CHAPTER 48

986 47 18
                                    

KLAY

Kanina pa ako nandito sa labas ng café habang nagtatago. Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala sa nangyari kanina. Sa ginawang pag-amin ni Zach ng nararamdaman niya para sa akin. Nakakawindang kasi 'yong part na 'yon, dahil hindi ko iyon in-expect.

Sino ba naman kasi ang mag-aakala na aamin sa akin si Zach? Si Zachary John Silvestre na isa sa mga sikat sa campus at miyembro ng PU basketball team. Hindi ko naman kasi alam na seryoso pala si Fidel no'ng sinabi niyang baka may iba pang aamin sa akin. Una si Ivan, tapos si Zach naman? Sino pang susunod? Sino pang susunod na mabubulag sa akin? Jusko!

-
{ FLASHBACK }

"Hindi ko na kaya, Klay. Hindi ko na kayang pigilan at itago pa ang nararamdaman ko para sa 'yo. I like you... I like you, Klay."

"Z-Zach..."

Kumalas siya mula sa pagkakayakap niya sa akin. "S-Sorry. Sorry kung nabigla kita. It's just that... I can't hold it anymore. Hindi ko na kayang itago pa sa 'yo ang feelings ko."

Nanatili akong nakatayo at tila ba nawalan ako ng boses. Hindi ako makapagsalita! Nakakagulat naman kasi 'to.

"Hindi mo kailangang sumagot, Klay. Gusto ko lang naman ipaalam sa 'yo. Sana lang... hindi magbago 'yong pakikitungo mo sa akin."

"Alam ba 'yan ni Ms. Riyah?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang tinanong ko. Subalit, iyon kasi 'yong kusang lumabas mula sa bibig ko.

Marahan naman siyang tumango. "Yes. Actually, alam na ni Ate Zariyah bago ko pa man aminin sa kaniya. Hindi ko alam na all along nahahalata niya na pala," sagot niya.

Ngayon, naiintindihan ko na. Naiintindihan ko na kung bakit gano'n na lamang kabait si Ms. Riyah sa akin. Kung bakit biglang naging gano'n ang pakikitungo niya sa akin.

{ END OF FLASHBACK }
-

Isa rin sa dahilan kung bakit nanatili ako rito sa labas ng café ay hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ms. Riyah, ngayon na alam ko na ang totoo. Bahala na nga.

Nag-ipon ako ng lakas ng loob at saka ko napag-desisyunan na pumasok na sa loob. Mga mata agad ng co-workers ko ang bumungad sa akin, malamang dahil late ako. Iginala ko ang mga mata ko at nakita ko si Kelly na nasa counter. Kaya lang iba ang hinahanap ko at iyon ay si Ms. Riyah na ngayon ay papalapit na sa akin.

"Klay! I'm so glad nandito ka na. I thought hindi ka papasok ngayon, e. Ang dami ko pa naman sanang gustong itanong sa 'yo," nakangiting salubong niya sa akin. Bumuntong-hininga lang ako habang diretsong nakatingin sa kaniya. "Klay, may problema ba? What's wrong?"

"Ms. Riyah... alam ko na po ang totoo. Alam ko na po ang dahilan kung bakit ganito kayo sa akin. Kung bakit naging extra sweet at thoughtful kayo sa akin," direktang saad ko sa seryosong boses.

"K-Klay, I'll explain..."

"Akala ko noon, mabait lang talaga kayo, e. Pero napapansin kong iba na at hindi na tama. 'Yon pala ginagawa niyo lahat 'yon kasi gusto pala ako ni Zach. Ms. Riyah, inisip n'yo po bang unfair 'yon sa ibang co-workers ko? Natutuwa ako pero naiilang din at the same time."

"Klay, let me explain. Yeah, siguro nga I did that for my brother, kasi gusto ka niya. But, you deserved na itrato ng tama."

"Pero, Ms. Riyah. Amo ko po kayo at employee mo 'ko. 'Wag n'yo naman po sanang iparamdam sa akin na favorite n'yo 'ko dahil lang sa kapatid mo. Kasi iisipin ng ibang employee mo na may favoritism po kayo. Kung ganyan naman po, aalis na lang po ako. Magre-resign na lang po ako."

"Klay!" pinigilan niya ako bago ko pa man siya talikuran. "Don't do this. I-I'm sorry, okay? Pero hindi mo naman kailangang umalis, Klay. I know I did too much, pero 'wag ka naman sanang umalis ng dahil lang do'n. Look, hindi naman kita pinapaalis. So, you don't have to resign. If you feel uncomfortable, then I'll treat you all fairly. Klay... please?"

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now