pagod. Napansin ko si Nanang Gloria pero hindi ko na siya kinausap at diretso lang ang lakad ko.

"Klay?"

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Fidel. Iniisip ko kung wala na ba siyang klase. Bakit nandito siya? Bakit umuwi agad siya? Tulad kay Nanang Gloria ay hindi ko rin siya pinansin at nilagpasan ko lang siya.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon