CHAPTER 36

1.1K 47 15
                                    

KLAY

Na-late ako ng gising kaya naman nagmadali akong pumasok sa school. Sa kasamaang palad ay naipit pa ako sa matinding traffic kaya naman wala na akong choice kundi ang bumaba at takbuhin na lang papuntang university.

Nakarating ako sa gate ng campus na sobrang hingal na hingal. Chineck ko ang wrist watch ko. It's already 8:02 a.m. kaya naman pumasok na ako sa loob. Hindi na ako tumakbo at naglakad na lang dahil hindi na kaya ng powers ko.

Walang hinto ako sa paglalakad hanggang sa makita ko siya. Si Fidel. Ang dahilan kung bakit ako nagmamadali. Nakasandal ito sa pader ng building habang nakakrus sa dibdib niya ang mga braso nito. Pinagtitinginan din siya ng mga estudyante, especially mga kababaihan.

Nang makita niya ako ay naglakad siya papalapit sa akin. "You're late," he said as he took a glance at his wrist watch.

Tumaas ang isang kilay ko at napasilip din sa relos ko. 8:05 a.m. na. Parang limang minuto lang naman ako na-late. Grabe naman siya.

"Let's go." Nauna ito sa paglalakad.

Huh? Saan naman kami pupunta?

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Hindi ko masyadong inilalapit ang sarili ko sa kaniya dahil mahirap na baka ano pang isipin ng ibang makakakita sa amin.

Nagpunta kami sa library na siyang pinagtakhan ko. Anong ginagawa namin dito? Hays, nagtanong pa ako. Obvious naman ang sagot.

Nagtungo siya sa bookshelves at kumuha ng libro. Sinundan ko lang siya hanggang sa maupo kami sa bakanteng mesa. Umupo ako sa tapat niya at nagsimula na siyang magbasa. Hindi ko akalain na mahilig siyang magbasa. In fairness sa kaniya. Akala ko pa naman wala siyang ibang alam gawin kundi ang maging arogante lang.

Kinuha ko rin mula sa loob ng bag ko ang libro ko at nagbasa na rin. Hindi naman puwedeng tumunganga lang ako rito habang siya ay may ginagawa. Habang nagbabasa ay pansin ko ang mga mata ng mga babaeng nakatitig kay Fidel.

"What time is your class?" mayamaya ay tanong niya habang nakatuon pa rin ang mga mata niya sa librong binabasa niya.

"Mamaya pang 9 a.m." sagot ko.

Sumilip naman siya sa wrist watch niya. "You still have forty minutes para samahan ako rito," wika niya.

Hindi na rin masama. Mahilig din naman akong magpunta rito sa library kapag free time ko.

"Have you eaten breakfast yet?" tanong niya na tulad kanina ay nasa libro pa rin ang mga mata niya.

"Hindi," mabilis kong sagot.

"Damn!" Nagulat ako nang biglang tumaas ang boses niya. Kahit ang mga estudyanteng naririto ay napatingin sa kaniya. "Why didn't you tell me?!"

"Huh? Eh, malay ko bang kailangan ko pa lang sabihin 'yon sa 'yo—"

"Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng library. Ito na naman siya sa paghila sa akin.

"Fidel, bitawan mo nga ako," bulong ko sa kaniya nang mapansin kong pinagtitinginan na kami ng mga tao. Ngunit mukhang wala itong narinig dahil patuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa canteen. Hanggang sa pagpasok sa loob ay hawak niya pa rin ang kamay ko kaya naman napunta sa amin ang atensiyon ng marami.

Iginiya niya ako paupo sa bakanteng puwesto at bumili siya ng pagkain. Habang hinihintay siya ay nakayuko lang ako, kasi malamang sa malamang ay sa akin na naman nakapukol ang maraming pares ng mata sa paligid.

Dumating siya na may dalang mga pagkain na nasa tray at inilapag iyon sa mesa.

"Mahaba pa ang oras mo para kumain. Kumain ka na," utos niya nang maupo siya sa tapat ko.

My Red Flag EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon