CHAPTER 33

1.2K 41 2
                                    

KLAY

Nandito ako sa outdoor seating habang nagre-review para sa quiz namin mamaya. Kaya lang hindi ko talaga magawang makapag-focus dahil malalim ang iniisip ko. Iniligpit ko na lang ang book at notes ko sa loob ng bag. I put my arm on the table and placed my chin on my palm.

"Hoy! Anong problema? Ba't hindi yata maipinta 'yang mukha mo?" tanong ni Kelly na kararating lang at naupo sa tapat ko. "Heto oh, uminom ka muna ng milk-tea." Inilapag niya ang isang milk-tea na hawak niya malapit sa akin. "So, anong problema?"

Humugot naman ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Iniisip ko kasi si Mama, e."

"Huh? Ayos na ang mama mo, 'di ba? Dapat nga masaya ka kasi okay na siya. Ano bang iniisip mo riyan?"

"Iniisip ko 'yong hospital bill. Masyadong malaki at hindi ko alam kung paano ko babayaran 'yon para makauwi na si Mama at makalabas ng ospital."

"Hmm, mahirap nga 'yan. Kung mayaman lang ako, ako na sana ang magbabayad sa hospital bill ninyo. Kaso pasensiya ka na, Klay. Alam mo naman wala rin ako. Lalo pa ngayon na nagsisimula ulit kami ni Mama."

"Kelly, ano ka ba? Ayos lang naman, 'no! Naiintindihan kita," nakangiting turan ko sa kaniya. Alam ko ang pinagdadaanan nila ngayon ng mama niya kaya ayoko nang makadagdag pa.

"What if... humingi tayo ng tulong kay Jaina? For sure, tutulong 'yon. Para naman makauwi na si Tita," suhestiyon niya.

"Naku, hindi na. Hindi puwede, Kelly. Saka, nakakahiya kay Jaina at baka isipin pa niya na kinaibigan ko lang siya kasi may nahihita ako sa kaniya. Ayoko naman na gano'n ang isipin niya."

"Eh, so paano 'yan? Anong gagawin mo? Saan ka kukuha ng malaking pera para ipambayad sa ospital?"

"Ewan ko. Hindi ko alam. Pero ako na ang bahala. Gagawan ko ng paraan," sagot ko kahit na ang totoo ay hindi ko talaga alam kung saan ako kukuha ng malaking pera. May naitabi ako galing sa suweldo ko, ngunit alam kong hindi sasapat iyon. Kanina pa ako nag-iisip ng paraan kung anong gagawin ko pero hindi ko talaga alam.

"Klay? Mukhang may tumatawag yata sa 'yo," aniya habang nakatingin siya sa cellphone ko na nakalapag sa mesa. Sinulyapan ko naman iyon at nakitang may tumatawag nga. Naka-silent kasi ang phone ko kaya hindi ko napansin.

Nang kunin ko ang cellphone ko ay nabasa ko na ang nurse ni Mama ang tumatawag. Ano kayang nangyari? Walang ano-ano'y sinagot ko ang tawag at itinapat sa tainga ko ang phone ko.

Me: Hello?
Nurse: Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko, Klay. Kanina pa kita tinatawagan.
Me: Pasensiya na po, pero may nangyari po ba? Bakit po kayo napatawag?
Nurse: Well, I just want to inform you na puwede nang ma-discharge ang mama mo.
Me: T-Talaga po?
Nurse: Yes. Wala na ring problema sa hospital bill ninyo dahil bayad na lahat. Anyway, may gagawin pa ako so, hintayin na lang kitang dumating dito. Bye!
Me: Te-Teka po sandali—

Pinatayan niya na ako ng tawag kaya naman hindi na ako nakapagtanong pa.

"'Yong nurse ba 'yon? Anong sabi?" usisa ni Kelly matapos niyang uminom sa milk-tea niya.

"Ang sabi niya puwede na raw umuwi si Mama." I replied.

"Talaga? Oh, eh, bakit ganyan ang mukha mo? Ayaw mo ba no'n? Makakauwi na ang mama mo."

"Nagtataka lang kasi ako, e."

"Nagtataka? Saan naman?"

"Ang sabi kasi no'ng nurse ay wala na raw kaming problema sa hospital bill dahil bayad na raw lahat. Pero wala pa naman akong binabayaran, kaya paano nangyari 'yon?" puno ng pagtataka kong hayag.

My Red Flag EnemyWhere stories live. Discover now